"Halika, dito ka paupo sa tabi ni Mike dali! Ng makapag usap naman kayo." Anyaya sa akin ni Camilla.

Malapad ang ngiti ni Mike at bago ako makaupo ay sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap na ikinagulat ko naman.

Nang dahil doon ay kinanchawan kami ni Mike nitong mga alaskador kong kaibigan.

Nagpasya ang mga kaibigan kong mag sayaw sa dance floor kaya naiwan kaming Dalawa ni Mike.

"So, kamusta kana? muntik na kitang hindi makilala, napakagamda mo ngayon at marami na din ang nag bago sayo. Mas lalo kang gumanda."

Automatic akong napangiti. Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito na mapupuri ako ng mismong childhood crush ko.

"I'll take that as a compliment, salamat... Ikaw nga din eh, mas lalo kang gomwapo. Tiyak na mas lalong mai.inlove n'yan si Trish sayo." Pagtukoy ko doon sa long term girl friend niya.

Napailing si Mike at pagkuway napangiti. "Matagal na kaming wala ni Trish, we broke up two years ago. ang akala ko ay alam mo na." Gulat na napatitig ako sa kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwala sa narinig, ang akala ko ay sila padin hanggang ngayon.

"I'm sorry to hear that. Hindi ko alam. hindi ko nabalitaan ang bagay na iyan."

"No it's okay. no problem." Alam kong sincere ang sinabi niyang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang bumilib sa kanya kung papaano niya nagawang maka move on.

"By the way, ikaw ba may boyfriend na?" Walang ano ano'y tanong niya. Natigilan ako at napangiti ng mapait.

"Ha? Eh... Wala. wala akong boyfriend?" Nag aalangan na saad ko.

Hindi daw siya makapaniwala na wala akong boyfriend, kung ano-ano pa ang pinag usapan namin at humantong kahit saan ang topic namin.

Hindi ko akalain na masarap pala siyang kausap. noong nasa high school pa kami ay magkaibigan na kami pero hindi kami kaylan man nagkaroon ng chance na makapag usap ng masinsinan.

Sa sarap ng usapan namin ay hindi ko namalayan na medyo napaparami na pala ang inum ko at si Mike pa mismo ang sumita sa akin.

Nagyaya siyang makipag sayaw at dahil medyo tipsy na ako ay nakipagsayaw ako sa kanya.

Habang nasa dance floor kami ay tawa kami ng tawa at hindi namin magawang makapagsayaw ng maayos dahil pinagtatawan niya ang paraan ng pagsayaw ko.

Ng makabalik kami sa table namin ay nagpaalam akong mag popunta lang sa wash room dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng mag retouch.

Medyo malayo ang wash room mula sa table namin at sa wari ko ay dalawa hanggang tatlong liko pa ang gagawin ko bago matuntun iyon.

Napangiti ako ng sa wakas ay matanaw ko ang pintuan ng wash room ngunit laking gulat ko ng biglang may humablot sa braso ko.

Nang dahil sa gulat at takot ay napatili ako pero kaagad na natakpan ng kung sino mang humablot sa akin ang bibig ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng sa wakas ay makita ko ang mukha ng taong humablot sa akin.
Napasandal ako sa pader at automatic na nanghina ang aking mga tuhod.

Ang amoy alak na hininga niya ay na aamoy ko. Ang mga mata niya ay tila ba nag aapoy dahil masama ang mga titig niya sa akin. Pero gayon paman ay sinikap kong magmukhang matapang.

"Ano ba ang kailangan mo?! Bitiwan mo nga ako!"

"No! I won't let you go. Hindi sa pagkakataong ito Rox." Tiim bagang na asik niya. maskumabog ang dibdib ko pero hindi dapat ako magpaapekto

"Ano ba ang problema mo? Pakawalan mo ako. Bumalik kana kung saang lupalop ka galing!"

"Sino ang lalaking kasayaw mo kanina? Boyfriend mo na ba?" Mas mahinahon siya ngayon kaysa kanina pero maydiin padin ang kanyang pananalita.

Nabigla ako sa tanong niyang iyon pero sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang mainis. Bakit bigla bigla nalang siyang susulpot mula sa kung saan at tatanungin ako ng kung ano-ano na parang walang nangyari.

"Bakit? Pakiaalam mo ba?! Kung anuman ang relasyon na mayroon kami ay wala kanang pakialam doon. Excuse me." Kaagad ko siyang itinulak at ng makawala ako ay patakbo akong bumalik sa table namin.

Nadinig ko pa ang tatlong beses niyang pagtawag sa pangalan ko pero hindi ako nag abalang lingunin siya. Nanlamig ang buo kong katawan at tila ba naging tuliro ako. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon sa Lugar na ito.

TO BE CONTINUED...

-PhoenixCorvus 🤗

I'M IN LOVE WITH THE PLAYBOYWhere stories live. Discover now