Prologue

2.3K 145 2
                                    


MIKAELA'S POV:

2012

"Sige na, Ate Mikee, gumawa ka na ng account mo sa yahoo, tapos, gawa ka din ng facebook. May project kasi kami na kailangan daw i-like yung video na ginawa namin, tapos, yun yung magiging basehan ng grades namin for finals. Pretty please?" napailing lang ako habang sinasabi 'yon ng magaling kong kapatid. Seryoso? Nag-aaral din naman ako, and graduating na, pero never naman kaming nagkaroon ng ganyang project. Parang di naman kasi sa ganun binabase yung grades mo. Weird lang. Sa social media talaga? Anong klaseng prof yung magpapagawa non? At isa pa, ayoko ng mga ganyan. Gugulo lang yung buhay ko dyan. Okay na ako sa text text at tawag-tawag lang.

"Mads, busy ako. May kailangan pa akong tapusin o?" at ipinakita ko sa kanya yung project na ginagawa ko para sa RTV Writing subject namin. Yung prof kasi namin, eto, napagkatuwaan na naman na pasulatin na naman kami ng short story na kailangan daw, medyo out of the box, kakaiba. And take note, hindi namin 'to kailangang i-post sa FB-FB na yan at ipalike kung kani-kanino. BABASAHIN S'YA TALAGA NG PROF NAMIN AT HINDI AASA LANG SA LIKES.

"Ano ba yan?" curious na tanong n'ya, sabay silip sa ginagawa ko.

"Ew. Story na naman? Di ba kayo nagsasawa sa ganyan? Aba, every week yata, may ganyan kayo." Komento n'ya, sabay iling sa akin.

"Hello, ganito talaga sa subject na 'to no! Kaya nga Radio and TV Writing diba? Sulat ng sulat lang. And kailangan namin 'to." depensa ko.

"Para saan? Para may mabasa lang yung prof n'yong matanda kapag bored s'ya, ganern?" hindi ko na lang s'ya pinansin dahil busy ako sa ginagawa ko. Kailangan kong matapos 'to, dahil bukas, ang dami kong kailangang gawin kaya di ko na 'to maasikaso. May quiz pa kami sa first subject.

Akala ko naman, iniwan na n'ya ako at tinantanan na n'ya yung pangungulit sa akin kaya nagsimula na naman akong mag-isip at magtype.

Ang totoo n'yan, eto yung favorite kong subject. Gustung-gusto ko kasi talagang magsulat ng magsulat ng kung anu-anong stories. Basta, kahit anong theme and genre, okay lang. Pangarap ko ngang maging script writer after kong gumraduate. Kaya nga pinagbubutihan ko dito para naman may mailalagay ako sa CV ko kapag nag-apply na ako sa top networks.

Napangiti ako nang matapos ko na yung story ko. Medyo mahaba-haba nga  'to kesa sa mga nauna and tulad ng lagi kong sinusulat, open-ending pa rin s'ya. Yun bang bahala na lang yung readers na mag-isip kung ano ng aba yung nangyari sa mga characters ko. Ewan, ganito kasi talaga yung mga gusto ko eh. Ang mysterious kasi. Mas macucurious yung mga mambabasa diba?

Ise-save ko na sana pero bigla akong nagulat nang bigla n'yang isinarado yung laptop ko. What the hell?

"Ate, alam mong hindi kita titigilan diba? At isa pa, ayaw mo bang tulungan ako para maging top 1 ulit this grading period? Or mas gusto mong tulungan yung karibal ko?" pangongonsensya pa n'ya sa akin. As if naman madadala ako sa ganyan. No. Ayoko talaga.

"Madelaine, alam mong hindi pa rin yung sagot ko diba? Kahit magdrama ka pa dyan. At sigurado ako na kahit matalo ka sa likes-likes whatever na yan, malaki pa rin yung lamang mo dun sa kasunod mo no!" pambabasag ko sa kanya kaya mas lalo s'yang napasimangot.

"Ganyan ka ba talaga katigas? Wala ka talagang concern sa akin no? Puro ka na lang sarili mo. Yung gusto mo. Eh papa'no naman ako? Ang simple-simple ng hinihiling ko, pero hindi mo pa mapagbigyan. Siguro nga, hindi mo talaga ako mahal." wow, at ginamitan talaga ako ng ganon.

"Mads, NO. Hindi pa rin." sabi ko pa, habang pinipilit na ibukas yung laptop ko, pero sadyang malakas ang bruha dahil hindi ko talaga mabuksan.

Fudge! Kapag nawala yung isinulat ko, lagot talaga sa akin 'tong babaeng 'to.

"Gagawa ka at tutulungan mo ako,o, wala kang maipapasa bukas?" pananakot n'ya sa akin kaya hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.

"Really? You'll stoop that low para masunod yung gusto mo?" walang ganang tanong ko sa kanya.

"Grabe ka naman don." mukhang tinamaan s'ya sa sinabi ko kaya inalis na n'ya yung mga kamay n'ya sa laptop ko.

Agad ko naman itong binuksan at nakahinga ako ng maluwag dahil andito pa rin yung sinulat ko. Nagmamadali ko naman itong i-save dahil baka may kalokohan na namang gawin si Madelaine.

Pagtingin ko sa kanya, mukhang pinagsukluban s'ya ng langit at lupa, kaya napabuntong-hininga ako.

"Alam mo naman yung rason kung bakit ayoko ng ganyan diba? Pampagulo lang yan sa buhay, sa pag-aaral ko, at sa personal kong buhay." totoo naman eh. Nakikita ko naman sa mga classmates ko. Minsan nga, ang tatagal nila sa computer shops para lang iopen yung mga accounts nila facebook. Eh kung mas tumatambay sila sa library para mag-aral, mas may matututunan sila diba? Tapos, kapag mabababa grades nila, magrereklamo sila.

"Oo na. Hindi na kita pipilitin. Baka kung ano pa yung sabihin mo ulit." malamig na sabi n'ya sabay walkout.

Ay wow. S'ya pa talaga yung may ganang mag-walkout. Eh kasalanan naman n'ya diba?

Pero syempre, bilang Ate, bigla akong nakonsensya. Papa'no nga kung kailangan talaga n'ya? Mas papairalin ko ba yung pride ko at yung pag-ayaw ko sa social media, kesa makatulong sa kapatid ko?

Napahawak naman ako sa sentido ko. Ano nga bang gagawin ko?

Saglit na nag-isip ako at pagkatapos ay may tinype na website sa browser ko.

Mga ilang minuto akong tumitig dito, bago muling nagtype.

Bahala na. Isang beses lang naman diba?

At dahil wala naman talaga akong planong gamitin 'to, yung unang pumasok sa isip ko na lang yung ginamit kong username dito sa yahoo-yahoo na 'to.

Nang makagawa na ako, kinutingting ko muna yung mga pwedeng pindutin. Pagpindot ko sa word na messenger, nagulat ako ng biglang may nagpop-up na parang maliit na box na pinapainput yung username and password ko, and dahil curious ako, ininput ko na lang.

Napangiti ako ng biglang may smiley na gumagalaw-galaw pagkaopen ko. Ay ang cute. Pero wala naman ganung ka-special dito para mahumaling yung iba.

At tulad kanina, pinagpipindot ko lang lahat ng pwedeng pindutin. Nagulat ako dahil pagclick ko dun sa join a chat room, biglang may nagpop-up na mas malaking box na kung anu-ano yung messages na mababasa mo.

Oh. Eto yung chat-chat na pinag-uusapan lagi ng mga classmates ko.

At mas lalo akong nagulat nang biglang isang maliit na box na naman yung nagpop-up.

Ano na naman 'to.

'a_lost_stranger:  hi.'

'a_lost_stranger:  I need someone. Will you be that someone?'

'a_lost_stranger: If you'll not reply, itutuloy ko na lang yung plano kong mawala na lang sa mundo. Wala namang gustong kumausap sa akin. Goodbye.

Bigla namang nanlaki yung mga mata ko sa nabasa?

The f*ck?!

How to Unlove Mr. (Ms.) StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon