Lahat nagsibalikan na sa kanilang mga klasrum, kahit meron isang krimen na nangyari ngayon, tuloy parin ang mga klase. Mukhang stress na stress naman si Ma’am Pammy—dahil ata sa nangyari sa kanyang estudyante.

“Class, I’m so sorry about the inconvenience. Pero, I assure you na tuloy ang ating activity.” Walang nag-react sa sinabi ni ma’am, sa halip ay nanatili silang tahimik. “So. Let’s start with our activity, shall we?”

Nagulat ako ng biglang tumayo si Kaeri mula sa kanyang upuan at pinalo ang kanyang desk sa sobrang lakas, nakuha niya lahat ng kanilang atensyon. Tinignan ko siya na parang nasisiraan na siya ng ulo, dahil kahit kalian hindi ito ginawa ni Kaeri, mas lalo kapag ganito kabigat ang tension. Ano bang nasa isip nitong babaeng ito?

“Ma’am Pammy, bakit kailangan pa po natin ituloy ang activity kahit isa na sa mga kaklase namin ay naging biktima ng isang karumal-dumal na krimen?! Hindi ba mas mabuti kung kaisa nandito tayo na wala man ginagawa, paano kaya kung makitulong tayo sa pag-iimbestiga?!” Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Kahit kalian hindi niya itinaas ang kanyang boses.

“Kaeri…” Tinignan siya ng masama ni Hell, habang nagiba naman ang tono ng kanyang boses. “Umupo ka na.” Ngunit, hindi siya nakinig, nanatili lamang siyang nakatayo at ang kanyang mga palad nakapatong sa kanyang desk.

“Hindi! Hindi ako uupo dito at walang ginagawa habang ang pumatay kay Fear naglakad ng malaya! Bilang kaibigan niya, gagawin ko ang lahat para makakuha ng hustisya para sa pagka-patay niya!”

“MISS HIYASHI.”

Sa tono at boses ni ma’am, napaupo niya siya at iniwan na pinagsisisihan ang kanyang pinagsabi kanina. Umubo ng kaunti si ma’am para makuha ulit ang atensyon ng kanyang mga estudyante.

“Bago mo putulin ang aking sasabihin, makinig ka muna.” Tinignan niya si Kaeri, bago niya ibalik ang atensyon niya sa’ming lahat. “Kung gutso niyo talaga malaman kung sino ang pumatay kay Fear, bibigyan ko kayo ng pagkakataon.” Sa sinabi ni ma’am, naguluhan kami, anong ibig niyang sabihin? “Kayo ang manghuhula kung sino ang pumatay sakanya. Gamit ng ilang clues na ibibigay ko sa inyo, kailangan niyong hulaan kung sino talaga ang totoong pumatay. Gets?” Nagsi-tanguan kami. “Alright, may time pa tayo. Ang unang makahula kung sino ang totoong suspek, may prize—katulad ng sinabi ko kanina—ang unang grupo na maka-solve ng mystery.

“Now, go and solve this mystery!”

Nagsipuntahan naman ang mga tao sa kanilang mga ka-grupo para pag-usapan ang kanilang gagawin. Ang grupo naman namin at nina Setsuko nag-form ng alliance para pag-usapan ang aming gagawin, dahil nga kami ang mga nakakita sa kanyang katawan. Tahimik lang si Kaeri habang nakasandal kay Marshall. Gusto ko sabihin ang sweet nila pero ayaw ko naman basagin ang heavy atmosphere.

“So, anong gagawin natin?” Pagbasag ni Hell ng katahimikan. Umiling lang si Anima, habang nakatingin sa pirasong papel na ibinigay sa’min. “Suggestion ko lang pero… hulaan muna natin kung paano kaya pinatay siya?”

“Paano nga ba siya pinatay? Kanina pa iyon ang nangangati sa isipan ko.” Singit ni Setsuko habang pinaglalaruan kung ano man ang nakatira sa kanyang buhok. “Ano ba ang mga nakita doon sa crime scene, Anima?”

Stars ☆ AcademyWhere stories live. Discover now