Role Play World

1.7K 90 42
                                        

   Yohan Montenegro sent you a friend request
  Accept | Decline

Walang pag-aalinlangan kong in-accept ang isang nag add sa akin. One Role Player again just like me. Yohan Montenegro, Cool.

I stalk his 'Boring' account. Boring, Why? Hindi mo aakalain na active ang account niya dahil ilang araw o linggo ang agwat ng bawat post niya na kadalasan panay lyrics lang ng kanta. But i can say na he's famous because his last post was the chorus of the famous song named perfect with almost 400 likes.

Purong kulay itim lang din ang makikita sa profile picture niya dahilan para makuryoso ako sa kanya. He's online. Without any hesitation, I chat him.

Me: Hi!

Napahikab ako ngunit hindi inalis ang tingin sa cellphone ko, Hinihintay na sumagot siya. I really don't know why, pero ng makitang na-seen niya ang message ko at ang tatlong tuldok na gumagalaw senyales na nagtitipa na siya ng mensahe para sakin ay bumilis ang tibok ng puso ko.

Him: ?

Napamura ako ng makitang isang tandang pananong lang ang naisagot niya sa akin. Damn this man. Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko ay biglang nawala, Imbes ay napalitan iyon ng pagkairita.

Me: Seriously, Question Mark? Walang hi or hello man lang?

Mabilis niya itong na-seen at agad nagtipa. Habang hinihintay ang reply niya, Bumangon ako galing sa pagkakahiga at bumaba sa kusina. Halos pasado alas dose na rin ng gabi pero eto ako, Gising na gising pa rin ang diwa.

Pagbaba ko, Nakita ko si Kuya na nakaupo sa may kusina kaharap ang pitsel at ang isang baso habang abalang abala sa pagse-cellphone.

"Ikamusta mo ako kay ate. Pasabi yung chocolates ko." Pagbibiro ko at tukoy ko sa girlfriend niya. Sinalinan ko ng tubig ang baso at uminom don.

"Panhik na ako." Paalam ko sa kanya at tango lang isinagot niya. Pagpasok ko sa kwarto, Agad kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang reply niya.

Him: Hi too, Then.

Nahiga ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot bago nagtipa.

Me: Why so sarcastic? Gwapo ka?

Him: Idunno.

Nakagat ko ang pagibabang labi ko at ilang minutong nagisip ng maaaring ireply sa sinabi niya. Damn. Ang galing pumatay ng usapan.

Me: Ahm, are you a Role player?

Him: Yes.

Me: Ah. Yohan Montenegro. Wattpadder, too?

Him: Yeah.

Me: Wow. Same here, lol.

Him: Ah.

Me: Ahm, Can we be.. Friends?

Him: Sure.

Magtitipa pa sana ako ng isasagot sa kanya pero naunahan niya na ako ng goodnight kasabay non ang paglabas ng salitang "Active 2 minutes ago".

                                   ***

Ilang araw, linggo, buwan ang lumipas ng pagchachat naming dalawa. Minsan ay mas babae pa siya sakin dahil madalas siyang masungit na animo'y may dalaw. Minsan masungit, minsan naman ay sobrang lambing. At hindi ko akalain na sa ilang buwan na yon, Nahulog ako sa kanya kahit na kailan ay hindi ko pa nakikita ang itsura niya. Nalaman ko din na He's already 18 years old while im just only 15 years old.

Today is December 31, the last day before New year. ilang minuto nalang, Bagong taon na.

Me: Happy new year!

Him: Happy new year, too, baby girl.

Me:Baby girl your face. HAHA

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa itinawag niya sa akin. Alam kong nagbibiro lang siya dahil parang nakababatang kapatid lang naman ang turing niya sa 'kin pero, hindi ko maiwasan.

11:50 PM. Sampung minuto bago ang bagong taon, Ilang buwan kong pinagisipan 'to. Gusto kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko bago matapos ang taon na 'to. Gusto kong bago magsimula ang isang bagong taon, Alam niya na gusto ko siya. Na mahal ko siya.

Huminga ako ng malalim at nagipon ng lakas ng loob para umamin. Nakakakaba. Hindi ko naman siya kaharap pero pakiramdam ko mawawalan ako ng malay. Damn.

Me: May gusto akong sabihin.

Ang lakas ng  tibok ng puso ko. Shit.

Him: Ano yon? Masyado bang seryoso? HAHA

Me: I..

Him: I?

Me: like you.

Me: I mean, I love you.

Napamura ako ng hindi siya nakapag reply. Ilang minuto na ang lumilipas pero nanatili lang siyang nakaonline at hindi sumasagot sa chat ko.

Me: Yohan..

Him: You're joking right? What's this? New year prank? Lol.

Nakagat ko ang labi ko habang nagtitipa ng mensahe para sa kanya.

Me: No, i'm not. I really love you, Yohan. Kahit hindi pa kita nakikita. I love your perfect imperfections. Yung pagsusungit mo. Yung minsan na paglalambing mo. Yung pagaalala mo sakin. Lahat ng tungkol sayo, gusto ko--- mahal ko. Hindi ko naman sinasadya na mahulog sayo..

11:55 PM. Limang minuto nalang bago ang bagong taon when he rejected me.

Him: I'm sorry.

I smiled bitterly. That's okay, Atleast nakaamin na ako.

Me: Okay lang. Gusto ko lang naman sabihin sayo. Sana.. Walang magbago sa'tin.

Him: I'm sorry. Sorry. Sorry.

Me: 11:56 PM. Can you do me a favor?

Him: What is it?

Me: Bago matapos 'tong taon. Pwede bang kahit isang beses, Kahit hindi totoo. Pwede bang pakisabing mahal mo rin ako?

Him: Amethyst..

Me: Please.

Me: 11:57 PM. 3 minutes left, please?

Him: I love you.

Napangiti ako. Pero kasabay non ang paglabas ng isang mensahe.

'You can't reply to this conversation.'

11:58 PM. Kinatok ako ni Kuya sa kwarto ko. Lumapit ako sa pinto, Pero hindi ko binuksan.

"Bakit kuya?"

"Bumaba kana. Malapit nang mag 12 AM."

"Susunod ako." Pinipigilan ang pag piyok ko.

Muli akong huminga ng malalim. 11:59 PM. Akala ko umalis na si kuya. Pero para akong nanghina at napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang huli niyang sinabi.

"Jaspher slash Yohan Montenegro. 18 years old. Role player at the same time wattpadder. I'm sorry baby girl, I'm really sorry Amethyst."

12 AM. Kasabay ng ingay dulot ng pagtungtong ng bagong taon, Ay ang tahimik kong pagiyak dahil sa sinabi ni kuya. Damn. Nahulog ako sa kapatid ko, Sa kuya ko.

THE END.

Role Play World ✔ [One Shot]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon