"I know what you're doing, Mia. You're only trying to hurt yourself again. Ilang beses ka ba niyang sasaktan, kahit 'di nya naman alam na nasasaktan ka nya, bago ka matatauhan at magmomove on?"
"I'm fine, Tina. I'm not doing this for him, but for myself."
"Okay." maikli niyang sagot.
"O, tama na yang galit mo. Alam mo naman na ikaw lang ang maaasahan ko eh. Tulungan mo na akong pumili ng susuotin sa reunion."
"Sige na nga."
Mahilig si TIna sa fashion. HIndi siya tulad ng iba na panay lang ang sunod sa kung ano ang nauuso. Ibinabase niya sa personality ng tao at sa korte ng katawan ang mga damit na inirereto niya. Siya ang nagsabi sakin na mag-ayos ako kahit papaano.
Naaalala ko pa noong sinabi niya na, "Stop looking like an old maid already. You're 24, turning 25. I think it's time that you made other people appreciate your beauty."
Napangiwi pa ko noon. 'Chimay' kasi ang tawag sa akin ng mga highschool kong kaklase na lalake. Pano, mahaba buhok ko at parating nakaponytail. Takot rin ako sa make-up noon, pakirmdam ko matutunaw ang mukha ko pag tanda ko. Pero dahil nakapagtapos na ako at nakahanap narin ng trabaho bilang isang teacher, naisip ko na may karapatan narin akong magpaganda. May 'K' na kong sabihin sa mundo na tapos na ko sa pangako ko na tatapusin ko muna ang pag-aaral ko bago ako magkaka-boyfriend.
Sa totoo lang, napakaliberating ng pakiramdam na nagawa mo yung parating ipinapaalala ng mga magulang mo: mag-concentrate muna sa pag-aaral bago magkaboyfriend. Marami mang nagsasabing napaka old-fashioned ng ganitong pag-iisip pero para sakin, may mabigat na rason sa likod ng paalala na ito.
Una, may tsansang mabuntis ka. Pangalawa, mahirap magconcentrate kung kinikilig ka o kaya naman ay stressed sa tuwing mag-aaway kayo ni boyfriend, Pangatlo,hindi mo maeenjoy ang single-life. Masarap kayang malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo; na ang mga desisyon ay nakasalalay lang sayo at hindi sa gusto ng boyfriend mo. Marami pang rason pero hindi ko na babanggitin dahil yung rason lang na mapasayako ang magulang ko ay sapat na.
Kaya ngayon, heto ako, NBSB; No Boyfriend Since Birth.
At habang ineenjoy ko ang singleness ko, narealize ko nalang bigla na gusto ko si Ethan.
Perfect.
Please note the sarcasm.
Nauwi tuloy sa paghingi ng tulong sa fashionista kong bestfriend.
"Let me see. You're conservative. So I'm sure you wouldn't want to expose too much skin. Your tanned skin just shows that you appreciate meeting the sun often. Your short--"
Napataas kilay ko sa sasabihin ni Tina.
"I mean, you're 5'2 height makes you look like a highschooler."
Naparolyo tuloy ako ng mata. "And you think that's a complement? Kinukutya mo ba ko, te?"
Natawa ng bahagya si Tina sabay sabing, "No, I'm just listing the facts. Getting a dose of reality helps, don't you think?"
"Okay~", pailing-iling kong sagot habang nakangiti.
"Ah! I forgot! NBSB ka nga pala!"
"No Boyfriend since birth?"
"Hindi...
No Boobs Sobrang Butt!"
Binato ko siya ng dalawang unan at sumigaw ng patawang "Shut Up!"
Nauwi tuloy pillow fight ang dapat sanang fashion lesson ko.
_____
Sorry for the late update!
Medyo nalungkot ako kasi walang nagkokomento sa gawa ko. Am I doing well or not? Pleaseeeeeeeee let me hear from you! :'(
-Cenon
YOU ARE READING
Friend zone ba kamo?
RomanceMaraming nagsasabi na magandang mag-umpisa ang pag-ibig sa pagiging magkaibigan. Pero paano kung hanggang kaibigan lang talaga ang relasyon niyo ng taong gusto mo? Meet Mia and her struggle with liking someone whom she has called a 'friend' for yea...
