Hindi niya alam kung paano re-react sa sinabi nito. Halu-halo ang pakiramdam niya—kaba, lungkot, at inis. Parang gusto niya ring sumabay sa pag-iyak ng ibang kababaihan na nabigo rin dito. She definitely can't deny it anymore. She has fallen for the stupid jerk. Pero wala na ring kapag-a-pag-asa iyon dahil mayroon na itong ibang napupusuan.

Mabuti na lang at pumuwesto siya sa may gilid ng bar kung saan hindi siya masyadong mapapansin ng mga naroroon. Um-order siya ng bottomless iced tea at sinimulang tunggain iyon.

"Oh yeah... Oh yeah... So scared of breaking it but you won't let it bend... And I wrote two hundred letters I won't ever send... Sometimes this cut is so much deeper then they seem... You'd rather cover up, I'd rather let them be... So let me be, And I'll set you free... I am in misery... There ain't nobody who can comfort me, oh yeah... Why won't you answer me? The silence is slowly killing me, oh yeah... Girl, you really got me bad... You really got me bad... Now I'm gonna get you back... I'm gonna get you back..."

Pakiramdam niya tumigil sa pagtibok ang puso niya. Bakit ba iyon pa ang naisipan nitong kantahin? Naaala niya lang tuloy ang nangyari sa birthday ni Jorick noon. Kung paano umiba ang pagpintig ng puso niya sa hindi niya pa malamang dahilan noon. Pero ngayon, alam na niya ang dahilan doon. It's because he already feels something for Ziggy.

"This is stupid," kausap niya sa kanyang sarili bago inisang lagok ang baso ng iced tea. Kung nakakalasing lang ang iced tea malamang ay kanina pa siya natumba sa kalasingan. Pakiramdam niya nga ay tumahimik ang buong paligid.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Talagang tumahimik ang paligid. Walang hiyawan, sigawan, tilian, at iyakan maliban na lang sa pagkanta ni Ziggy at pagtugtog ng banda nito.

Pumihit siya paharap sa stage. Napasinghap siya nang makitang nasa harap niya si Ziggy na kumakanta habang nakatingin sa kanya. Ang lahat ng tao ay nakatingin na sa kanila. Bakit hindi niya man lang ito naramdaman na lumapit? Masyado ba siyang naokupa sa kanyang kabiguan na hindi na niya napansin ang paligid niya?

Pero nanlalaki ang mga matang napaawang ang kanyang bibig nang ma-realize niya ang ibig sabihin ng mga nangyayari.

"CLOSE your pretty mouth, honey, at baka pasukan pa 'yan ng bangaw." Isinara ni Ziggy ang nakaawang na bibig ni Freya pero nanatili pa rin siyang estatwa, nanlalaki ang mga mata.

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. He's actually implying na siya ang babaeng matagal na nitong mahal! Tanga na lang siya kung hindi pa niya makukuha ang mga sinabi at inakto nito.

Pero teka... "In misery" ang tema ng kinanta nito at hindi ba may balak ng paghihiganti sa kanta? Ano ngayon ang pinapalabas nito?

Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Maganda ka sana kaya lang manhid ka naman. Walang epek ang mga pagpaparamdam ko sa 'yo," nakalabing komento nito, walang pakialam sa mga nanonood sa kanila.

Inirapan niya ito. "Nanliligaw ka ba sa lagay na 'yon? Akala ko manyak ka lang talaga kaya mo ginagawa 'yon." Pigil-pigil niya ang sarili na mapangiti. She felt her heartbeast raise. Tila may lobong in-inflate sa dibdib niya at parang sasabog na iyon sa antisipasyon.

"Hay naku, Fresca Yanika Belandres. Kung hindi lang kita mahal matagal na kitang sinakal," nakangusong sabi nito. Naghiyawan ang mga tao sa pahayag nito. Parang nanonood ng teleserye ang drama ng mga ito.

Ramdam na ramdam niya ang pagputok ng imaginary balloon sa dibdib niya. Narinig na niya ang magic words na gusto niyang marinig mula rito! Pahihirapan pa ba niya ang mga sarili nila kung pareho lang din naman pala sila ng nararamdaman?

Ngumisi siya na ikinagulat nito. "Sasakalin mo pa kaya ako kung sasabihin kong mahal din kita?"

Nanlaki ang mga mata nito, mukhang hindi makapaniwala sa narinig. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya habang ang mga kamay nito ay nasa ere na aktong hindi alam kung yayakap sa kanya o hindi.

Nagulat silang pareho nang biglang nag-ingay ang mga kabanda nito. "Wooo! Kasalan na!" hiyaw ni Cypren, ang drummer at pinakabatang miyembro ng grupo, nag-ingay ito gamit ng drums nito.

"Congratz, pare!" sabi naman ni Jazz na nasa bass.

"Don't worry, ladies, nandito pa naman kaming tatlo para magpasaya sa inyo," nakangiting hayag ni Mason na siyang guitarist ng grupo, nag-flying kiss pa ito na parang artista. Tila kinilig naman ang manonood sa sinabi nitong iyon dahil pagkatapos silang i-cheer ay kanya-kanya nang sigawan ng mga pangalan ng mga kabanda ni Ziggy ang mga ito.

Napailing na lang siya nang makitang tuwang-tuwa naman ang mga ito sa pagtanggap ng atensiyon. Pagharap niya kay Ziggy ay nakangisi ito habang nakatingin sa kanya. "So... puwede na bang dumiretso sa 'kiss the bride'?" gumagalaw-galaw ang kilay na tanong nito.

Mahinang tinampal niya ito sa pisngi. "Tumigil ka, Zigmundo kung ayaw mong masapak," banta niya rito, nanlalaki ang mga mata sa kapilyuhan nito. Maraming tao sa paligid kaya hiyang-hiya siya sa mga inaakto nito. At ang magaling naman ay parang nasisiyahan pa sa nangyayari!

"Sige na, isa lang naman..." nakangusong pangungulit pa nito. "Sige na, sige na, sige na, sige na—aw!"

Naiiritang sinikmurahan niya ito. "Tapusin niyo na ang act niyo at nang makauwi na ako. Sa labas na ako maghihintay." Pigil-pigil niya ang kanyang ngiti nang tinalikuran niya ito para lumabas na sa lugar na iyon. Wala siyang pakialam kung may mga tumitingin sa kanya nang kakaiba basta ang alam niya ay masaya siya.

Sana lang ay wala siyang pagsisihan sapinasukan niyang ito...    

The Prude Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now