Chapter 6: Pinuno

Start from the beginning
                                    

"Ah kaya mo ko sinama dito para malaman ko na ikaw ang Pinuno ng mga Ivatran Warriors, eh ikaw kasi tinatawag mo kong pangit" sagot ko sa mahinang boses.

"Bakit totoo naman diba?" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

"Napakayabang mo talaga at napakasama, Prinsipe ng Kayabangan" sabi ko sa mahinang boses

"Prinsesa ka ng Kapangitan" sagot nya.

"Nakakainis ka" sagot ko.

"Wala ka ng maisagot kundi nakakainis ka hahaha" sabi ni Prince Andrexsel.

Napasimangot ako ng husto sa sinabi nyang yun.

At tumingin kami kina Friyan at sa mga Ivatran Warriors at nakatingin sila lahat sa min at tila nagugulat ar nagtataka sa aming pag-uusap hehe.

Nagulat din at nakaramdam naman ng selos si Derick.

"Kamusta mga Ivatran Warriors, Ako ang inyong Prinsipe at Pinuno Prince Andrexsel. Sama-sama nating ipagtatangol ang Kingdom of Ivatra laban sa Walang kwentang Black Kingdom of Griya. Pananatilihin lagi ang kapayapaan, katahimikan at kaligtasan ng buong Kingdom of Ivatra. Mabuhay ang Kingdom of Ivatra" sabi ni Prince Andrexsel.

"Mabuhay si Prince Andrexsel at Mabuhay ang Kingdom of Ivatra " sigaw ni Friyan.

"Mabuhay si Prince Andrexsel at Mabuhay ang Kingdom of Ivatra" sigaw ng mga Ivatran Warriors.

Umupo kami ng Prinsipe sa upuan ng mga pinuno ng mga Ivatran Warriors na isang mahabang upuan para manood ng pagsasanay ng mga Ivatran Warriors. Magkatabi kami ng Prinsipe at kasunod naman nya sina Friyan,Vire, Croen at Seris.

"Ka-Kamahalan mamaya pwede kong lapitan sina Derick at Yola, kasi miss ko na mga friends ko?" sabi ko at tumingin ako kung nasan sina Derick at Yola.

"Di pa pwede, sa susunod na lang" sagot ni Prince Andrexsel.

"Bakit?" ang nakakunot noong tanong ko.

"Hahaha, isang araw ka pa lang na Personal na Dasre ko, punta na agad sa friends, gawin mo muna mga gawain mo Dasreng Pangit " sagot nya.

Nainis ako at napasimangot sa sagot nya.

"Hahaha, sinabi sa akin ni Graceno na huwag muna raw" sabi ni Prince Andrexsel.

"Ha? Bakit Kamahalan?" tanong ko.

"Haha, hindi ko din alam" sagot ni Prince Andrexsel.

Malungkot na napayuko na lang ako.

At nag-umpisa na ang pagsasanay ng mga Ivatran Warriors sa harapan ni Prince Andrexsel. Lalong gustong paghusayan ng mga Ivatran Warriors ang pagsasanay dahil pinapanood sila ni Prince Andrexsel.

Tumitingin sa akin si Derick at nag-ismile habang nagsasanay. Lalo syang ganado sa pagsasanay dahil nakita nya ang kanyang inspiration at ako yun. Nakita ni Prince Andrexsel ang pagtingin at pangiti namin ni Derick sa isat-isa.

Pagkaraan ay tumayo si Prince Andrexsel papunta sa harapan ng sanayan ng mga Ivatran Warriors. Nilabas nito ang kanyang espada.

"Magtaas ng kamay ang nais na lumaban sa kin, pipiliin ko ang aking makakalaban " sabi ni Prince Andrexsel.

Nagtaas nga ng kamay ang mga gustong lumaban kay Prince Andrexsel.

"Ikaw pangit labanan mo ko" sabi nya sa isang lalaking Ivatran Warriors na nagtaas ng kamay.

Hahaha, Mapanlait talaga si Prince Andrexsel.

"Opo Kamahalan. Karangalan ko po " sabi ng lalaking Ivatran Warriors na hinamon ni Prince Andrexsel.

Hindi nagtagal ang labanan at tumalsik agad ang espada ng kalaban
at tinutukan sya ni Prince Andrexsel.

"Hina mo naman, sandali lang, di man lang ako pinagpawisan" sabi ni Prince Andrexsel sa lalaking Ivatran Warriors.

"Pangit na, mahina pa" sabi pa nya.

Hahaha, Prinsipe talaga sya ng Kayabangan.

Bumalik na sya sa kanyang upuan na nakangising nakatingin sa akin bago umupo.

"Nakita mo yun Dasreng Pangit, Napakagaling ko hahaha. Tapos sabi mo walang kong kwenta, walang silbi at kain tulog lang. Napakatanga mo Dasreng Pangit, ikaw Dasreng Pangit ka lang Hahaha" pagyayabang ni Prince Andrexsel.

"Pero di pa rin yun dahilan para manlait ka" sagot ko.

Pero kahanga-hanga talaga yung pinakita nya na galing sa pakikipaglaban. Napakayabang nga lang nya talaga at mapanlait hahaha.

" Nagsasabi lang ako ng totoo na pangit ka" sagot nya.

"Hindi ako pangit Mahal na Prinsipe, ikaw ang pangit kasi pangit ang ugali mo" sagot ko at sumimangot.

"Tumigil ka Pangit" sagot ni Prince Andrexsel.

"Wala ka ng maisagot kundi tumigil ka pangit, puro ka pangit paulit-ulit" sagot ko at humalukipkip at ngumisi.

"Ikaw puro yabang, Prinsipe ng Kayabangan, Tanga-tanga mo" sagot ni Prince Andrexsel.

"Ikaw yung tanga Kamahalan, kasi puro ka lait, di mo nakikita mali yun, mali maging mapanghusga at mapanlait" sagot ko.

"Napakatapang mo Dasre, bukas tignan natin tapang mo" takot nya sa akin at ngumisi.

"Sige parusahan mo ko Kamahalan" Matapang kong sagot.

Natawa sya.

"Umalis na tayo dito Dasre Rhia" sabi nya.

Tumingin ako sa mga friends ko na sina Derick at Yola.

Nagulat ako ng hinawakan ni Prince Andrexsel ang aking kamay at nagteleport kami pabalik sa kwarto nya. Di nya alam ang Dasre Room kaya sa kwarto nya sya nagteleport bago ko nagteleport pabalik ng room ko.

Binalik ko muna sa kanya ang panyong binigay niya sa akin ng umiiyak ako. Tapos nagteleport na ko pabalik ng kwarto ko sa Dasre Room.

Humiga ako sa aking kama na may nararamdaman na lungkot dahil nakita ko nga ang mga Friends ko na sina Derick at Yola ngunit hindi ko naman sila nalapitan at nakausap.

Bago ako matulog ay nagdasal ako na sana ay makaalis din kami dito sa Kingdom of Ivatra at makabalik na sa mundo ng mga tao.

Derick's Point of View

Natapos na din kami sa pagsasanay.
Lalo kong nag-alala para kay Rhia.

Bakit kasama nya si Prince Andrexsel?

"Yola nakita mo yun kasama ni Rhia si Prince Andrexsel " sabi ko kay Yola.

"Oo nga eh bakit kaya?" tanong ni Yola.

"Nag-aalala ko para sa Friend ko, baka naman ginawa syang Dasre ng Prinsipe na mayabang na yun " sabi pa ni Yola

Nagkuyom ang aking kamao sa galit at labis na pag-aalala kay Rhia.

"Bayaan mo bukas paglabas namin ni Friyan para mamasyal pupuntahan natin yung Dasre Room o kahit yung room ni Prince Andrexsel kasi Pinsan naman sya ni Friyan" sabi ni Yola.

"Huwag nyo muna syang puntahan" sabi ni Graceno na biglang sumulpot.

"At Bakit? Bakit di namin pupuntahan si Rhia ha Graceno? ginawa mong Dasre ng Prinsipe si Rhia, tapos sasabihin mo na wag namin syang puntahan. Napakasama niyo ng Prinsipe" galit na sagot ko kay Graceno.

"Huwag muna, pero papayagan ko rin kayong magkasama-sama basta sa ngayon ay huwag muna. Kailangan itong gawin ni Rhia upang makabalik kayo sa inyong mundo" sagot ni Graceno.

"Ano? Basta pupuntahan namin sya." matapang kong sagot.

At biglang naglaho na si Graceno.

writist_j

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now