"Ayon din sa narinig ko nilibing daw itong buhay," si Sammy. Kanya-kanyang bulungan ang namayani sa loob ng silid.

Umupo na kami sa aming upuan at hinintay ang susunod na teacher namin. Hinarap ako ni Aria.

"Anna," tinignan ko siya. "Masama talaga ang kutob ko. Natatakot ako para kay Adrian." Napatingin ako sa paligid kung may iba bang nakikinig sa amin. Nakita ko si Anne na nakatingin sa amin, pero agad din itong yumuko at nag-iwas ng tingin. Samantalang si Crystal naman ay pasimple lang na nakatingin sa amin.

"Ako rin, sana lang talaga mali ang narinig ko," sabi ko nalang kay Aria. Kailangan ko na munang magpanggap na wala akong alam at humanap ng perpektong oras para sabihin sa kanila ang nalalaman ko.

"Guys! Kumpleto ba tayong lahat dito?" napatingin kami sa pintuan kung saan nakatayo si Dexter. Pawisan siya na tila nanggaling sa malayong pagtakbo. Ang iba sa amin ay napatayo pa.

"Hindi, hindi pa nakakarating ang iba." Sagot ni Jason.

"Gusto tayong kausapin ng mga pulis," biglang nagbulungan ang karamihan sa mga kaklase ko hanggang sa umingay na.

"Bakit daw?" Tanong ni Sammy.

"Oo nga, bakit gusto tayong makausap ng mga pulis?" tanong rin ni Jetter.

"Hindi ko rin alam, naghihintay na sa atin ang mga pulis sa AVR. Kailangan lang nating makipag-cooperate sa kanila," umalis na agad si Dexter at wala naman kaming nagawa kundi ang sumunod nalang din.

Magkasabay kaming naglalakad nila Jason, Jetter at Aria na ngayon ay nakakapit sa kaliwang braso ko.

***

"Alam naming karamihan sa inyo ay nagtataka at nalilito kung bakit namin pinatawag ang section ninyo," pagsisimula ng matangkad na pulis. "Nais lang sana namin kayong bigyan ng ilang tanong. At umaasa kami na sagutin ninyo ito nang hindi nagsisinungling para malutas agad natin ang kasong ito. At dahil para rin ito sa kaligtasan ninyong lahat.

Nasa AVR na ang whole section namin at nakaupo na kami kaharap ang pulis. Lima ang pulis na nasa loob ng AVR, may dalawang nakaupo lang at tila inoobserbahan kami, at may dalawang pulis na nagbabantay sa pinto ng AVR.

"At pinatawag din namin kayo dahil alam naming karapatan n'yo ring malaman ang nangyari sa kaklase ninyo," seryosong saad ng pulis.

"Kaklase? Sinong kaklase?" si Christine.

"Ang kaklase ninyong nagngangalang Adrian Felix," napasinghap ang karamihan sa amin nang sabihin iyon ng pulis. Naramdaman ko rin ang pagpisil ni Aria sa kamay ko.

"Si Adrian? S-sigurado po ba kayo? B-baka may mali lang po," nauutal na tanong ni Sammy. Umiling ang pulis at inilabas ang isang school ID.

"School I.D. ito ni Adrian, nilibing siyang buhay. Mabuti nalang at aksidente siyang natagpuan ng dalawang estdudyante. Mga dalawang araw na rin siyang nakabaon sa lupa. Tinawagan na rin namin ang pamilya ng bata at pinaalam sa kanila ang nagyari. Ngayon," mas naging seryoso ang mukha ng pulis. "Kailan n'yo ba siya huling nakita?"

"No'ng isang araw lang po, sir, sa classroom" sagot ni Lim kaya napatingin kami sa kanya. "Kakadismissed lang po ng last subject namin no'n, Inaya pa nga namin siyang magbasketball."

"Mga anong oras mo siyang nakausap?" tanong ng pulis.

"Mga 4:30 po ng hapon," singit na sagot ni Andrew. "Ako pa nga 'yong nag-aya sa kanyang magbasketball."

"Kami rin po," nagtaas ng kamay si Aria. "Nandoon rin kami ni Jetter kasama si Adrian no'ng inaya nila itong magbasketball."

"Pero tumanggi po siya, sabi niya may meeting pa siya. SSG President po kasi si Adrian," si Andrew.

"Okay," tumango-tango ang pulis at tumingin sa amin. "Kung ganoon pwedeng nagpunta pa siya sa venue ng meeting. Sino pa sa inyo ang nakausap si Adrian sa araw na iyon?"

"Ako po," napatingin kami kay Claire dahil nagsalita na rin ito sa unang pagkakataon. "Kasama po ako sa meeting ng gabing iyon pati si Anne." Tinuro ni Claire si Anne na ngayon ay nakayuko lang. Naalala ko na appointed secretary pala si Anne kaya kasama siya sa meeting.

"Mga anong oras natapos ang meeting?" tanong ng pulis at finocus ang tingin kay Claire.

"Malapit na pong mag-alas otso no'ng natapos po ang meeting."

"Kung ganoon kayo ang maaring huling nakasama ni Adrian sa gabing iyon?" pagko-conlude ng pulis. Tumango si Claire.

"Opo," medyo nanibago ako kay Claire sa mga oras na ito. Hindi niya kasi pinaandar ang pagkamaldita niya. "Pero umalis din kaming lahat noong natapos ang meeting. At naiwan po siyang mag-isa sa loob ng SSG office."

"Salamat sa impormasyon, iha." Tumango lamang si Claire sa pulis. "May natanggap din kaming report na hindi si Adrian ang unang kaklase ninyo na namatay. May apat pang nauna at ayon sa report na natanggap namin namatay sila sa BAryong Narra."

"Hindi pa kami sigurado pero posible rin na hindi si Adrian ang huli. Maaring may susunod pa."



***

Laro Tayo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon