1. ANG MGA BATA SA KABILANG PINTUAN

8 0 0
                                        

-PROLOGUE-

[FLASHBACK 8 YEARS AGO] - JUNE 2, 2008

Tessera's POINT OF VIEW

"Kahit anong mangyare, kahit saan man tayo mapunta, kahit tumanda na tayo, o kahit na pag hiwa-hiwalayin man tayo-- mangako kayo, walang mag kakalimutan." Naka ngiting sabi ni Enas sa amin nila Duo, Treis, at ni Pente.

"Nangangako kami, Enas!" Sigaw namin sa kanya habang walang kupas ang aming mga ngiting abot pa sa tenga.

"Hindi ito pamamaalam, hindi din ito umpisa ng ating mga buhay. Mag uumpisa pa lamang ito kapag nag kita-kita na ulit tayo." Gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa dahil ako dapat yung tumatayong tuhod ni Enas ngayon. Dapat maging malakas ako para sa kanya. Dapat maging malakas ako para sa aming lahat dahil ako lang ang maiiwan dito sa Pilipinas.

"Hindi tayo mapapagod mag padala ng mga larawan, at sulat kung nasan man tayo. Mag kaka dikit parin tayo, tulad nuong mga sanggol, hanggang ngayon, at hanggang sa tumanda pa tayo." Sabi naman nitong si Duo. Habang sinasabi niya ito, hindi ko maiwasang mapa tingin kay Treis. Ang mga mata niyang singkit, napapansin kong pumupula na.

"Tama, kahit mag kakalayo na tayo... sana maging malakas tayo para sa isa't isa. Mag kikita at mag kikita padin tayo ka arithmoús." Sabi ni Treis-- nabaling ang tingin niya sa akin pero agad kong itinutok ang paningin ko kay Pente.

"Tama si Treis. Maging malakas lang tayo at walang bibiyak sa ating pag kakaibigan. Enas, ang patutunguhan mo ay Canada. Duo, ikaw naman ay Amerika, ikaw Treis, pupunta ka na ding London, at ako naman ay sa Brazil. Ikaw Tessera... ikaw lang ang matitira dito." Napaka lungkot na banggit ni Pente sa aming grupo.

"Alam ko, pero magiging malakas ako para sa inyo. Pag balik niyo, ganito parin ako. Ganito parin ang hiding place natin, ganito parin ang lahat. Pangako. Balikan niyo lang ako." Nag mamatigas kong sabi sa kanila. Kailangan kong maging matigas, ayaw ko umiyak kahit sobra sobra na ang emosyon na umaapaw sa katawan ko.

"Tessera, mamimiss kita...." napa tingin ako kay Treis.

"Ako din. Mag pa ka bait ka don." Sabi ko sa kanya at ngumiti ito.

"Mag kikita tayong muli! Pangako?!" Masayang tanong ni Enas na ngayon ay nag pupunas na ng luha.

"Pangako!!!" Sabay sabay kaming sumigaw at nag si iyakan na kami pag tapos. Hindi namin mapigil ang mga sarili namin at nag yakapan kaming lima. Wala na kaming ibang binanggit na iba, basta dinaan nalang namin sa aksyon na alam naming dapat walang mag kakalimutan.

Eto na ang huling gabi na mag kakasama kami. Bukas, ako nalang mag isa...

Namaalam kami sa isa't isa, at dahil mag kapit bahay kami ni Treis, sabay na kaming nag lakad papauwe. Habang nag lalakad kami, naramdaman ko ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Nasabayan pa ng sobrang pag ka tahimik ng daanan.

"Nimuel?" Napa tingin ako sa kanya nung sabihin ni Treis ang tunay kong pangalan.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Hindi kita malilimutan, Nimuel." Sabi niya sa akin.

"Psh. Baka bukas pag alis mo, hindi mo na ako kilala." Sabi ko sa kanya.

"Wag ka ngang ganyan. May gusto sana akong sabihin sayo." Sabi nito sa akin.

"Ano yun?" Tanong ko dito.

"Nimuel, uhmm kasi." Hindi siya masyadong mapakali.

Habang kami ay nag lalakad, namalayan namin na nasa tapat na pala kami ng bahay niya.

"Antagal mo mag salita. Pumunta kana sa bahay niyo at baka mados por dos ka na naman." Sabi ko sa kanya.

"Nimuel, pag balik ko ba makikilala mo pa ba ako?" Napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Huh? Bakit mo naman natanong yan?" Tanong ko dito.

"Wala lang. Gusto ko kasi maganda ako kapag babalik ako dito." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Eto na namang puppy love na to eh.

"Hahaha, mag aral kang mabuti don ah? Wag ka munang lumandi." Patawa kong sabi sa kanya.

"Sayo lang ako Nimuel! Bye!" Natigilan ako sa sinabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay kumaripas takbo papunta sa pintuan ng bahay nila.

Napaisip ako, hay nako... masyado pa tayong bata Treis.

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa aking kwarto. Napa tingin ako sa kisame at sadyang tumulo nalang ang luha ko.

'Walang mag kakalimutan..' naririnig ko pa yung boses ni Enas. Lahat trinothrow back ko. Nung mga sanggol palang kami mag kakasama na talaga kami. Ngayon paba kami mag kakahiwalay pag tapos ng sampung taong pag kakasama? Sana nga walang mag kakalimutan...

Pangako ko sa inyo yan Enas, Dos, Treis, at Pente.

[END OF FLASHBACK]
Time check - June 2, 2018 {5:00AM}

Naalimpungatan ako mula sa napaka samang panaginip. Nalimutan na daw nila ako.....

Nalimutan..? Siguro nga. Wag kana umasa Tessera dahil nalimutan kana ng mga yun. 10 years old palang kayo non, wala pang mga muwang sa mundo, mga inosente pa lamang kayo.

Walang mga larawan na dumating...

Walang mga sulat na dumating...

Walang kahit sino man ang dumating sa kanila...

Kinain nila yung mga pangako nila- samantalang ako, araw araw nag hihintay sa kanilang pag balik pero halos wala na din akong mga balita kung anong pinag kakaabalahan nila.

We were kids... next door.

At ngayon, hindi ko alam kung ano pang pinang hahawakan ko. Yung pag kakaibigan namin na hanggang ngayon sariwa parin sa memorya ko.

O sadya bang hindi ko lang matanggap na nag kalimutan na nga?

*sigh*

—-----------------------------------------------------------------------------------------------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A.M.B.S.K.P.Stories to obsess over. Discover now