Chapter Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sorry, Jas. Si Lolo kasi. Bigla na lang nag-decide na umalis kami. At saka..."

"At saka?"

Nag-decide si Jammy na huwag nang sabihin kay Jasmine ang narinig niyang usapan nina Joshua at Ryan noon. Hindi na nito kailangang malaman pa ang tungkol doon. "I had no choice. Kahit si Ate, gusto ring umalis kami noon. They said it was for the best."

Tumango si Jasmine. "I understand. Pero sana nagpaalam ka. Sana sinabi mo sa akin kung saan kayo lilipat. Sana sinulatan mo ako para nalaman ko ang address mo."

"I'm so sorry."

Ngumiti ito. "Okay na 'yon. Ang importante, nagkita tayo ulit. We can make up for the lost time."

"Babawi tayo."

"Wait, hindi ka ba interesado kung ano ang nangyari kay Joshua pag-alis mo?"

Umiling siya. "I'm not interested. As far as I'm concerned, he's already part of my past."

"Pero alam mo ang past ay puwedeng bumalik at maging part ng future."

"Nah, imposible 'yon," naiiling niyang sabi.

"You don't believe me? Hindi ba karamihan sa listeners mo, iyon ang problema?" Natigilan si Jasmine na tila may naalala. "Oh, bago ko makalimutan. Hindi lang si Joshua ang palaging naghahanap sa 'yo noon. Remember Sir Tolentino? He looked really worried everytime he asked for you. Ang weird, 'no? Alam kong concerned siya sa 'yo. Pero basta, may weird sa kanya."

Jammy suddenly remembered one incident eight years ago. Nasiraan ang kotseng susundo sana sa kanya. Nag-volunteer sina Joshua at Sir Tolentino na ihatid siya sa bahay. Tamang-tama namang dumating ang lolo at mama niya, naabutan ng mga ito ang bisita niya. Pagkakita kay Sir Tolentino, nagulat siya nang biglang nagsisigaw ang mama niya at mariing pinaalis ang lalaki sa bahay nila. Pagkatapos ng insidenteng iyon, nagkulong na ang kanyang ina sa kuwarto nito. Hindi kaya may kinalaman si Sir Tolentino sa biglang pag-alis nila eight years ago?

"Uy, girl, are you spacing out? We're here na," untag ni Jasmine sa pananahimik ni Jammy.

Napatingin si Jammy sa labas ng sasakyan. Saka lang niya napansin na nakaparada na sila sa tapat ng bahay niya.

"Gusto mong bumaba?"

Ngumiti ito. "Overnight? Game! Ang dami ko pang gustong itanong sa 'yo. Maybe we can talk until we both fall asleep. What do you think?"

Na-excite siya. Ang tagal na niyang hindi ginagawa iyon. "Why not? Hindi ka ba hahanapin ng papa mo?"

"I'm sure he won't mind. Let's go. Sa loob na lang ako tatawag kay Papa."

Nagpaalam si Jasmine sa driver nito saka bumaba. Tatawagan na lang daw nito ang lalaki kapag magpapasundo na.

"Ikaw na ang may tagahatid at tagasundo," nangingiting tukso ni Jammy sa kaibigan.

"Ikaw na ang maging prinsesa ng mga baboy." Nagtatawanan na pumasok sila sa bahay. "But seriously, Jammy, hindi mo ba talaga na-miss si Joshua noong umalis kayo?"

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na susi sa tanong ni Jasmine. She couldn't help but remember the past every time Joshua crossed her mind. Awa? Hindi niya kailangan niyon. What she wanted was acceptance and love. At hindi iyon kayang ibigay ni Joshua sa kanya.


------------------------------------------------------------------------


"THIS must be it, Jammy! I'm in love!"

Napailing na lang si Jammy sa paulit-ulit na sinasabi ni Jasmine. Katatapos lang ng meeting niya with Gino and Zia. Pumayag ang dalawa na isama niya ang kaibigang si Jasmine. Dahil sa regular na pagbisita sa kanya ni Jasmine, naging close na rin ito kina Zia at Gino. Sa meeting ay nakilala niya ang isa sa mga DJ nila sa radio station, si DJ Cook.

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon