33

10 13 1
                                    

FIELD TRIP!!!! Yung lintek na fieldtrip na yun??

Hooomyyyghaaad. Naalala ko na. Naalala ko na. Natulala ako sa ere. Hindi ko matanggap na may anak ako. Hindi ko kaya magiging nanay. Paano 'to?? Napatingin ako sa palasingsingan ko.

I'm Engaged.

Oo nga pala. Girlfriend pala ako ni Arthur. Naku naman! Bakit ba ang hirap ng sitwasyon ko.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko talaga alam.

  " Sky.. Ambata ko pa... Bakit ka pumayag? Hindi ko pa kaya ang responsibility.. Sarili ko lang ang kaya kong alagaan."
  Naiiyak na ako. Hanggang ngayon may aftershock parin ako sa bata.

  " Ayoko nga rin sa responsibility. Kasi bata pa ako... It started in a dream. I've been dreaming on this kid 2years ago. Hindi na ako makatulog ng maayos dahil sa ritual nayun. Lagi kong napapanaginipan ang batang ito."

Napatitig ako sa kanya. Kung ganun matagal na pala siyang naghihirap. Hindi halata sa kanya.

  " This Kid keep on bothering me on my dreams.... Lagi niyang sinasabi Daddy, gusto ko kayong makita ni mommy... Pero 2months ago, bumalik na sa dati ang lahat. Pati yung pagtulog ko naging normal na."

   "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Hindi halata sa kanya na naghihirap siya

   " I Dunno. Simula kasi ng sinabi ko sa panaginip ang address ng school natin sa bata, tinigilan na niya ako. Baka dahil doon"
   Napatingin ako sa bata na karga-karga ko pa rin. Ambigat naman niya.

Inilagay ko siya sa ibabaw ng trashcan.
Tinitigan mabuti. At may nakita akong mga similarities nila ni Sky. Yung kaputian, yung matangos na ilong. Yung grey na mata. Parang batang version siya ni SKY. Hooomyyghaad. Bakit wala siyang namana sa akin?

  " Mommy, I'm hungry."
Nagulat ako ng magsalita siya.
  " Marunong kang mag english?" Tumango siya sa akin. " How?"
Ngumiti lang siya at yumakap.

Nakakaluka talaga ang batang ito.

  " Here, I have brought this kanina sa canteen. " Lumingon ako para tingnan kung ano yun. Biscuit pala.

Ibinigay ni Sky yung Biscuit sa anak namin KUNO. Syempre binuksan niya muna bago ibigay sa bata.

  " Baby, anong name mo?"
Tanong ko habang kumakain yung bata. Umiilong siya. " Hah, ano yung?" Umiling din ako.

" Wala po akong name."
Nagkatinginan kami ni Sky. Pwede ba yun?

  " Ahmmm. So ano ka, babae or lalaki."
  Tiningnan lang ako ng bata sa tanong ko.
  " Ano po yun?"
Hindi niya alam yun.? Pero ang galing galing mag english.

  " ano baby, kasarian iyon ng tao"
Pagpapaliwanag ko sa bata.
   " Wala po akong kasarian."
Ano? Abnoy ba itong batang 'to? Tiningnan ko yung ilalim ng bata. Wala manlang siyang underwear.

And Shes a She.

Napangiti ako. Babae siya.
  " Ano?"
Curious din ata si Sky. " Lalaki?"
  " Asa ka. Babae ito."
" What.? Sigurado ka?" Tumango ako sa kanya.
  Balak pa sana niyang tingnan kaso pinalo ko ang kamay niya. Ayaw pang maniwala. Ani naman masama kung babae ang anak niya. Wala naman siguro.

Sa twing napapatingin ako sa bata. Kinakabahan ako lagi. Malaking responsinilidad ito sa amin ni SKY.

  " Anong plano natin?"
Sana may plano na si Sky.

A wonderful LOVE !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon