Chapter 16

31 2 0
                                        


Two weeks na ang nakakaraan magmula noong huli kaming magkita ni Denzel sa airport.

Two weeks ko na din siyang hindi nakikita pero ang dinig ko ay pumapasok naman daw ito sa paaralan.

Pansin ng mga kaibigan ko ang pagiging matamlayin ko at kadalasan ay palagi akong lutang.

Kaninang umaga ay hinintay ko ang pagadating ni Denzel sa mismong parking lot pero magtatanghali na ay hindi padin siya dumarating kaya nanlolomo akong umalis nalang.

"Saan ka nanaman galing ha?' Huwag mong sabihin na hinintay mo nanaman ang Denzel na iyan?" Hindi ako umimik at nanatiling naka tungo ang ulo ko. Maliban kay Joanny ay wala nang ibang nakakalam tungkol sa namagitan sa amin ni Denzel. hito nanaman siya at pinapaulanan nanaman ako ng sermon.

"Gosh Rox! Hindi pa ba obvious? Iniiwasan ka na nga ng tao, ano pa ba ang gusto mong mangyari? Ipagduldulan ang sarili mo sa taong pinaglaroan ka lang naman... Ganon?"

May point si Joanny kaya hindi nalang ako nagbitaw pa ng kahit na anong salita, pero ang totoo ay nasaktan ako sa mga katotohanang sinabi niya.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit naghihintay padin ako at umaasang magkakaayos kami at magiging okay parin ang lahat sa amin.

Lumipas ang dalawang linggo at gano'n padin ang setwasyon. Sa pagkakataong ito ay natitiyak ko nang iniiwasan talaga niya ako. Marami ang nakakakita sa kanya sa school at usap-usapan din na ibat ibang babae ang kasa-kasama niya.

Sa pagkakataong ito ay tanggap ko na na wala lang sa kanya ang namagitan sa amin at natitiyak kong isa lang ako sa mga flavor of the month o isa sa mga flings niya.

Magmula pa kagabi ay sinabi ko na sa aking sarili na kakalimutan ko na siya kagaya ng pagkalimot niya sa akin.

"Once a playboy always a playboy" ito ang paulit-ulit na sinasambit ng utak ko.

Noong nakaraang sabado ay napagkasundoan naming magkakaibigan na magpa parlor, Sinunod ko ang suggestion ng mga kaibigan ko na magpagupit at magpakulay ng buhok. Mabuti nalang at maganda ang kinalabasan at ang sabi nila ay bumagay daw ang new look ko sa akin

Lunes ng umaga, maaga akong nagising. kinumbinsi ko ang sarili ko na ibalik ang dating ako at mamuhay ng normal.

Pagdating ko sa skwelahan ay huminga ako ng malalim. Ano man ang mangyari ngayon ay bahala na. Taas noong naglakad ako papuntang canteen kong saan naghihintay ang aking mga kaibigan.

Naglalakad ako sa hallway nang makarinig ako ng tilian ng mga kababaihan. Dala ng curiosity ay napalingon ako sa bandang kaliwa kung saan nagmumula ang ingay.

"OMG girl ang hot niya talaga."

"Oo nga grabe ang gwapo niya."

"Hala iba nanamang babae ang kasama niya. Ang swerte ng babae."

Napataas ang kaliwang kilay ko ng mapagsino ang tinotukoy nila. Magkahalong galit, inis at pagka inis ang sumiklab sa dibdib ko ng makita ko si...

Denzel.

Malapad ang pagkakangiti niya habang kasama ang kanyang mga kaibigan at ang isang babae na nasa kanyang tabi.

Saglit akong nag isip kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad at sasalubongin ko ang Grupo ni Denzel o tatalikod nalang ba ako.

Sa huli ay nagpatuloy ako sa paglalakad na animo'y walang pakialam sa paligid. Deretso ang aking tingin habang patuloy na naglalakad. Nang papalapit na ako sa kanya ay nagkatinginan kami.

I'M IN LOVE WITH THE PLAYBOYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin