Candied Feelings 2 Summer SP - Unedited

Start from the beginning
                                    

At napatingin ako sa katabi ni Tsuna na kung makayakap sa life-size teddy bear niya e akala mo tao. Sinubukan kong pindut-pindutin ang cute na cute na pisngi ni Fuyu pero hindi pa rin siya nagigising. Hahaha. Ang bait niya talagang tignan 'pag tulog! Char! Meganon??

"Eeeh. So protective boyfriend ang peg mo ngayon, Tsuna-kun?" sabi ni Friendship habang naka-cross arms at nakatingin sa kanya.

"Hindi naman," biglang nahiya niyang sabi sabay iwas ng tingin. "Concerned lang ako na baka magising n'yo ang mga kasama natin."

"Eh sino bang nagsimula, ha?" tanong ko. "Kung hindi mo kinain ang cake ko e di sana tahimik tayong lahat ngay—"

"KUNG WALA KAYONG BALAK TUMAHIMIK, LUMIPAT KAYO NG IBANG BUS!" Nawindang ang beauty ko sa sigaw na 'yon ng isang matandang nakaupo sa bandang harapan na nakatingin nang matalim sa'min. "MGA LECHENG BATANG 'TO! NAPAKAIINGAY!"

Siniko ako ni Tsuna. "Ikaw kasi eh."

"Aba't! Ikaw nga d'yan eh!"

"Shhh!" Pinandilatan kami ng mata ni Kumare. "Wag na nga kayong mag-away kundi tayo ang mapapaaway niyan sa ginagawa n'yo eh!"

Sabay kaming tumango ni Tsuna habang nakasimangot.

Tsk. Kumbakit naman kasi nagtitiyaga kami sa bus eh. Ang arte kasi ni Natsu-san, kesyo raw ayaw niyang mapagod ang kotse niya. Lechugas! Oo, valid reason na di kami kasyang anim do'n pero bakit kasi di niya kayang isiksik sa utak niyang mataba na pwede namang kandungan?? At least hindi 'yong gan'tong commute kami! Aish! Gusto niya lang makatabi at makatsansing sa Friendship ko kaya ayaw niyang siya ang magmaneho e!

Saka mapagod?? Haller? Hindi na ba magpapahinga ang pinakamamahal niyang kotse after naming makarating sa rest house ng father ni Nika?? Kaloka!

In the first place, siya naman ang may idea na mag-outing kami tapos siya pa 'yong KJ. Pasalamat siya at chance namin 'to ni Haru na makagawa ng mas maraming memories together bago ang crucial last sem of my college years kundi...pina-boycott ko na 'yung outing plan niya. Chos!

Tumingin ako kay Haru.

Instantly, nawala 'yung kunot sa noo kong dulot ng pagka-highblood sa dalawang magkapatid na 'yon. Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya at napabuntong hininga. Haay. Ang cute-cute niya talaga. At ang sarap ng feeling na nakayakap siya sa'kin while sleeping and wearing that soft expression on his face.

Kilig much! HANUDAW?? Maghunus-dili ka nga, Aki! Tinitignan mo lang siya habang natutulog, kinikilig ka na agad?? Eh pake mo ba, rational sense?? Eh sa kinikilig ako eh! Kuuuu..echos nito! Daming alam!

Naramdaman ko ang init ng katawan niya. Shocks. Lalo kong kinilig. Pati ang hininga niya, nararamdaman ko sa leeg ko. Emeged. I can't take this anymore—

Bigla kong nilapit ang mukha ko sa kanya at finocus ko ang mga mata ko sa labi niya. That irresistible lips of him. Ugh. I want to kiss it. I badly want to—

Habang palapit nang palapit ang labi ko sa kanya, lalong dumadagundong ang tibok ng puso ko. Ano ba, puso?? Ilan beses ko nang ginawa 'to, hindi ka pa rin ba nasasanay?? Bakit kailangan mong palaging mag-ingay at maki-eksena??

Then pumikit ako at dinampi ko ang labi ko sa kanya. Tokwa. Ang lambot. Waaah. I can stay like this forev—

Eh? Bakit parang gumagalaw ang labi niya?

Agad akong napadilat ng mata. Nagre-respond siya sa halik ko! OMG! P-pero tulog pa rin siya...? Ha?? So meaning...akala niya panaginip lang 'to at—

"Aki..."

Umungol siya nang marahan at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. Dumiin din ang mga halik niya. Bumilis. At naging...m-mapusok? Teka! Nasa bus kami at—!

ArchivedWhere stories live. Discover now