Chapter 1

30.3K 500 3
                                    

Chapter One

Sanbakol ang maganda kong mukha habang hinihintay na matapos ang pag-uusap ng Manager ko at si Mr. Benedict na kasalukuyan na naghandle sa organization na tinatawag nilang M.B Agency.

Sino naman hindi? Magkakaroon na ako ng 24/7 bodyguard dahil sa tsuba-eng-eng na hater ko. Ayoko sana sa idea na iyon pero binantaan ako ni Gaia na mag-resign daw siya sa kanyang trabaho pero hindi ko iyon mapapayagan dahil siya lang ang dah best manager dash make up artist…

THIS is serious, Maxine!” My manager slam the door behind her, naningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Siya si Gaia, ang ubod na manang kong manager. Nakataas ang kamay na may hawak na itim na sobre. Inihagis niya 'yon sa direksyon ko na agad ko naman sinalo.

Hindi ko na kailangan tanongin kung ano ito dahil nahuhulaan ko na. Bumunghalit ako sa tawa, nakahawak ang sa tiyan habang tinatawanan ko siya.

Mas lalong nadagdagan ng gatla sa kanyang noo. “What’s so funny?”

“Haha! Y-you! Nakakatawa ka kasi, dahil lang dito sa letter na ito ay umuusok na iyang ilong mo!”

“Hindi ito nakakatawa, Maxine! Alam mo kung ano iyan! Nagpadala na naman iyang tao na iyan ng letter!”

Tumigil na ako sa pagtawa tas umayos. Binasa ko 'yong letter at kagaya ng inaasahan ko ay binantaan na naman ako ng anonymous na ito na iwanan na ang showbiz kung hindi daw ay papatayin niya ako. Isa lang siguro ito sa mga haters ko na naiinggit sa akin. Pero hangang sulat lang iyan, hindi naman nangyayari kaya hindi ko makita na kailangan kong seryohin ito na kagaya ni Gaia.

“So?”

“So? Iyon lang?”

“Oo. I don’t see any problem with it. It’s not like gagawin niya talaga ito. Almost two months na siya nagpapadala sa akin nang ganyan kaya kung totoo iyang banta niya eh ba’t hangang ngayon ay buhay pa ako?”

Nagpakawala siya nang buntong hininga. Bakas sa mukha niya ang pag-alala. “Oo nga pero nitong mga nakaraang araw ay nagpapadala na siya ng isang lantang rosas at higit sa lahat ay mga patay na daga!”

Umingos ako. “Nah. Hindi niya ako masisindak diyan.”

“Pero!”

“No buts. Huwag ka nga magpaka-stress diyan. I could take care of myself.”

“Pano ko magagawa 'yon? Kapag may mangyari sa'yo ay mananagot ako. Wala na akong trabaho!” Lintik talaga itong si Gaia, kahit na sinabi niya iyan ay alam ko na geniun iyong pag-alala niya sa akin. Maliban sa Manager ko siya ay kaibigan ko din siya for five years.

“Eh 'di e-recommend kita sa kakilala kong artista.” Biro ko sa kanya.

Midnight Embrace ( COMPLETED+5 SAMPLE)Where stories live. Discover now