Chapter 3

3.8K 44 4
                                    

NAGISING siyang nakahiga sa isang puting kama. Agad niyang nabatid na nasa hospital siya dala na rin ng mga apparatus na nakadikit sa katawan niya.

Saglit niyang pinakiramdaman ang sarili. Bahagya niyang pinakibot ang mga labi. Hindi niya tiyak kung guni-guni nga lamang ba pero parang naramdaman niyang may dumampi sa mga labi niya.

“Geneva…” napukaw ang atensyon niya nang maramdamang may kasama pala siya sa kuwarto. Hirap ang boses nito. Nakahawak nang mahigpit ang mga kamay nito sa palad niya.

 Gusto niyang paniwalain ang sarili sa nakikita na nag-aalala ito para sa kanya ngunit natatabunan iyon ng isiping dahil lamang iyon sa pagkakaligtas niya rito.

 “Martin…” usal niya nang mapagsino kung sino iyon.

 “Tatawagin ko ang mga doctor.” Tumayo ito at umakma nang aalis ngunit pinigilan niya nang aalisin na nito ang kamay sa pagkakahawak sa palad niya.

 “Pwede bang dito ka muna?” nanghihina pa siya ngunit alam niyang malinaw ang pagkakasabi niya.

 Hindi ito sumagot ngunit bumalik ito sa kinauupuan.

 Nakabibinging katahimikan…

 “Salamat sa pagligtas mo sa akin.” Basag ni Martin sa katahimikan, “Utang ko sa’yo ang buhay ko.”

 Tipid siyang ngumiti, “Iniligtas mo rin naman ako dati di ba? Quits lang tayo.”

 Parang may kumurot sa puso niya matapos sabihin ‘yon.

 “Sorry nga pala sa panggagambala ko sa’yo dati. Ginulo ko pa tuloy ang buhay mo.” Pilit niyang pinigilan ang pag-iinit ng mga sulok ng mata.“H’wag kang mag-aalala, di na ulit kita guguluhin.”

 Matagal na hindi nagsalita ang binata. Ginusto niyang alamin ang nararamdaman nito ngunit wala siyang emosyong nababasa sa mukha nito.

 “Good,”hinayaan niya na nang tanggalin nito ang pagkakahawak sa kamay niya, “Tatawag lang ako ng doctor para matignan ka.” Hindi na ito naghintay na sumagot siya at tuloy-tuloy nang umalis.

 **

ISANG linggo pa siyang na-confine mula no’ng magkamalay siya. Sabi ng mga doctor, mabuti na lamang at hindi mismo ang puso niya ang tinamaan sa kanya dahil kung hindi’y pinaglalamayan na sana siya.

 Ang kaibigan niyang si Lea ang sumundo sa kanya. Hindi niya pa kasi masabi sa mga magulang sa probinsya ang nangyari sa kanya. Ayaw niya rin namang mag-alala ang mga ito.

 Sakay sila ng taxi pauwi ng apartment nangbiglang may humarang na pulang SUV sa kanila.

 “Baba!” pasigaw na utos ng nakamaskara ng itim na lalaking lulan ng pulang SUV. Nahintakutan sila ng kaibigan nang makita ang nakatutok na baril sa kanila.

 Napaarko ang mga kilay niya nang maringgang tila pamilyar ang boses ng lalaki.

“Naku mama! Maawa ka po sa amin, kagagaling lang nitong kasama ko sa ospital, wala po kayong mahihita sa amin ngayon, kung gusto niyo po, hanapin niyo na lang kami after three years, baka nakabingwit na kami ng matandang mayamang madaling mamatay na jowa!” Si Lea na hindi napigilan ang bunganga sa pagsasalita.

Hindi iyon pinakinggan ng lalaking nakamaskara.

“Baba!” utos nito sa mas mabangis na boses. Wala na silang nagawa kundi ang sumunod.

“SAAN naman kaya tayo balak dalhin ng mamang ‘to?” sitsit sa kanya ng kaibigan habang sakay sila ng kotse. Hindi niya maintindihan kung bakit pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Para kasing may bumubulong sa puso niya na kilala niya ang lalaki. Kilalang kilala, “Naku, baka mamaya, reypin tayo n’yan, di pa ako ready!”

 Nakurot niya ang kaibigan, “Wag ka ngang maingay, ayaw ng mamang yan sa maiingay.” Saway niya rito.

 “Hus! Ikaw naman parang kilala mo si mamang kidnapper,” irap nito sa kanya, “Saka mas maingay ka naman sa akin ah, don’t tell me, na-ospital ka lang, naging discreet ka na.”


 Nagpasya siyang huwag na lang patulan ang kaibigan. Baka kasi marinig sila no’ng mama, tuluyan pa sila. Hindi pa naman siya sigurado sa hinala.


 Huminto ang kotse sa tapat ng isang fast food chain.


 “Ay, mamang kidnapper, pakakainin mo ba muna kami? Ang bait mo naman!” komento ni Lea nang makitang sa isang fast food chain sila huminto.


 Bumaling ang mama sa kanila at tinutukan nito ng baril ang kaibigan.


 “Baba!” asik nito.


 “T-Teka naman! Hindi ko pwedeng iwan si --.”


 “Baba!” utos ulit nito na ikinasa na ang baril.


 “I-ito na nga oh! B-bababa na nga eh.” Nanginginig na sambit ng kaibigan. SIya nama’y sinubulan ng pagkatakot.


 Nang makababa ang kaibiga’y pinahagibis na ng mama ang sasakyan.

 **

“M-MARTIN?” Bulalas niyang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa pinagdalhan ng mama sa kanya. “Martin ikaw ‘yan di ba?”


 Nang marinig ang tawag niya’y dahan-dahan nitong tinanggal ang maskara at nakatungong humarap sa kanya.


 “Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan eh!” palatak niya nang makumpirmang si Martin nga ‘yon. Hindi niya naitago ang pagtalon ng puso niya dahil sa saya ngunit agad din iyong napalis ng mga alalahanin. “A-ano nga palang ginagawa natin dito?” Matabang niyang tanong.


 Sa halip na sumagot, bumaba si Martin mula sa driver’s seat at pinagbuksan siya ng pintuan sa back seat.


 Giniya siya nito sa tabi ng pool.


 Kung hindi siya nagkakamali, nasa Davian Pool sila at sa mismong kinatatayuan nila, doon siya nag-umpisang sumunod-sunod sa binata.


 Naging kapansin-pansing sila lamang ang mga tao roon.


 Nang makatabi na sila sa pool, lumayo ito ng mga tatlong hakbang sa kanya.


 “Hi! I’m Inspector Martin Nievas,” pagsisimula nito, “Chief of Police ng Sta. Ana Police District,” humugot ito ng malalim na hininga, “Maraming salamat sa pagkakaligtas sa akin. Binigyan mo ako ng pangalawang buhay.” Ngumiti ito sa kanya.


 Nagsimula namang pumatak ang mga luha niya.


*maybe*

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon