1

0 0 0
                                    


[
Play EYES NOSE LIPS by Taeyang ]

Prologue

Tahimik at tanging tunog lang ng mga yapak ko ang naririnig sa buong tulay ng Quirino Bridge. Nakalagay ang magkabilang kamay ko sa bulsa ng hood ko habang iniinda ang malamig na simoy ng hangin.

Nakalugay ang mahaba kong buhok habang natatakpan ito ng itim kong hood. Marahan ang paglalakad ko, dinadama ang pag-iisa at pansamantalang kapayapaan na nadarama.

Maraming bagay ang naglalaro sa utak ko, paulit-ulit ito at hindi ko na ma kontrol.

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, pero alam kong dito... dito magtatapos ang lahat ng paghihirap na ito.

Napatigil ako sa paglalakad at napatunganga sa gilid ng tulay. Dumako ang tingin ko sa ilog at daan-daang boltahe ng sakit ang dumaan sa akin.

Pumikit ako at dinama ang simoy ng pang-madaling araw na hangin.

My face turned cold. Dumilat ako at naramdaman ang pag-agos ng panibagong luha sa pisngi ko. Mapait akong napangiti. Kailan ba mauubos ang mga luhang ito? Kailan kaya mapapagod ang mga ito sa pagbuhos?

Noon pa man ay tinanggap ko na ang mapait na itinakda sa buhay ko. Mula sa paglisan pa ni Mama at Papa sa mundong ito. Ngunit hindi ko alam kung para saan pa't ipinagpapatuloy ko ang labang 'to gayong alam kong... matagal na akong talo.

Masyado akong nangarap. Masyado akong kumapit sa salitang pag-asa.

"Tapusin na natin 'to, Nadiya." bulong ko sa sarili ko.

Bumagsak ang hood mula sa ulo ko. Sumabog ang buhok ko dahil sa malakas na hangin.

"Hanggang dito ka na lang..." nanginig ang labi ko. "Dapat ka nang mawala sa mundong 'to."

Sumampa ako sa railing ng gilid ng tulay. Dinungaw ko ang madilim at tahimik na ilog sa ibaba.

Hanggang dito na nga lang talaga.

Pumikit ako. Ngunit bago ko pa man maibagsak ang sarili ay napatunganga ako sa lalaking nasa tabi ko na nakatuko ang magkabilang braso sa railings habang may sigarilyo na nakasalapak sa bibig.

"So you think you fucking deserve to die?" his tone is hard and serious, almost sarcastic.

Sa sobrang gulat ako ay muntik na akong mahulog. How ironic.

Nanuyo ang lalamunan ko. Isang simpleng tanong na obvious na ang sagot ngunit hindi ko alam kung bakit napaka big deal ng tanong na yon sa akin.

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. "Bakit ka nandito?"

Dahil sa ilaw na nakalagay sa gitna ng tulay, medyo naaaninag ko ang side view ng mukha niya. His long nose is very defined.

"Many people wants to live. Many people wished that they could go back alive. Many people deserve to live longer but life didn't let them. And now, you're here, just fucking wasting it?"

Para akong sinampal sa sinabi niya.

Galit ko siyang binalingan. "Sino ka para husgahan ako?" nanginig ang labi ko. "'Wag kang umastang parang may alam ka sa buhay ko." mariin kong saad.

He didn't bother to look at me. Humithit siya mula sa sigarilyo niya, magkasalubong ang kilay at tila malalim ang iniisip.

"Yeah, I don't have a damn clue whatever you is up to. But suicide is not the solution for it."

Pagod akong umiling. "Wala rin naman akong kwenta. Ano pang silbi ko dito? I'm sick of everything."

"Still. There's so many ways to live. Don't just look on negative sides."

"Wala nang magandang nangyayari sa buhay ko. Saan pa ako maghahanap ng katiting na liwanag? Wala na akong alam."

Wala siyang sinagot. Wala sa sarili akong napabaling sa kanya at nakita siyang nakatingala sa kalangitan.

"Look at the stars. And you'll find light and hope in it."

Parang tangang tiningala ko rin ang kalangitan. Maraming bituin. But in those infinite number of stars, I feel nothing.

"Stars are just merely stars. Nothing special." walang emosyong kong saad.

Suddenly, his eyes darted on me. "There is. You are just blinded by the darkness."

Hindi ko makuha ko ano ba ang meron sa mga bituin na iyan. Wala akong hilig sa mga constellation, noon pa.

Suminghap ako, pinuno ng hangin ang baga ko. Tinakpan ko ang ulo ng hood ko at nanatiling nakatayo sa railings.

"Alam mo kung ako sayo, umuwi ka na sa inyo. Pabayaan mo na ako dito."

"I don't care what you will do. I'm just warning you."

Naiirita ko siyang nilingon muli. "Wala ka na bang ma-trip-an sa buhay? Umalis ka na nga! Nakakairita ka!"

"I can't see anything here saying that its your property. Why would I leave if I still want to stay here?"

"Ewan ko sayo. Hindi ko maintindihan ang pagiging deep at sarcastic mo. Bumili ka ng kausap mo."

Wala siyang kwentang kausap.

Pumikit ako at hinanda ang sarili na mahulog. Ngunit bago pa man ako makatalon, naramdaman ko ang mainit na kamay na nakahawak sa papulsuhan ko.

"Don't."

Natigilan ako ngunit wala parin akong maramdaman kundi ang desididong wakasan ang buhay ko.

"Bitawan mo ako." banta ko.

"You'll regret it." His voice is dark and dangerous now.

Binalibag ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ang papulsuhan ko. "Wala kang pakialam! Pwede ba!? I don't need your stupid thoughts!"

"You are the stupid here." insulto niya.

"Then you're out of the picture. Back off." nabasag ang boses ko.

Heto na naman ang bwisit kong mga luha. Parang pinipiga ang puso ko sa halo-halong emosyon.

"Hindi mo ba naiintindihan? Mag-isa na lang ako! Nahihirapan na ako sa buhay ko! Araw-araw kong pinagdurusahan ang pagkabuhay kong 'to! Araw-araw sa pag-iisa ko, wala na akong ibang maramdaman kundi takot at sakit! Pangamba! Kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundong 'to, bakit ako pa?! Bakit ako pa ang nakakaranas ng parusang 'to gayong wala akong ibang hangad kundi maging masaya! Pero wala! Hindi ko makuhang maging masaya habang buhay ako!" hikbi ko.

"Hindi ganun kadali. Hindi madaling kumbinsihin ang sarili ko, napakahirap kumbinsihin ang sarili kong magtiwala lang sa lahat ng mga nangyayari. Ang tagal ko nang naghihintay sa wala."

Hindi ko na siyang narinig pang kumibo. Hindi ko na rin siyang hinintay pang makapagsalita. Sobrang bilis ng pangyayari. Sa isang iglap, naramdaman ko ang sariling lumulubog.

At nagsusumikap na makaahon.

Gusto kong sumigaw ng tulong. Ngunit tanging bula lamang ang nailalabas ng bibig ko. Hindi ako makabigkas ng salita.

Ang takot at kaba ay lumukob sa akin.

Natatakot ako. Natatakot ako sa madilim na ilog at tanging malamig na tubig na lamang ang nararamdaman ko.

Isa na lang ang hinihintay ko ngayon. Milagro.

Milagrong sagipin niya ako.

Unti-unti akong napapikit at nawalan ng lakas. Sobrang daming tubig narin ng naiinom ko. Wala na. Wala nang pag-asa.

Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang pagsabog nang nasa kanang bahagi ko. Kasunod nito ay ang pagpulupot ng isang braso sa bewang ko.

Hindi ko akalaing kung ano pa ang bago ko lang hiniling, iyon pa ang agad na matutupad.

Napangiti ako.

Salamat.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 13 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Celestial Tears (On Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt