"Ay hehe tara na po. Mommyyyyyy! andito na sina Ate Ye!"

Pagpasok namin naghahapag si mommy

"Ma!" tumakbo ako at yinakap sya habang akay si kara

"Anak na miss kita. sino kasama mo?"

"Si Vic po tsaka anak namin"
Nabitawan ni Mommy ang hawak nyang baso

"Anak nagbibiro ka talaga. pano kayo magkakaanak?"

"Uhmm tita ano po--"

"Di ikaw ang kinakausap ko Ara"

"Ma"

"What? di ba sabi ko wala ka ng babalikan"

Vic's pov

"What? di ba sabi ko wala ka ng babalikan"

Ang sakit ah walangya

"Uhmm excuse me po. may nakalimutan ako sa kotse"

"Vic" sabi ni ye. nginitian ko lang sya

Pagdating ko ng kotse tinawagan ko si bang

*on the phone*

"Hello Vic? napatawag ka?"

"Bang" sabi ko habang humihikbi

"Ara anong nangyari sayo?"

"Di na ko tanggap ni tita. alam mo bang napahiya ako dun kanina. ha ha ha sht lang kala ko okay na eh."

"Ganito na lang. Alam kong importante yung pag tangap ng pamilya niya. Pero isipin mo pumunta ka diyan para supportahan at samahan si mika. Pumunta ka diyan para ipakita sa pamilya niya na worth it ka at hindi mo ginusto na umalis. Explain mo rin yung side mo. "

"Paano pag ayaw pa rin nila ang sakit kasi eh."

"Hindi mo na problema yung vic. Problema na nila yun. At least alam mo sa sarili mo na you already did your part."

"Pano pag pinaghiwalay kami?"

"Kung mangyari man yun wag kang bumitaw kahit anong mangyari. Maging totoo ka sa nararmdaman mo hindi yung ginagawa mo lang yan dahil no choice ka na or dahil iyun yung makakabuti. Lahat tayo may choice. At sa mga choices na yun piliin mo kung saan ka sasaya. Pag usapan niyo yan ni mika. Pumasok ka na ulit dun at tigil tigilan mo na yang pagiisip mo. Think positive para sa anak mo at so called asawa. "

"Bang salamat."

"Sige na balik na sa loob chupi"

"Haha sige bye. thank you ulit"

Pumasok na nga ulit ako. kumakain na sila pagdating ko.

"Mommy Vic, tagal mo naman. ani ginawa mo?"

"May tinawagan lang ako Kara. kain ka lang dyan."

"Baby upo na kain na."

"Sige ye kain ka lang"

Mika's pov

Kakapasok ko lang din bago bumalik si Vic. narinig ko mga pinagusapan nila ni Bang. Si Vic kasi yung tipo ng tao na ayaw nyang pinapakita yung sakit na nararamdaman nya. magaling yan magpretend sobra. tulad ngayon ngiti ngiti pero sa loob umiiyak.

"Baby upo na kain na"

"Sige ye kain ka lang"

Ang onti ng kinain ni Vic. tss

"Victonara kumain ka pa."

"Busog na ko."

"Pero Vic"

"Ye" tinitigan nya ko. okay ayaw nyang magpapilit

"Fine. Magusap tayo sa labas."

Nauna akong lumabas sakanya. sumunod naman sya

"Vic narinig ko pinagusapan nyo ni Bang." nagulat naman sya

"Ano nagulat ka no?"

"Ye"

"Masyado bang maganda pangalan ko para lagi mong banggitin? Vic kung may problema ka o nasasaktan ka na sabihin mo sakin. ako iintindi sayo. Ara girlfriend mo ko! sabihin mo sakin ano inaalala mo."

"Wala Mika wala. swear." nginitian pa ko

"Di mo ko madadaan sa pangiti ngiti mo."

"Okay. gusto mo malaman? sige. Bago ako umalis pumunta ako dito para sabihin kay Tita na aalis ako. sinabi ko babalikan kita pero nagalit sya. Ye natatakot ako na ilayo ka nila sakin ngayon."

"Vic di ka pa naman nageexplain sakanila kung bakit ka umalis diba?"

"Ye natatakot ako. ayokong isipin na mawawala ka nanaman. Pag nakikita ko yung anak natin na masaya pag kasama ka mas lalo akong natatakot sa mga pwedeng mangyari."

Napaupo nalang si Vic sa may garden

"Naalala mo yung ferripromise natin? yun ang panghawakan mo. Magkasama tayong lalaban okay?"

"Opo. Sorry Mika"

"Halika nga dito" at hinug ko sya

"Mika" pagtingin ko

"Ma"

--------

Getting You backΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα