"Didn't I told you this morning na pag natapos ako ng maaga sa meeting ko ngayong hapon ay susunduin agad kita? I'm treating you for a dinner, remember?"

Napaisip siya at saka lamang naalalang may binanggit nga pala talaga ito about dinner while they were having breakfast. Hindi nga lang siya nag-expect na matutuloy dahil usually kapag nasa labas na ang lalaki, madalas ay sa inuman na ito dumidiretso.

"But it's only four twenty five masyado pang maaga para magdinner," turan niya.

"Hmm... how about watching a movie first."

Biglang napakunot ang noo niya. "Movie? Hey Mr. Calderon! Are you taking me out on a date again?"

"Sort of," tatawa-tawang tugon ni Pierce. "Huwag kang matakot. This time, hindi na kita paglalakarin ng matagal."

Ilang saglit munang nag-isip si Clarisse saka ito naghihinalang tumingin sa lalaki. "Siguraduhin mong matutuwa na ako ngayon dahil kung hindi, sa susunod hinding-hindi na ako papayag maging substitute date mo," nakairap na sagot niya.

"Substitute? What makes you think you're just a proxy. I'm asking you out because I want to," nakatawang depensa ni Pierce.

"Naku huwag mo nga ako pinagloloko Pierce. Hindi porke't medyo bumait ka na'y mabobola mo na ako."

Nahinto sa pag-uusap ang dalawa nang matanaw ang isang kilalang taong papalapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse nang mamukhaan ang iniidolong abogado. Dahan-dahang umusbong ang kaba sa kanyang dibdib habang humahakbang ito patungo sa kanilang direksiyon.

"A young and lovely couple indeed," nakangiting komento ni Atty. Perez habang nakatingin sa bulaklak na hawak ng abogada.

"H-Hello po..." nauutal na bati ni Clarisse. She's lost for words. Who wouldn't? Kaharap niya ang idolo niya na siya ring ama ng lalaking lihim niyang iniibig.

"Hi Attorney Perez! Nice to see you here," masayang bati ni Pierce sabay kinamayan ang kanilang corporate lawyer. Masigla ang kanyang mukha but at the back of his mind he suddenly worries about Clarisse. He feels comfortable to the old man since he's close to his family but he's not forgetting the fact that he's still Lance father afterall.

"Good to see you too. Medyo matagal-tagal na rin tayong di nagkikita. I've heard from your father na magbubukas ka daw ng car shop."

"Ganun nga ho. Pasensiya na medyo hindi tayo nagkakatagpo sa opisina ni Dad. I've been busy lately with the preparation of my new business ...Do you have a trial to attend here attorney?"

"None. I'm here to talk to a judge. How about you? Are you here to pick-up your wife?" malugod na tanong ng matandang abogado habang natutuwa sa inaakalang naglalambingang mag-asawa.

"Y-Yes."

Atty. Perez smiled. "What a caring husband. Attorney De Silva must be very lucky to have a good husband like you."

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon