Life was cruel and unfair, lalo na sa mga tulad niyang kakaiba. But somehow, she had to learn to step up. Kailangan niyang matutong sumabay sa agos ng buhay. Ang COCC, tuturuan siya niyon. Naniniwala siyang tuturuan siya ng COCC ng disiplana, na maging matapang, ipaglaban ang mga karapatan niya, at higit sa lahat ang tumaas ang self-esteem niya. Kakayanin niya. Kahit ano ang mangyari, kakayanin niya.

"May extra form ka ba diyan? Sasali na rin ako sa COCC."

"You don't have to do this, Jas..."

"Sino'ng nagsabing gagawin ko ito para sa 'yo?" Ngumiti si Jasmine. Kumislap ang mga mata nito sa saya at excitement. Hindi aware ang kaibigan na lalo itong gumanda. "Alam mo bang may crush akong officer? Mas mapapalapit at mapapansin niya ako kung isa ako sa ite-train niya."

"May crush kang officer? Bakit hindi mo yata nakuwento sa akin?"

Namula si Jasmine. Parang ito ang binilad sa araw sa pagbaba-blush nito. "Ano kasi... noong isang linggo ko lang siya nakilala. At sandaling-sandali lang 'yon. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya..."

Nagsimula itong magkuwento tungkol sa bagong crush na officer. Biglang naalala ni Jammy ang lalaking tumulong sa kanya. Base sa suot nitong uniform, alam niyang schoolmate niya ito. Hindi na sila nagkita uli ng tagapagligtas niya.


--------------------------------------------------------


"SUSUKO ka na ba, Crisostomo? Hindi ka ba nahihirapan? Kung ako sa 'yo, magku-quit na ako."

"No, Ma'am."

"Aba, matapang ka. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo. Tumayo ka."

Mula sa pagkaka-squat, pinilit ni Jamaica na tumayo. Tiniis niya ang pananakit ng legs. Kung tama ang estimate niya, halos twenty minutes siyang naka-squat. Iyon ay utos sa kanya ni Grace, ang babaeng nakabungguan niya noong unang araw niya. Hindi niya alam na officer pala ito. Bukod sa training nila, may prebilihiyo ang mga CAT officers na utusan silang mga trainee. Si Grace at ang mga kaibigan nitong officer ay paborito siyang utusan. Pinapa-squat din siya hanggang sa halos hindi na niya maramdaman ang mga buto sa binti.

Napatingin siya kay Jasmine na katabi niyang naka-squat. Tinangka nitong ipagtanggol siya kay Grace. Ang resulta, pinarusahan ito at pinag-squat din sa tabi niya. Awang-awa siya sa kaibigan. Dahil sa kanya kaya ito nahihirapan ngayon.

"Alam mo bang mas mahirap pa diyan ang ipinagawa sa amin noon? Nakita mo 'yong gitna ng basketball court? Doon ako pina-squat noon dahil napag-trip-an ako ng isang officer. Gusto kong pumunta ka sa gitna ng court at doon mo ipagpatuloy ang pag-squat," utos ni Grace sa kanya.

"Pero-"

"Nagrereklamo ka? Gusto mong isumbong kita kay Sir Tolentino?"

Namutla si Jammy. Si Sir Tolentino ang over-all in charge sa kanilang mga trainees at officers. Base sa mga narinig niya, galing daw ito sa Amerika. Noong isang taon nagpasya itong bumalik at magturo na lang sa Pilipinas. Single pa rin daw si Sir Tolentino at sa tantiya niya ay kasing-edad ito ng kanyang ina. Naalala niya bigla na muntik nang hindi tanggapin ang kanyang application sa COCC kung hindi siya ipinagtanggol ni Sir Tolentino sa board. At mula noong nagkakilala sila ng guro ay lagi itong nakangiti at binabati siya tuwing nagkakasalubong sila sa school premises. Hindi ito nagkulang sa pag-encourage at pagmo-motivate sa kanya. Minsan din ay inaabutan siya nito ng pagkain at tubig pagkatapos ng training nila. Napakabait nito sa kanya.

"Gagawin ko na," aniya.

"Huwag mong gawin, Jammy. Nakatutok ang court sa araw. Hindi mo kakayanin doon," ani Jasmine.

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Where stories live. Discover now