Kabanata II. Ang Maynila

15 0 0
                                    

Lumipat kami nang Maynila, bago ang lahat, bagong kapitbahay, bagong kaklase, bagong bahay at bagong kwarto.

Pero syempre libro ito, kaya malamang iniisip ng author na may makikilala ako dito. At ayun, di ako nagkamali.

Isang araw, pumunta ako ng tindahan upang bumili mg softdrinks at nakasabay ko siya, si Emma. At eto ang istorya namin.

Ang Maynila ay isang lugar kung saan madaming sasakyan, madaming pumapasok sa trabaho at eskwela at madaming oportunidad sa trabaho at sa magiging kasama ko sa aking paglalakbay.

Ngunit sa tuwing sasapit ang tanghali, tila ba nagtatago lahat ng tao sa Maynila dahil na rin sa tindi ng sikat ng araw. Sinasamantala ko naman ang pagkakataon na ito dahil sa mabilis ako nakakabili at di na kailangang pumila ng pagkahaba haba. In short, hindi ko na kailangang maghintay.

Isang beses, may nakasabay ako sa tindahan, bibili din siya ng softdrinks. Ngunit sabi ng tindera  "Paano ba yan? Iisa na lang ito. Kanino ko ibibigay?"

Tiningnan ko yung bumibili, maganda naman, maputi saka mukhang mabait. Syempre dahil bago pa lang ako, kailangan mabait.

"Sige ate, bigay mo na lang sa kanya. Juice at yelo na lang ang sa'kin."

"Ikaw nauna, okay lang."

"Pangalawa ko na yan, magju-juice muna ako" sabay ngiti.

"Sige, sabi mo eh. Teka lang, ngayon lang kita nakita, bago ka lang dito?"

"Oo eh, dyan lang ako mga pangatlong bahay mula dito."

"Ah. Ako nga pala si Emma, dyan lang din ako mga pangatlong bahay pagkatapos nung senyo."

"Neth pala. Ano sabay na tayo? Mainit eh, may dala akong payong."

Ang tagal din naming nag-usap. Pero nung araw na 'yun natuwa ako sa bilang na tatlo, sa dala kong juice, yelo, at payong. Dahil sa kanila, nadagdagan ang kagwapuhan ko.

Hindi ko man gawain, pero lagi na akong bumibili ng juice sa tindahan at lagi na rin akong may dalang payong.

Isang araw habang ako'y nagdidilig sa harap ng bahay namin, at dumating ang inaasam kong pagkikita natin
"Uy Emma, kamusta?"

"Ikaw pala Neth. Sila nga pala ung mga kaibigan ko, pupunta kaming plaza. Tara, sama ka. Maganda dun."

"Sige, saglit lang at magpapantalon lang ako."

"Sige, kita na lang tayo sa tindahan."

Sa totoo lang, wala akong pake sa ganda ng plaza at sa mga kaibigan nya. Ang nasa isip ko lang "Salamat, ang tagal ko 'tong hinintay".

"Tara na."

Nagpunta na kameng plaza at nakipagkwentuhan sa mga kaibigan niya at masasabi kong kaibigan ko na din. Kahit anong ganda ng plaza, wala pa rin iyon sa ganda mo. Kahit anong ingay, dinig ko pa din ang mga tawa mo. Kahit anong dame ng tao, mukha mo pa din ang nakikita ko.

Ang isang beses na gala nasundan pa ng bukas, sa susunod na araw  at kahit kailan pa. Basta kasama ka, pwede ako.

Isang tropa ang nag-aya sa court "Tara, basketball tayo."

Tinanong mo naman ako "Naglalaro ka ba?"

Sabi ko "Minsan."

"Sige na, laro ka na. Manunuod kame." sambit mo.

Kahit na walang alam, kahit na napilitan, nagsuot pa rin ng rubber shoes at naglaro sa court. Tila kasi isang pagkaing kasing sarap ng ice cream ang salitang sa bibig mo nanggaling na manunuod ka.

TAKE ME TO MY DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon