Doctor, I am Sick. I want Lutgarda Very Quick

3.1K 66 3
                                    


DINALA sila pareho sa ospital, pero si Lutgarda ang unang nakalabas, dahil mga simpleng galos lang ang tinamo niya.

Ang nangyari pala, nagkataon na nagpahangin si Jed kaya lumabas ng bahay, at nakita na hinarang siya nina Jojo. Agad na itong tumawag ng pulis para rumesponde sa nangyari. Sinundan sila nito pero hindi agad sumugod dahil nga mag-isa lang. Pero nang makita ni Jed ang ginagawa sa kanya ay hindi na rin ito nakataas at sumugod na.

Pagkatapos nang lahat ng nangyari ay wala nang balak si Lutgarda na baguhin ang paraan niya ng pananamit. Bumalik na siya sa usual na attire niya: itim na palda at puting blouse, mahigpit ang pagkaka-trintas ng buhok.

Halos maya't-maya rin siyang nag-aalala kay Jed, kahit pa maayos na ang kalagayan nito. Kaya ngayon ay dadalawin niya ang kaibigan, dahil sabi nito nang tumawag ito sa kanya ay wala itong kasama, nasa trabaho ang kuya at tatay nito.

Papasok pa lang si Lutgarda sa hospital room ni Jed ay natanaw na niya itong kinakausap ang isang nurse.

"You would be a good wife someday," her best friend was saying. "Ang galing mong mag-alaga."

Namula ang nurse, humagikgik. She was pretty, prettier than her and she felt a little, hatred. "Masarap lang po kayong alagaan."

Nagtawanan ang dalawa. Kaya bago pa tuluyang masira ang araw niya, in-istorbo na niya ang dalawa.

"Hi, best friend," enthusiastic na sabi niya, may ngiting tabingi. Halatang na-dissapoint ang nurse sa pagdating niya. Bahagyang nagsalubong ang kilay nito.

Umupo si Lutgarda sa silya sa tabi ng kama ni Jed. Agad naman siyang nginitian ng lalaki, which made her smile genuinely at him. His smile was so contagious, and could melt hatred in anyone's heart.

Binalingan niya ang nurse na nakatayo pa rin sa dulo ng kama. "Salamat sa pag-asikaso mo sa kaibigan ko." sabi niya. "Tatawagin ka na lang namin kapag may kailangan kami."

Parang na-upset ang nurse, pero walang nagawa kung hindi ang sumunod.

Inabot ni Lutgarda kay Jed ang garapon ng cookies. "O. Kainin mo."

"Diyan muna. Kakakain ko lang. Dinalhan ako ni Nurse Jenny ng makakain kanina."

"'Tuwa ka naman?"

"She's pretty."

"'Asar," bulong niya.

Jed just eyed her with that strange smile on his lips.

"Kumusta ka na?" tanong na lang niya. Iyon lang naman ang ipinunta niya rito, hindi mang-away ng nurse o matuwa na nangitian nito.

"Okay na nga," he replied. "Pang-ilang beses mo nang tinanong 'yan, eh."

"Kailan ka makakalabas?" tanong pa niya.

"Sa makalawa siguro." Biglang gumapang ang kamay nito sa kamay niya na nakapatong sa kama. "Nakakainip dito. Walang magawa. Hindi naman ako naka-benda o ano pero kapag wala ka talagang makausap, para kang nakagapos."

"Kausapin mo ang papa mo," suggest niya.

Bahagyang lumungkot ang mukha nito. "Hindi naman ako madalas kausapin no'n, eh."

Totoo iyon. Sa totoo lang ay minsan lang dumalaw si Konsehal Toto sa ospital. Hindi pa nagtagal, dahil raw may kailangang asikasuhin sa trabaho. Para bang hindi naman ito gaanong nag-alala.

Iniba na ni Jed ang topic. "Sa susunod, 'wag ka nang magsusuot ng maiikling damit." biglang sabi ni Jed. "Masama iyon. Mapapahamak ka."

"Kaya nga ito na ang suot ko ngayon 'di ba? Narimarim nga ako ng isuot ko iyon."

Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon