“Hindi ibang lalaki si Zac, Vincent. He is my best friend. I hope he can be your friend, too.” Sana ay mangyari nga iyon balang araw.

“It will take a long time for that to happen, Mika. Masyado akong na-threaten kay Zac noon at wala pa akong tiwala sa kanya.” Pag-amin niya. “But I’ll still try. For you.” Pinadausdos niya ang daliri sa aking pisngi. Uminit ang mukha ko nang gawin niya iyon.

Narinig ko ang isang tikhim.

“Ella, we need to go.” Nilingon namin si Zac na nakahalukipkip at ilang metro na lang ang layo sa amin.

Malalim na humugot ng hininga si Vincent bago niya binalik ang tingin sa akin. “I can’t believe that I have to do this.” Bulong niya. Pero alam kong narinig iyon ni Zac dahil sa pagkunot ng noo nito. “Kagabi, kay Terrence kita pinaubaya. Ngayon naman sa kanya.” Nag-igting ang panga niya sa sariling sinabi.

Hindi ko mapigilan ang pilyang ngisi ko. Naiisip pa rin pala niya ito. Ayaw pa rin niyang hayaan ako sa kamay ng ibang lalaki. At natutuwa ako sa isiping baka nagseselos si Vincent sa tuwing may kasama akong iba bukod sa kanya.

Narinig ko ang eksaheradong singhap ni Zac at napatingin ako sa kanya. “Sa’yo pa rin naman siya sa huli, pare. For now, I need to take her home. Baka kung ano nang isipin ng mommy niya sa kanya.”

Lumayo ako ng kaunti kay Vincent at bumagsak ang kamay niya. Kinagat ko ang aking labi.

“Sige na, Vincent. Aalis na kami. Tatawagan kita. I’ll talk to mom. And then tomorrow, sabay natin siyang kakausapin.”

Tumango si Vincent at isa pang beses na lumapit sa akin para halikan ulit ako sa noo. Nang alisin niya ang labi roon ay akala ko lalayo na siya pero lumipat lang ang bibig niya sa tainga ko.

Bumulong siya. “I love you. So much, Mika. I will forever be in love with you. You…” Naramdaman ko ang hintuturo niya sa aking dibdib. “Must not forget that.” Halos makuryente ang balat sa tainga ko dahil sa haplos ng hanging nagmumula sa bibig niya.

Hindi ko na iyon ininda. I need to answer him. Tumingkayad ako at inabot din ang tainga niya. “I love you, too. So much.” Panggagaya ko sa sinabi niya. “I will forver be in love with you, Vincent. Tandaan mo palagi iyan.”                                  

Panay ang singhap ni Zac. Naiiling siya at panay ang ngisi. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganyan. Kanina pa, mula nang makalabas kami ng condominium ay ganyan na siya. Namumula ang tainga niya na kitang kita ko dahil sa nakatagilid niyang mukha. Diretso ang tingin niya sa daan.

“What’s wrong?” tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ko nang matawa siya.

“I didn’t know that the both of you could be so cheesy.” Umawang ang bibig ko at nahiya. Pakiramdam ko ay nangangamatis ang buong mukha ko.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें