Bakas ang gulat sa kanyang mga mata ngunit hindi ako nagpaapekto at ako mismo ang unang nagbawi ng tingin na animo'y wala akong nakitang kakaiba at saka pigil hininga ko siyang linagpasan.
Walang lingon-lingon na nagpatuloy ako sa paglalakad. Mabilis padin ang kabog ng aking puso at naghuhuromintado ang aking sistema.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako sa loob ng canteen. Nagpapabalik-balik sa isipan ako ang mukha niya.
Gwapo padin ito at kahit saglit ko lang siyang napagmasdan ay napansin ko na may nag iba sa mukha niya.
"Wala tayong pasok bukas kaya pwede tayong mag liwaliw mamaya." natutuwang niyogyog ni Rona ang braso ni Lyve
"Oo nga! Let's go clubbing. Matagaltagal na din nating hindi nagagawa ang bagay na iyan." nag agree ang lahat sa suggestion ni Camilla. excited and lahat para sa mangyayari mamaya, maging ako man ay na. excite din.
Nagtatawanan kami ng mga kaiban ko ng biglang mahagip ng mata ko ang lalaking nakamasid sa akin.
Mariing nakatotok si Denzel sa akin, at hindi ko alam kong kanina pa ba niya ako pinagnamasdan.
Muli ay ako ang unang nag iwas ng tingin at ibinaling ko ang atensyon sa mga kaibigan ko. Medyo na conscious ako pero hindi ako nagpahalata.
8:00 pm ang usapan namin kaya na magkikita kita. 6:30 pm ang last subject ko sa araw na ito kaya pagkatapos mismo ng klasi ko ay domeretso ako sa parking lot.
Hindi kalayoan sa kotse ko ay naka park ang kotse ni Denzel at naaabutan ko siyang nakasandal sa mismong kotse niya na tila ba may hinihintay.
Naisip ko na baka hinihintay niya ang bago niyang flavor of the month at sa isiping iyon ay may kong anung galit at inis akong naramdaman.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at kaagad kong kinuha ang phone ko at kunwaring may kausap sa phone. Iyon nalang ang naisip kong paraan para maibaling ang atensyon ko at maibsan ang kaba na aking nararamdaman
"Yes baby, papunta na ako diyan... Wait for me okay?" Ewan ko ba pero iyon ang mga salitang na nasambit ko habang linalagpasan siya.
Ang kaninang nakasandal na si Denzel ay biglang napatayo ng matuwid. Ang sunod niyang ginawa ay hindi ko na namalayan dahil tuloyan ko na siyang nalagpasan.
Matagompay na nakarating at nakapasok ako sa loob ng sasakyan at kaagad kong pinaandar iyon. Bago ako tuloyang makaalis ay liningon ko muna siya at sa kasamaang palad ay nakatingin padin ang playboy sa akin.
May kakaiba akong nabasa sa kanyang mga mata pero hindi ko na pinagtounan ng pansin iyon.
Pagkapasok ko sa loob ng club ay kaagad akong sinalubong ng bouncer. Hindi ako komportable sa soot ko kaya nagaalangan akong pumasok sa high end na club na Ito. iginala ko ang aking mata sa paligid at marami akong nakitang mga sikat na artista at nga modelo.
Mabuti nalang at kahit papaano ay nakapag ayos ako kung hindi ay baka nagmukha na ako ngayong basahan kaharap ang mga sufisticated na mga babaeng nandito ngayon.
Natanaw ko ang mga kaibigan ko na nagsisimula ng uminum at magkasiyahan, sa wari ko ay medyo tipsy na nga ang mga ito.
Mahigit isang oras akong na.late dahil hindi ako makapag decide kung anong damit ang isusuot. Sa huli ay napili ko ang red dress na hindi masyadong revealing, iyon ngalang ay hapit na hapit ito sa katawan ko.
Ng makalapit ako sa table nila ay napansin ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa table namin.
"Ito na pala ang hinihintay namin. Hmm. Hindi ko na itatanong kung ba't na late ka dahil mukhang alam na namin ang dahilan." Saka sila nagtawanan at nag appear kaya napailing nalang ako.
YOU ARE READING
I'M IN LOVE WITH THE PLAYBOY
RomanceGod knows how much I hate guys who's fund of breaking other girls heart. I've always hated them from the bottom of my heart. Pero ano nga ba ang gagawin ko kong isang araw ay mamalayan ko nalang na unti-unti na pala akong umiibig. Umiibig sa lalakin...
Chapter 16
Start from the beginning
