Chapter 46 Personified

6.2K 82 11
                                    

Chapter 46

Jillian’s POV

Ang lamig. Pakiramdam ko nagyeyelo na ang buong katawan ko.

Pinaling ko ang paningin ko kay Cyrus. Hindi man niya sabihin, alam ko na sobra na rin siyang nalalamigan.

“Paano mo nalaman kung nasaan ako?” I asked. We’re walking ever so slowly. It’s weird. But duh, we have no choice. Kung magkasakit man ako, at least sabay kami. Love sick.

“Mitch called me. Nawawala ka daw. She said you’re helpless and . . .”

I grinned to cut him off. “Nag-worry ka kaya hinanap mo agad ako? Hulaan ko, binabaan mo agad ng phone si Mitch ‘no?” I teased him. Despite the drizzle, I still could see his blushing face. Daig pa niya ako. Madali siyang mag-blush. I don’t know if this is out of embarrassment, though.

“Stop being so full of yourself, woman,” he said, annoyed at my jocularity. Tss. Ang bipolar talaga. Kanina, kung anu-anong kalandian ang sinasabi niya tapos ngayon tinatarayan niya ako. Nakakainis!

“Ang sungit nito.” I snorted. Lakas ng loob niya magsungit. Porket ba kita ang abs niya diyan sa basa niyang damit, magtataray na siya?

“Let’s go. Nilalamig na ako, ikaw ba hindi?” He snapped. “Ah, oo nga pala. Sanay ka sa lamig kasi . . .”

“Shut up!” naiinis na asik ko. Tinakpan ko ang tainga ko at naglakad palayo. Ayaw ko ng marinig ang sasabihin niya. Aasarin na naman niya ako.

We ran afterwards. Ghad. I’m close to freezing. Mabuti na lang at magaling sa directions ‘tong si Cyrus kaya agad kaming nakarating sa kanila.

Pagdating namin sa loob, agad na akong tumakbo.

“Dahan dahan. Baka bigla kang madulas at maalog pa ‘yang utak mo. Wala na ngang laman, hindi pa ingatan,” pang-iinis niya. Napahinto ako sa pagtakbo at hinarap ko siya.

“You know what, if you haven’t forgiven me yet, don’t pretend like you did. You’re like a scoundrel waiting to fire his grudge.” I rolled my eyes. My shoulders quivered.

He ran towards my direction. “I miss your big mouth and its nags. I . . .” Pinagmasdan niya ako at bumuntong-hininga siya. “Before I even say something stupid, can you please just go to the comfort room now?” He’s embarrassed. I like it when he is. No, I love it.

I shook my head. “Gutom na ako. Pwedeng kumain muna? Kasi sobrang nanghihina na ako. I haven’t eaten anything yet. Kasalanan mo kasi, eh. Sobrang tinakot mo ako. Ni hindi ko na nagawang kumain sa sobrang pag-aalala ko sa’yo. Hindi ka ba nakokonsensya?”

“Arte na lang ‘yan, pengs,” he said, laughing. This dork. Hindi naman ako nagsisinungaling, eh. Though, tama siya. Arte na lang ‘to. Naglalambing lang, eh.  

Lumapit siya sa akin at tinulak ako papunta sa may kusina.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon