Anna Magdalena: The Untold story 1

254 19 0
                                    

Kabanata 1

DAY 55

Nasakalagitnaan kami ng klase nang tawagin ng guro namin ang estudyanting nakaupo sa pinakalikuran, nag-iisa at natutulog.

Si ANNA MAGDALENA.

"Ms.Tatlong Hari"paulit ulit na tawag ni ma'am pero sadya atang masarap ang tulog ng kaklase ko dahil hindi ito magising gising sa ilang beses na pag tawag sa apelyido niya.

mula sa kinauupoan ko, nakita ko kung gaano namula at nanggagalaiti si Ms. Corpuz sa pagbabaliwala ni Anna Magdalina sa kanya lalong lalo na sa klase niya.

kinuha nito ang pambura sa ibabaw ng mesa at binura nito ang lahat ng nakasulat sa pisara saka ito naglakad papunta sa natutulog na si Anna.

natahimik ang buong klase nang walang ano ano'y bigla niyang hinampas ng malakas sa ulo ang kaklase ko gamit ang pamburang hawak niya kanina.

marami ang napasinghap, nagulat pero mas marami ang pagak na tumawa sa nasaksihan.

kuyom ang kamaong tiningnan ko si Anna na dahan dahang inangat ang ulo at malungkot na inilibot muna ang paningin sa lahat bago ito bumaling sa guro na nagpupuyos pa rin sa galit.

"ANONG KARAPATAN MONG MATULOG SA KLASE KO? ANG KAPAL NG MUKHA MO, E IKAW PA NAMAN ANG PINAKABOBO SA LAHAT NG NANDITO!" malakas na sigaw ni Ms.Corpuz sa pagmumukha ng kawawang si Anna, hindi pa ito nakuntinto't ilang beses muna nitong dinuduro duro sa ulo ang kaklase ko.

gusto kung sumigaw, gusto kung makialam, gusto ko siyang tulungan pero sa huli ay di ko ginawa at nanahimik nalang ako sa kinauupoan ko.

"Patawad ma'am, patawad" tanging nasabi ni anna at muling yumuko.

Day 67

Naglalakad ako papunta sa canteen para mananghalian. mga hiyawan, tawanan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa bukana ng canteen kung saan ako kakain.

kunot noong iginala ko at hinanap ang pinanggalingan ng mga ingay na yun.

natigilan ako't nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang isang estudyanting salampak na nakaupo sa sahig, basang basa ang damit at may ilang pagkain na nagkalat sa ulo pati na rin sa ibabang bahagi pa ng kanyang katawan.

si ANNA MAGDALENA.

gusto kong manuntok, saktan lahat ng gumawa non sa kanya pero tahimik na naikuyom ko nalang nang mahigpit ang aking kamao at tiningnan siya na dahan dahang tumayo.

naglakad ito papunta sa harapan ng babaeng estudyante na taga kabilang seksyon.

parang hinamplos ang puso ko nang yumuko si anna sa harapan ng taong yun.

"Patawad kung nadumihan ko ang uniform mo, patawad kung naging tanga ako at hindi nag ingat, patawad" hindi ko kinaya ang sakit ng dibdib sa ginawang pagpapakumbaba na yun ni anna magdalina at patakbong lumabas na ako nang canteen.

Day 79

Pilipino namin ngayon, nakaupo ako habang nakatingin kay Anna Magdalena na nakatayo sa harapan na kasalukuyang pinapagalitan at pinapahiya ni Mr.Alacantara.

"My goodness Ms. Tatlong hari napakasimple lang nang tanong ko sa'yo" ani ng aming guro, nag sitawanan naman ang buong kaklase ko."Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?" pag uulit niya pa. ngunit nanatili lang nakayuko si Anna Magdalena at hindi nagsalita.

nahapo ng aming guro ang kanyang ulo nang wala siyang marining na kahit ni isang sagot mula sa taong kanyang tinatanong ko.

"utang na loob magsalita ka dahil tinatanong kita!" sigaw niya pero wala pa ring naging reaction ang kaklase ko.

Anna Magdalena: The Untold StoryWhere stories live. Discover now