OLT - 1

934 22 21
                                    

Pamilya

Tangina 'yon yung pangarap ko eh. 'Yon yung pangarap ko na sobrang imposible.

Tanga ko kasi eh , nasaakin na pinakawalan ko pa.

Hindi ako baog , iniwan lang ng asawa. Ha--ha. Ang saya ng kwento ko diba?

Huminga muna ako ng malalim bago nag angat ng tingin.Nasaan na nga ba ako? Makulay at patay sindi na ilaw , mga taong nagsasayawan , mga taong nag iinuman at nagkekwentuhan , dj , malalaking speakers , amoy alak .. ah nasa club nga pala ako.

Ha--ha. Ni hindi ko man lang alam kung paano ako nakarating dito. Ewan , wala akong maalala. Ang naaalala ko nalang naman ata ay yung araw na umalis siya.

"Aaaargh!" sa sobrang inis ko ay napasabunot na ako sa sarili ko. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!

"Alam mo kung lulugmok at magpapakalunod ka lang diyan sa alak , walang mangyayari." napalingon ako sa tumabi saakin. Si Heavie.. umupo siya sa katabi kong bar stool. Hindi siya lumilingon saakin at patuloy lang siya sa paglaro ng baso niyang yelo lang ang laman.

"Ano ba dapat kong gawin?Magpakasaya?Maki-party?" sarkastiko kong pagkakasabi sa kanya.

Sa wakas ay lumingon din siya saakin ngunit nginisian niya lang ako.

Si Hephaestus Vealen Rowy , isa siya sa mga kaibigan ko pero di kami malapit sa isa't isa. Naipakilala lang siya sakin ng totoo kong kaibigan.Bale kaibigan siya ng kaibigan ko.

Tumayo muna ako at dumiretso sa banyo. Hindi pa ako lasing at hindi na ako malalasing. Sanay na ako , araw araw pagkatapos ng trabaho ay didiretso na ako sa bar. Ngayon lang talaga ako nag club . Hindi ko din alam kung ano ang nagtulak saakin papunta dito. Gusto ko lang naman maglabas ng sama ng loob --  hindi , mali , gusto ko ilabas yung sakit na nararamdaman ko. Mas maganda kung sa ganitong lugar ko gagawin yun , hindi masyadong binibigyang pansin ng mga tao. May kanya kanya silang mundo , hindi tulad sa bar. Pag naka basag ka ng isang baso , magtitinginan na sayo lahat. At tahimik na 'yon kumpara sa mga club.

I've never been into these places before , nagsimula lang naman 'to nung umalis siya. Noon kasi , puro trabaho lang iniintindi ko. Kahit noong college palang ako , tinetraining na ako.

Nakita ko nalang ang sa sarili ko sa salamin na napangiti ng mapakla , ha--ha--ha .. trabaho , punyetang trabaho yan .

Pagkagising ko kinaumagahan ay dumiretso na agad akong banyo upang maligo. Nag bihis lang ako pagkatapos ay dumiretso na ako sa opisina ng kompanya.

"Anong schedule ko for next week?" yan agad ang tanong ko sa secretary ko bago ko buksan ang pinto ng opisina ko.

Nakita ko namang chineck niya yung papel pero parang natigilan siya at tumingin saakin pagkatapos.

"Sir , pinapasabi nga po pala ng daddy niyo na i cancel lahat ng appointments niyo starting this day up to next week" nakatungong sabi niya. What the fuck! Daddy ano nanaman ba itong pakana mo!

"Eh bakit hindi mo ako ininform agad?Edi sana ipinahinga ko nalang sa bahay yung 1 hour na byahe papunta dito. Ano yun? Pumasok lang ako para mabwisit sa traffic!? Have you heard about the motto 'Time is Gold' Miss Lajoran" di ko na napigilan ang

biglaang pagsabog ko.Eh nakakabwiset kasi . Nasayang lang yung oras ko.

Medyo natigilan ako ng makita kong nagsisimula ng mamasa ang mata niya , kagat kagat niya pa ang labi niya habang unti unting yumuyuko. Huminga muna ako ng malalim at magsasalita na sana ng maunahan ako ng isang boses..

"Mr.Kerdeen Nathaniel Co , ang aga aga ang init agad ng ulo mo" napalingon ako sa nagsabi n'on.

I saw a woman wearing white heels , baby pink sleeveless blouse tucked in a salmon knee-length skirt.She's wearing a white coat folded in 3/4s and a thin brown belt.She has this big curls in hair --- wait. "Hera!"  masayang bati ko sa kanya. Teka si Hera nga ba ito? Grabe ang laki ng pinagbago niya! She used to have a short brown hair and before she only wears  body-fitted dress na mas mahaba pa ata ang shorts na suot niya sa loob kaysa sa mismong dress. She looks more formal now than before. She looks way better than before. Her long black hair complemented her skin , bagay sa kanya , mas lalo siyang pumuti tingnan.

One Liter Of Tears (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon