Na-Fall Ako sa Best Friend ko

4 0 0
                                        

Title: Na-Fall Ako sa Best friend ko (Project 4- Dagli/Flash Fiction)
Genre: Non-fiction/ Flash Fiction (Dagli)
Date: 11/29/2017
Submitted by: Precious Marie Urlanda
Submitted to: Mr. Delfin Vitug Jr.
Date Checked: 12/04/2017
Ratings: 20/20
Remarks: #umaasa

Pasukan na naman. Medyo kinakabahan ako kasi unang araw ko ito sa high school. Naisipan kong i-text ka, "Bess?! San ka na? Dito na ako sa court. Sabay tayong pumasok. Antayin kita." Wala pang isang minuto, nag-reply ka. "Dito na din ako. San ka ba? Di kita makita." Luminga-linga ako sa paligid ngunit imbis na ikaw, iba ang nakita ko...... si crush (•o•).

Uwian na. Paglabas ko nang classroom nandun ka at nag-aantay.
"Antagal mo naman!" Bungad mo ngunit bigla kang napatingin sa katabi ko. "Sino siya?"
"Wala. Halika na, uwi na tayo!" =_=  Sabi ko sabay hila sayo.

Ilang araw mo akong kinukulit katatanong kung anong pangalan niya, pero hindi ko sinabi. Bakit nga ba? Hindi ko din alam.

Lumipas ang mga araw, nagkakilala na kayo..... dahil sa tulong ko. Kinukulit mo ako na ilakad ka sa kanya. Kumbaga ako ang naging tulay niyo.

Isang gabi pagkalabas ko nang classrom, nandun ka at kasama mo si......crush (•o•). Sinabi mo na nililigawan mo na siya pero ang sabi ko "Wag ka masyadong umasa." Wala pang isang linggo ang panliligaw mo, may sinagot nang iba yung best friend ko. Syempre, nalungkot ka. Iniwasan mo ako. Kasabay ng pag-iwas mo, lumipat ng ibang school yung crush ko. Pano na ako? (T^T)

Sa paglipat ni crush, doon ko napagtanto ang tunay na kahalagahan mo. Ikaw yung laging kasama ko. Ikaw yung laging nag-aantay sakin kapag uuwi na ako. Ikaw lahat. Kaya sa kasamaang palad , na-fall ako.

Ilang linggo bago mo nalaman na break na yung best friend ko at yung boyfriend niya. Syempre natuwa ka. Sabi mo na sabihin ko sa kanya na liligawan mo ulit siya, pero hindi ko sinabi. Bakit nga ba? Kasi ayoko na umasa ka ulit sa kanya. Kaya sinabi ko na lang na ayaw niya.

Nagdaan ang ilang linggo, lahat ay nagbago. Iniwasan mo ako. Kapag nakakasalubong mo ako, para akong hangin sa paningin mo. Kaya pala, nalaman mo na pala yung tunay kong nadarama.

Kaya pala ayaw kong makilala mo siya. Kaya pala ayaw kong ligawan mo ulit siya. Kasi bakit siya? Bakit hindi ako? Bakit hindi na lang ako?

Nasira ang friendship natin dahil sa pesteng nararamdaman ko para sayo. Nasira ang friendship natin kasi NA-FALL AKO SA BESTFRIEND KO.

~End~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Na-Fall Ako sa Best friend koStories to obsess over. Discover now