I sighed. Wala na rin naman akong magagawa diba? Si Ara yung nakakaalam ng lahat-lahat tungkol sa akin. And kailangan ko din ngayon ng masasabihan nitong gumugulo sa isip ko.

"Isarado mo muna yang 'pintuan'." utos ko sa kanya na agad n'yang sinunod.

Umupo s'ya agad sa may tapat ko.

"So?" tanong pa n'ya.

Sinimulan kong ikwento sa kanya lahat-lahat ng mga narinig ko kanina, at yung nangyari sa amin nung babaeng talent kanina. At pati na rin yung pangalan na itinawag sa kanya ng kaibigan n'ya. Mataman lang naman s'yang nakikinig sa akin. Pati yung mga gumugulo sa isip ko, sinabi ko rin sa kanya.

"So feeling mo, si CJ at yung 'magandang talent' na nakabunggo mo kanina ay iisa?" at nag-air quote pa s'ya dun sa magandang talent. Eh totoo naman kasi. Mas maganda pa nga s'ya sa ibang artista namin.

"Hindi ko alam. Ayoko. Hindi pwede." Tumango naman s'ya.

"Hindi pwede dahil?" tanong n'ya.

"Ara, hindi ba obvious? Dahil babae s'ya. Hindi pwedeng maging babae si CJ. Hindi ako papayag!" agad na sagot ko.

"Hindi ka papayag dahil?" tanong n'ya ulit.

"Dahil hindi pwede na nainlove ako sa isang babae! Dahil hindi ako papayag na niloko n'ya ako noon sa pagpapaniwala sa akin na lalaki s'ya." tumango ulit s'ya.

"Sinabi n'ya ba noon sa'yo na lalaki s'ya? Or nag-assume ka lang?" napaisip naman ako sa tanong n'ya. Wala akong matandaan na nasabi n'ya kung babae o lalaki s'ya.

"Well, hindi ako nag-assume. Sinabi n'ya na may ex-girlfriend s'ya kaya syempre, iisipin kong lalaki s'ya diba?"

"Eh papa'no kung bisexual? Kung lesbian?"

Sunud-sunod naman yung iling ko.

"No. Hindi s'ya ganon. At sige, ipagpalagay natin na yung CJ na talent si stranger, masyado s'yang maganda para maging tomboy no! Eh di dapat, pareho s'ya ng itsura nila Charice at Aiza Seguerra diba?" tinaasan naman n'ya ako ng kilay. O bakit? Tama naman ako diba?

"Saang bundok ka ba nanggaling at bakit ganyan yung pananaw mo sa mga lesbians? Na kapag sinabing 'tomboy', yung mga babaeng nagpapakalalaki yung iniisip mo? Hello, 2018 na po ngayon, Mikaela. Hindi lang ganun yung mga lesbians ngayon. Yung iba, mas magaganda pa sa atin. Yung iba nga, mas kikay pa at mas babaeng-babaeng manumit kesa sa ating dalawa no! At yung tomboy, ineng, iba s'ya sa lesbian. By definition, yung mga tomboy, sila yung mga babae na boyish manamit at kumilos, pero pwedeng straight sila. Dito nga sa showbiz, ang daming nababalitang bisexual diba? Or lesbians. At, may mg aka-loveteams pa sila ha!" mahabang paliwanag n'ya.

"Okay, sabihin na natin na may mga ganun nga, magagandang babae na pumapatol sa kapwa nila babae. So lesbians nga sila, mali yung ginagawa nila. Kasalanan sa Diyos." depensa ko ulit.

"Sabi ng Mama at Papa mo, tama?" tumango naman ako.

"Alam mo, sasabihin ko 'to dahil kaibigan mo ako. Sasabihin ko 'to dahil ito yung opinion at nakikita ko." nakatingin lang ako sa kanya para magpatuloy s'ya.

Huminga muna s'ya ng malalim bago nagsalita ulit.

"Yung parents mo, and yung mga kapwa nila 'relihiyoso', sila yung makikitid yung utak. Yung instead na dahil lagi silang nasa simbahan, mas magiging open yung isip nila sa mga ganitong bagay, sila pa mismo yung close-minded pagdating sa mga gays and lesbians. Sila pa mismo yung mga unang nagjjudge sa mga taong 'yon. At hindi lang sa LGBT community ha. Pati sa ibang tao. Sa gobyerno, sa mga nakakasalumuha nila. Lahat yon, meron silang pintas. Lahat yon, hindi maganda yung tingin nila. And to think, lagi daw nilang kinakausap si Lord ha. Minsan ba, naisip nila na yung mga gays and lesbians, or yung mga disgrasyadang mga babae, lahat yan, tao lang din. Tao lang din na anak ng Diyos. Pare-pareho lang tayo. Kaya sino sila para manghusga sa mga ganung tao? Sino sila para sabihin na makasalanan yung mga ganong tao. Bakit, kasalanan ba yung magmahal? Kasalanan ba yung magpakatotoo? Hindi ba't mas kasalanan yung husgahan mo yung isang tao dahil lang sa gender n'ya? Dahil lang maaga s'yang nabuntis? Bakit hindi nila mas buksan yung isipan nila sa mga ganung tao?" natahimik naman ako sa sinabi n'ya.

May point s'ya don. Kaya nga hindi na kami masyadong sumasama ni Mads ngayon sa mga parents naming kapag niyaya nila kami na sumama sa pagba-bible study nila. Minsan kasi, bago sila magsimula or pagkatapos nila, ang ne-nega ng mga pinag-uusapan nila. Ang dami nilang nasasabi sa ibang tao.

"Hindi porke lagi silang nagbabasa ng bibliya o nagsisimba, laging tama na yung iniisip nila. Minsan, subukan nilang umunawa. Baka mas maniwala pa ako na nababago nga ng pagdadasal yung mga buhay nila. Baka mas maniwala na ako na mas malalapit ka kay Lord kapag sumali ka sa pagba-bible study nila." dugtong pa n'ya.

"I—" walang kahit anong salita yung lumalabas mula sa akin. Feeling ko, tinamaan din ako sa mga sinabi n'ya dahil sa mga nasabi ko kanina about sa mga lesbians.

Umiling naman s'ya.

"Naiintindihan ko. Alam ko na kailangan mo lang sumunod sa parents mo at sa lahat ng sinasabi nila. Opinyon ko lang naman yung sinabi ko." tumango naman ako.

"So, mabalik tayo kay CJ na yan." Pagbabago n'ya ulit ng topic. "What if s'ya nga si stranger, anong gagawin mo? Magpapakilala ka ba sa kanya? Sasabihin mo ba kung ano yung naramdaman mo para sa kanya? Diba sabi mo nga noon, bago mo nasabi sa kanya yung lahat-lahat, nawala na s'yang parang bula?"

"Hindi ko alam. Pero sana, hindi s'ya yon. Sana, hindi s'ya si stranger. Hindi ko alam kung papa'no ko s'ya papatunguhan dito if ever. Halos kakastart pa lang ng pagsshooshoot natin. Ibig sabihin, ilang buwan ko pa s'yang makakasama. Ang hirap isipin na s'ya yung taong ilang buwan kong nakausap na minahal ko kahit hindi ko pa nakikita." hindi ko na lang idinugtong na dahil babae s'ya dahil baka malecture-an na naman ako ni Ara.

"Pero mas mahihirapan ka kung iisipin mo lang yan at puro ka what ifs. Mas maganda kung tatanungin mo s'ya. Mas maganda kung alam mo. Dahil mas hindi ka patutulugin ng pag-iisip na baka nga s'ya yung first love mo." sabi pa n'ya.

"Ewan. Bahala na." wala talaga akong maisip. Ayokong isipin, pero kusang pumapasok sa isip ko. At kahit yung kung anong naramdaman ko sa tiyan ko kanina, hindi ko rin alam kung papa'no ieexplain 'yon kay Ara, kaya hindi ko muna sinabi 'yon sa kanya. Saka na.

Nagkibit-balikat naman s'ya.

"Ikaw yung bahala. Buhay mo naman yan. Ikaw din naman yung mahihirapan sa kakaisip if ever. Natatakot kang malaman kasi yung totoo diba? Natatakot kang malaman na s'ya talaga si CJ na nainlove ka noon. Dahil ayaw mong tanggapin na nagmahal ka ng isang babae. Dahil sabi nga ng parents mo, kasalanan 'yon sa Diyos---" naputol yung pagsasalita n'ya nang may marinig kaming katok sa may 'pinto'. 

"Ma'am Ara, pinapatawag po kayo ni Direk, andyan na daw po yung food, kailangan n'yo na daw pong bayaran." tumango naman si Ara dun sa PA na tumawag sa kanya at sumunod palabas.

Pero bago s'ya tuluyang lumabas, lumingon muna s'ya sa akin.

"Ayaw mo non, kapag nalaman mong babae si CJ, mas madali kang makakamove on. Mas madali mong matututunan mahalin si Jerome. Tutal, sabi mo nga, mali yung nararamdaman mo diba? Mali na nagmahal ka ng taong di mo pa nakakausap sa phone or nakikita, at ngayon, mas mali dahil babae s'ya. So go, move on. Maging masaya ka na lang kay Jerome na bukod sa mahal na mahal ka at matiyaga sa'yo, tama pa sa paningin at paniniwala mo at ng parents mo." nakangiting sabi n'ya at pagkatapos ay naglakad na palayo.

Naiwan naman akong pinag-iisapan yung sinabi n'ya.

Tama, baka nga mas magandang isipin na si CJ na stranger at si CJ na talent ay iisa. Baka mas madali kong makakalimutan kung ano yung naramdaman ko sa kanya noon. Dahil mali nga diba? At mas tama na kay Jerome ko na lang talaga ibaling kung ano man yung naramdaman ko sa ka-chat ko noon.

Mas madali. Mas hindi complicated. At higit sa lahat, mas matutuwa sa akin yung parents ko dahil matagal na nilang sinasabi sa akin na sagutin ko na si Jerome.

Tama. Yun na nga lang. I need to move on and I need to unlove that stranger.

How to Unlove Mr. (Ms.) StrangerWhere stories live. Discover now