Kulang ang sabihing "shocked" siya sa kanyang mga natuklasan. Talagang nawindang siya at tila nayanig ang buo niyang pagkatao nang ikinuwento nito ang mga pangyayari sa buhay niyang wala siyang kaalam-alam.

Bilang patunay sa mga pinagsasasabi nito ay naglabas ito ng mga dokumento ngunit nang makita nitong ayaw niya iyong galawin ay nagkuwento na ito.

Ayon dito, ay nakababatang kapatid daw siya nito at hindi niya totoong kamag-anak ang kanyang nakagisnang pamilya. Nang araw na ipinanganak siya ay binayaran daw ng malaking halaga ng kapatid ng kanyang ama ang midwife na nagpaanak sa mommy niya upang patayin siya. Malaki raw ang galit ng tiyuhin nila sa ama dahil sa ginawa nitong pagpapalayas sa tiyuhin nila sa kompanya. Nalaman kasi ng kanilang ama na kumukupit ito ng pera at nangmomolestiya ng mga babaeng empleyado. Simula nang maalis ang tiyuhin sa trabaho ay nagkasunud-sunod ang malas sa buhay nito. Kaya ang lahat ng iyon ay sinisi nito sa kanilang ama.

Sa sobrang galit ay binayaran nito ang midwife na nagpaanak sa kanyang tunay na ina, iyon ay walang iba kundi ang nakagisnang Lola Esther niya. Ngunit dahil hindi raw kaya ng Lola Esther niyang kumitil ng buhay, imbes na patayin siya ay kinupkop siya ng mga ito nang hindi na pinapalitan ang pangalan niya maliban na lang sa apelyido. Sinabihan lang nito pagkatapos ang kanyang mga magulang na namatay na siya. At dala ng sobrang kalungkutan, naisipan ng kanyang ama na ibenta ang pinaghirapan nitong kompanya at mamuhay na lang kasama ng buong pamilya sa labas ng bansa. Parang parte na rin daw iyon ng healing process ng kanyang ina.

"I just found out about it recently nang umuwi ako ng Pilipinas five months ago. May nadatnan akong sulat sa dati nating bahay sa Quezon at galing iyon sa Lola Esther mo," paliwanag ni Tristan. "Inamin nito sa sulat ang lahat ng ginawa nito at humihingi ito ng tawad." Inabot nito sa kanya ang isang nakasobreng sulat.

Kinuha niya rito ang sulat sa nanginginig na mga kamay. Sinimulan niyang basahin ang sulat nito. Nang matapos siya ay hinang-hina ang pakiramdam niya. Bakit ganoon? Sa tinagal-tagal ng panahon akala niya ay nag-iisa siya. Akala niya kaya malayo sa kanya ang ibang mga kamag-anak nila ay dahil hindi lang sila gaano nagkakausap. Akala niya tunay ang lahat...

Pero... Hindi siya maaaring magkamaling tunay ang ipinaramdam ng nakagisnang pamilya niya sa kanya. Those were all true. Ramdam na ramdam niya iyon. Kaya nga kahit na dapat na magalit siya sa ginawa ng mga ito ay wala siyang makapang ni katiting na galit sa puso niya. She was still blessed for having them. Naramdaman niyang uminit ang sulok ng mga mata niya. Nang magtama ang tingin nila ng lalaki ay may nabasa siyang pag-alala sa mga mata nito.

Hindi niya napigilang humikbi. Tumayo ito sa kinauupuan nito at linapitan siya. Nang tuluyan na siyang umiyak ay yinakap na siya nito.

"K-kuya?" Para siyang batang iyak lang nang iyak habang inaalo siya nito. Pakiramdam niya gumuho lahat ng depensa niya at ang gusto lang niyang mangyari ay manatili sa yakap ng kapatid. "H-hindi ko kayang magalit sa kanila... They have loved me too... Kaya no'ng nawala sila, akala ko... akala ko kaya ko na ako lang mag-isa... akala ko ako na lang mag-isa..."

"Sshh... It's okay, I'm here..." alo sa kanya ng kuya niya.

Oh how she missed being part of a family. Mula nang maiwan siyang mag-isa akala niya ay kaya niya na siya lang mag-isa. Akala niya kaya niyang walang nararamdamang kalinga mula sa isang kapamilya. Pero ngayong nalaman niyang meron pa siyang kapamilyang tunay na nagmamahal sa kanya ay tila nabuhay muli ang puso niya mula nang mamatay ang Lola Esther niya.

Sandali siyang kumawala sa pagkakayakap nito. "Alam ba ito nina M-Mommy?"

Malungkot itong ngumiti. Binundol ng kaba ang dibdib niya kahit hindi pa ito nagsasalita. "Mom's gone... a few weeks after you were declared dead. May sakit kasi sa puso si Mommy, hindi niya nakayanan ang pagkawala mo kaya..."

The Prude Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now