Naalala ko lang si Joshua from your past. Na-in love ka sa kanya noon, and you got hurt in the end.

Naiinis na binura ni Jammy ang text ni Ate Jaime. Ayaw na niyang pag-usapan ang lalaking iyon. Kung may phonebook ang kanyang isip, matagal na niyang binura ang pangalang iyon. Masaya na siya sa buhay niya. Kung siya ang papipiliin, ayaw na niyang makita ang lalaking naging dahilan ng pag-iyak noon.

Ngunit mukhang hindi nakikiayon ang tadhana sa kanya. Dahil kinabukasan, muli niyang nakita ang lalaking matagal nang binura sa buhay niya-si Joshua. And what a small world. Dahil nagtatrabaho rin ito sa radio station kung saan siya DJ.


--------------------------------------------------------------------------


ISANG oras bago ang program ni Jammy ay nasa radio station na siya. Agad siyang tumuloy sa opisina ng kaibigan. Naabutan niyang masayang nag-uusap ang magkasintahang Gino at Zia sa opisina ng huli.

"Hello, Zi! Hi, Sir- I mean, Gino!"

Tumayo si Zia at nilapitan siya. "Masyado kang formal, Jammy! Halika nga." Umupo ito sa sofa at hinila siya sa tabi nito. Si Gino ay nanatiling nakaupo sa katapat nilang sofa. He was smiling at her.

"What's up, Jammy? May problema ba sa trabaho?" tanong ni Zia.

Umiling siya. "Magpapaalam sana ako. Next week baka dalawang araw akong mawawala."

"Where are you going? Are you planning to see your sister?"

Nahihiyang ngumiti si Jammy kay Gino. May mga alam na ito tungkol sa kanya. Salamat sa madaldal niyang kaibigan na nagkukuwento dito. "May kailangan lang akong puntahan. Babawi na lang ako pagbalik ko."

"Kahit mag-extend ka, okay lang."

"Anong mag-extend? Hindi ka puwedeng mag-extend, Jammy!" singit ni Zia. "Paano na ang listeners mo? Siguradong hahanapin ka nila," natatarantang sabi nito.

Nangingiting tumabi si Gino sa kasintahan at inakbayan ito. "Don't worry, sweetheart. Two days lang namang mawawala si Jammy. I'll take good care of everything."

Hindi gustong mainggit ni Jammy sa dalawa pero hindi niya maiwasan. Kung bakit kasi siya pa ang napiling audience ng mga ito na ngayon ay nagpi-PDA sa harap niya.

"You're so sweet, Gino. Kahit kailan ayaw mo akong mag-worry."

Natigil ang akmang pagyayakapan ng dalawa nang biglang bumukas ang pinto.

Lumingon si Zia. "Sino ang istorbong-Kuya Joshua!"

Natigilan si Jammy nang marinig ang pangalang iyon. In an instant, she found herself breathing hard. Like a nightmare coming to life, she found herself staring at the person she never wanted to see again for the rest of her life.

Tumayo si Zia at sinalubong ng yakap si Joshua. Hindi katulad kahapon na una silang nagkita, ngayon ay nagkaroon na siya ng pagkakataong pakatitigan ito.

Wala halos nagbago sa hitsura ni Joshua na tila ba kahapon lang sila huling nagkita. Ang katawan nito ay mas na-develop na mukhang alaga sa gym. His hair was still short. Pumuti ito na mas nag-emphasize sa prominenteng mukha. He still had the same intelligent, playful, always smiling bright eyes. Naroon pa rin ang mainit at palakaibigang ngiti sa mga labi nito. God, how she used to get lost with his smile!

"Sorry, Jammy, hindi kita naipakilala kay Kuya Joshua kagabi," narinig niyang sabi ni Zia.

Nang sumunod na sandali ay ipinakilala siya ni Zia kay Joshua. Having him so near was making her head spin. She only dreamt of how this moment could possibly be. Hindi niya inakala na mangyayari iyon sa tunay na buhay. She just eyed him coldly. Natigilan si Joshua na tila ba bigla niya itong sinampal. She was disappointed. Sa kanilang dalawa, kung may taong may karapatang masaktan, siya iyon at hindi ito.

Iniwas niya ang tingin sa binata at tumingin kay Zia. Nagsasalita ang kaibigan pero wala siyang maintindihan isa man sa sinasabi nito.

"Maica..." Bulong lang iyon pero umabot pa rin sa tainga ni Jammy. Napatingin siya kay Joshua. There was longing in his eyes as he looked at her.

Napailing siya. Imposible ang nakita niya, napakaimposible.

"Magkakilala kayo? Kagabi pa ako naiintriga nang una kayong magkita. 'Maica' rin ang itinawag mo kay Jammy kagabi," komento ni Gino. Si Zia ay nagtatakang nakamasid sa kanila.

Ngumiti si Joshua. "Yeah, matagal na kaming magkakilala ni Maica. We were..."

"Magkakilala lang kami but we're practically strangers to each other," malamig niyang putol sa sinasabi nito.

Mukhang hindi nakatulong ang sinabi niya dahil lalong nagtaka ang magkasintahang Zia at Gino. Si Joshua ay parang nalugi sa negosyo sa pagkakagusot ng mukha.

"I have to go, guys. May gagawin pa ako," paalam niya.

Hindi na hinintay ni Jammy na mag-react ang mga ito. Tumuloy siya sa pinto at lumabas ng opisina. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Nanginginig pa ang mga tuhod niya.

Sinulyapan niya ang suot na relo. May tatlumpung minuto pa bago ang radio program niya. Pupunta muna siya sa coffee shop sa baba. Isa ang kape sa weakness niya. Kumakalma siya tuwing nagkakape.

Umupo siya sa sulok ng coffee shop habang hinihintay ang in-order na kape. Kilala na siya ng staff ng coffee shop. Hindi matatapos ang radio program niya na hindi siya dumadaan doon para bumili ng kape.

"Hi!"

Pagtingala ni Jammy ay nakita niya si Joshua na nakatayo sa harap niya. He was smiling shyly at her. Hindi niya maiwasang pakatitigan ang binata. Ito ang tipo ng lalaking kahit anong pagtatago ang gawin sa mukha ay hahabulin at hahabulin pa rin ng tingin. Nakaramdam siya ng panlalambot habang nakatingin dito.

Summoning all strength she had, huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata. Nang magmulat, malamig na ang ekspresyon ng kanyang mukha. "What are you doing here?"

"I want to talk to you."

"Wala akong oras makipag-usap sa 'yo. Mag-uumpisa na ang program ko."

Lalo siyang naasar nang umupo si Joshua sa harap niya. "You've been avoiding me since yesterday. Ayaw mo rin akong kausapin. May problema ba tayo, Maica?"

"Walang problema," flat niyang sagot, pero kumukulo ang dugo niya sa tinitimping inis para dito.

"Maica..." Gumalaw ang kamay ni Joshua at akmang hahawakan siya. Inilayo niya ang mga kamay bago pa man nito mahawakan.

"Go away," pagtataboy niya. Wala siyang pakialam isipin man nitong bastos siya. Gusto niyang mawala na ito sa harap niya.

Tatayo na sana siya nang hawakan ni Joshua ang kamay niya. Para siyang napaso sa pagdidikit na iyon ng kanilang mga kamay. Mabilis na iniwas niya ang kamay. For a split second, she saw the pained look in his eyes. But it was gone before she could recognize it. Namalik-mata lang siguro siya.

"Sabihin mo sa akin ang problema, Maica. We're not solving anything by avoiding each other."

"Stop calling me 'Maica!'" Narinig ni Jammy na tinawag ang pangalan niya ng isang staff ng coffee shop. Tumayo siya. "Excuse me."

Kinuha niya ang in-order na kape. Huminga muna siya nang malalim bago pumihit pagbalik. Naroon pa rin si Joshua sa pinag-iwanan niya. This time, nakatayo na ito at nakatingin pa rin sa kanya. She was about to walk away nang isang babae ang kumuha ng atensyon niya. Ang ganda-ganda ng babae na tila lumabas mula sa magazine. At palapit ito sa kanya.

"DJ Heart? Jammy?"

Napatingin siya sa babae. Pamilyar ito sa kanya. Hindi lang niya maalala kung saan niya nakita. "Yes?"

"Jammy! It's me, Jasmine!"

"Oh, my God! Jasmine? Ikaw 'yan?"

Yumuko si Jasmine na tila prinsesa. "The one and only. Jasmine Belza, prinsesa ng mga baboy."

Hindi na niya natanong ang kaibigan tungkol sa huling sinabi nito dahil excited siya nitong niyakap. Gumanti siya ng yakap. Na-miss niya ang kaibigan.

Napasulyap siya sa table kung saan siya nakaupo kanina. Naroon pa rin si Joshua, matiyagang naghihintay sa kanya.

Inirapan niya ito.

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Where stories live. Discover now