Sana Bukas

93 4 3
                                        

"Mental illness is nothing to be ashamed of, but stigma and bias shame us all"
                                    -Bill Clinton

Author's Introduction:

Isa itong Eksperemental. Ang layunin ng nobelang ito ay buksan ang isipan ng mga tao sa usapin ng Mental Health issue. Bagamat inaamin ko, marami ritong mga pangyayari na hindi tugma sa tunay na sitwasyon ng mga pasyente sa naturang Hospital. Dahil alam naman natin na maraming lihim na mga nakaririmarim na pangyayari sa loob ng Institusyon na hindi pa naibubunyag. Dahil ang iba sa kanila'y mas malala pa nga ang dinaranas sa loob ng pagamutan kaysa sa pangungutya ng mga tao sa labas.

Ang pangunahing karakter na si Rico ang siyang magkwe-kwento ng mga mararanasan niya sa loob ng Institusyon. Isa siya sa mga taong pinagkaitan ng tadhanang mamuhay ng normal dahil sa pangyayaring hindi niya matanggap, naging dahilan rin ito para siya'y magbalak magpatiwakal. Nang maudlot ay napilitan ang kaniyang ina na dalhin siya sa institusyon upang doon na lang ipagamot. Nakilala niya roon si Nathan at ang schizophrenic na si Lily. Naging magkaibigan sila at magkasangga. Dahil hindi na nila makayanan ang mga nangyayari sa loob ng Institusyon ay nagbabalak silang tumakas sa lugar na iyon. Makatakas kaya sila? Ano kaya ang naghihintay sa kanilang tatlo sa labas ng Ospital na iyon? Tara na't samahan ninyo akong tuklasin ang buhay na kakaharapin nila.

Salamat sa pagbabasa. :)

SANA BUKAS
(c) John Meinard Salamat

(Authors Note: This is a work of fiction. Lahat ng mga ginamit na pangalan, lugar at pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.  hindi ko tino-tolerate ang pangongopya ng akda kaya please lang wag n'yo na pong gawin o subukan. May kani-kaniya po tayong isip para makagawa ng maipagmamalaki nating nobela. At Bilang pagsuporta na lang din sa aming nagpapakahirap para lang may maihandog sa inyong kwento. Maraming salamat po at enjoy reading.) :)

Sana BukasStories to obsess over. Discover now