PROLOGUE

6K 102 1
                                    

Dapit-hapon na, nasabi ko na lamang sa isip ko. Habang nakatingin sa mga naglalaglagang dahon mula sa puno. Ang mga ibon na malayang lumilipad. Ang mga bulaklak na fresh pa rin kahit hapon na. Ang mga estudyante na kasama ang barkada habang masayang nagu-usap.

Ang building na malapit sa 'min habang nire-renovate. Ang mag-isang studyante na naglalakad sa hallway: mag-isa. Ang teachers na sobrang daming papel na dala pero wala manlang nagtangkang tulungan ito.

Ang mga maiingay na babae na pumapalirit. Ang mga nagsasayaw na studyante sa stage na tanaw mula rito. Lahat iyon pansin ko. Wala e, mapanuring tao lang talaga ako.

"You may go now." Sambit ng teacher namin sa una matapos ang discussion na hindi ko naman naintindihan dahil nasa labas ang atensiyon ko.

"Grabe, grabe. May assignment na naman tayo, tambak na naman! Hay!" Pagsasalita ng bestfriend ko habang naglalakad kami sa hallway.

"Okay lang 'yan, nangako naman tayo sa isa't isa na... na, kahit anong struggles na dumating, kakayanin pa rin! Fight, fight!" Pagsasalita ko ng positibo kahit na negatibo akong tao.

She gave me smiled, "Kaya nga, lahat ng pangako natin sa sarili natin. Kailangan nating tuparin kahit na gaano man 'yan kahirap!" Ngumiti na lang ako sa kaniya.

Siya nga pala si Jasmine. Maganda, mabait at palakaibigan. Bestfriend kami for 10 years. Tagal namin 'no? Sabi nila, nagtatagol daw ang relasyon ng dalawang tao kung marunong kayong makisama sa isa't isa at kung marunong kayong mag-handle ng relations niyo.

Fourth year college na kami. ABM student at yeah, ilang b'wan na lang... graduating na kami. Salamat sa parents namin na supportive.

We were near on the gate when we saw him, Jasmine's suitor. Hinihintay siya. Siya si Clarence, one year and two months suitor ni Jasmine. Tagal 'no? Study first muna daw kasi si Jasmine pero ang alam ko... ngayong graduation namin ay sasagutin na niya si Clarence.

Sa totoo lang ay parang sila na. Pero hindi pa officialy. Alam ng parents nila ang isa't isa at suportado sila. Pero pansin ko na hindi siya gusto ni Jasmine.

Si Jasmine kasi 'yung tao na mapili. I mean gusto niya 'yung almost perfect guy. Si Clarence naman ay hindi gaano mayaman sa buhay. Sa totoo lang ay mas may kaya pa si Jasmine kay Clarence pero itong si Clarence ay hindi sumuko kahit ipagtabuyan na siya ni Jasmine.

Sa totoo lang ay bilang bestfriend ay boto ako ay Clarence. Dami na kasi niyang naranasan na pagpapahirap ni Jasmine. T'wing walang pasok ay pumupunta sila sa Bahay ni Jasmine. Pagsisilbihan niya si Jasmine. Sa School ay ipagdadala ni Clarence ng bag si Jasmine, tutulungan sa assignments, projects at iba pa.

Minsan ay inaaway pa nitong si Jasmine itong si Clarence at napapahiya pa si Clarence pero dahil mahal niya si Jasmine ay pinapabayaan na lang niya ang pagkapahiya.

Hanga ako kay Clarence dahil nakayanan niya ang struggels na 'yun makasama lang si Jasmine bilang nililigawan niya.

At doon ay nakapasa siya bilang manliligaw sa parents ni Jasmine. Pinayagan na siyang manligaw ni Jasmine dahil sa napilitan lamang dahil sa parents ni Jasmine.

About my lovelife? Um, nothing. Haha. Sabi kasi nila na ang magiging partner mo sa buhay mo ay kusang darating. Pero may first love na ako, kaso nag-break kami. Kasi nahuli ko siyang niloloko ako.

Sabi niya na hindi daw niya makita ang hinahanap niya sa first love niya which is ako. At kaya siya pumunta sa second love niya ay nandoon daw ang hinahanap niya sa babaeng iyon.

Dahil doon ay nakipag-break na ako sa kaniya. Kasi, hindi naman talaga namin mahal ang isa't isa. Pareho kaming may hinahanap na para sa 'min na wala sa first love.

Sabi nga sa Psychology page: Second love is the best. Second love teaches you to believe in love again. Second love heals you after you have thought you'll never fall in love again. Second love teaches you that there can be a second chance in life. Second love comes after you became mature and wise enough to avoid misunderstandings and fights that can happen a relationship. People might think first love is unforgettable but second love is actually eternal, it is the strongest and the most mature one.

Doon ko 'yun pinanindigan. Pero hindi ko hinahanap si second love. Kusa 'yang dumadating. Si Tadhana ang bahala sa atin.

Saka study muna bago love. Kinawayan ko na sila Jasmine at Clarence saka ako sumakay sa tricycle. Private nga pala ang pinapasokan naming School. Ako ay mahirap lamang. Pero dahil masipag ang parents ko at sa tulong nga mga kapatid ko. Napag-aral nila ako. Para sa kanila ang makakamit kong diploma.

---
A/N: Expect na po na madaming errors. Hindi naman po ako professional na kayang lampasan ang expectation ng isang reader. And don't expect too much! Salamat po sa pagintindi! Thank you sa nagbasa kahit prologue lang. Lab u, God bless us guys! Sana makaya lahat natin ang mga struggles na haharap sa atin! Wala lang, pang pa goodvibes. Baka kasi may iba diyan na down edi, at least nabasa mo 'to. HAHA. :*

Ikaw Pa Rin (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin