CHAPTER SEVEN

3.7K 106 1
                                    

BAGO pa niya naituloy ang sasabihin niya ay kumayap na ito ng mahigpit sabay halik sa labi niya.

"I miss you, sweetheart." malambing na sabi niito sa kanya.

"Danica.." 

Mabilis niyang inalis ang pagkakayakap nito. Nakita niyang napasimangot ito sa ginawa niya.

"What?" naaasar na wika nito.

"There's something I want to tell you.."

"What is it? Saka, where's Aivie? We're supposed to have a meeting this day. Marami pa tayong dapat na asikasuhin for our wedding tapos malalate pa siya? She's not professional."

"Yun nga ang pag-uusapan natin ngayon. Our supposed to be wedding.."

"Yeah. Dapat talagang pag-usapan ang kasal natin."

"Our wedding is off, Danica."

Nakita niya ang labis na pagkagulat nito sa narinig. Napakaraming emosyon siyang naaninag sa mga mata nito. Ngunit maya-maya ay biglang bumalasik ang anyo ni Danica.

"You're joking,right?"

"I'm serious, Danica. And I'm sorry, hindi ko na dapat hinayaang mangyari ang lahat ng ito."

"Is it because of her?" mabalasik na tanong nito.

Kitang-kita niya ang pagkamuhi sa mukha ni Danica.

"Partly, yes. It's because of Aivie. Pero mas lamang pa din ang dahilan na para bang malaking pagkakamali ang gagawin kapag itinuloy pa natin ang kasal."

"No, Harold! Hindi ako papayag na basta ka na lang uurong. I've waited this all my life! Kaya please, huwag kang aatras sa kasal natin." gumagaralgal na sabi nito.

"I'm sorry, Danica. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sayo. Hindi sapat ang paghingi ko ng tawad."

Nilapitan siya nito at niyakap ng mahigpit.

"Please, Harold. Don't do this to me. H-hindi ko kayang mawala ka.." 

Binaklas niya ang pagkakayakap nito sa kanya.

"My decision is final. The wedding is off." 

Malakas na sinampal siya nito sa pisngi na halos nayanig siya. Doon yata nito binuhos ang galit sa kanya.

"Bullshit ka, Harold! Do you think na papayag ako na basta na lang papayag na hindi ituloy ang kasal? No!" tungayaw ni Danica sa kanya.

Umiling-iling siya.

"I still love her. Alam mong siya lang ang buhay ko, Danica."

Nakita niyang gumuhit ang pait at sakit sa mukha nito. Nakaramdam na naman siya ng awa para dito. Pero alam niyang hindi sapat ang awa n yun para mahalin din niya ito.

"I'm sorry.."

Yun lang at iniwan na niya ito. Sisihin man niya ng ilang ulit ang sarili niya, wala na siyang magagawa. Ang gusto lang niya ngayon ay makuhang muli ang pagmamahal ni Aivie. No matter what.

GALIT na hinagis niya sa pader ang vase na nahagip ng kamay niya.

Hindi siya makapaniwalang umurong sa kasal nila si Harold. Gusto niyang pagsisihan na siya ang gumawa ng paraan para muling magkita ang dalawa.

Ngunit nanaig ang kagustuhan niyang makapaghiganti kay Aivie. Ang babaeng yun ang naging dahilan ng ilang taon na paghihirap niya. Kaya gusto niyang maramdaman din nito kung gaano siya nasaktan ng ito ang piliin ni Harold.

"Ate Danica?" 

Nag-aalalang tawag sa kanya ni Bernard, ang kapatid niya.

"What happened, Ate? Are you okey?"

Nilapitan siya nito. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kapatid niya. 

"Leave me alone, Bernard.." 

"But you're crying, Ate. Anong ginawa sayo ng lalaking yun?" bakas sa mukha nito ang galit.

Alam niyang magagawang saktan ni Bernard si Harold. Sa dalawang kapatid niya ay mas close siya dito. Hindi kasi sila nagkasundo ni Angelica simula pa lang. Kontrabida kasi ang tingin sa kanya nito.

"I said leave me alone, Bernard. Gusto kong mapag-isa." matigas na sabi niya habang pinupunasan ang luha niya.

Saglit siya pinagkatitigan nito ngunit maya-maya ay iniwan din siya.

Alam niyang buo na ang desisyon ni Harold na umatras sa kasal nila. Kilala na niya ito. Ngunit hindi siya papayag na mabalewala ang paghihirap niya. More than ten years na siyang nagpapakatanga kay Harold. Hindi siya papayag na balewala lahat ng paghihirap niya dito.

Naikuyom niya ang palad. Kanya lang si Harold. At hindi siya papayag na maagaw ulit ito ni Aivie.

Akin ka lang, Harold! sigaw ng isip niya.

BANAS na inihagis niya ang bag sa kama. Hanggang pagbalik niya sa hotel ay inis na inis pa din siya.

Pero bakit ba siya naiinis? Na kay Harold ang lahat ng karapatan kung ipacancel man nito ang meeting. Kliyente niya ito at dapat na masunod. 

"Siguro miss na miss talaga nila ang isa't-isa." bubulong-bulong na sabi niya.

"Mam Aivie!" tumitiling tawag sa kanya ni Essy na ngayon ay papalapit na sa kanya.

"What?" inis na sabi niya dito. 

"Ay, bongga! Mukhang highblood si Madam!"

She sighed. Hindi siya dapat magpaapekto sa nararamdaman. 

"Ano ba yun, Essy?" mahinahon ng sabi niya.

"Ayain ka sana namin, Mam Aivie. You know, pasyal-pasyal dito sa kagandahan ng Ilo-Ilo. Balita ko marami kasing delicacies dito. Bibili na rin ako ng pasalubong ko kay Fafa ko."

"Halos one week pa tayo dito, Essy.."

Nagpapadyak ito sa sinabi niya.

"Mam Aivie naman eh! Saka need mo na yata mamasyal. Mag-unwind kahit saglit. Nakita mo na ba itsura mo sa salamin?"

"Ha? Bakit? Ano bang itsura ko ngayon?" awtomatikong napahawak siya sa mukha niya.

Hinila siya nito sa bathroom at iniharap sa salamin.

"Nakikita mo ba yang sarili mo? You look haggard and stress, Madam. Baka iwanan ka na lang basta ni Fafa Edmond niyan sige ka. Magugulat ka na lang na napunta na siya sakin." pabirong sabi nito sa kanya.

Tama si Essy. Mukha nga siyang stress, malaki din ang eyebags niya sanhi ng kulang sa tulog. Kasalanan ba niya kung hindi siya makatulog sa gabi? 

Halata bang apektado siya kay Harold?

Napabuntong-hininga siya. Mukhang tama si Essy, kailangan niyang magrelax.

"Saan mo ba balak pumunta?" 

Narinig niya ang malakas na pagtili nito. 

"Actually, may tour guide tayo."

Napakunot ang noo niya. "Tour guide? Sino naman yang tour guide mo?"

"Basta. You'll see."

Napailing na lang siya. Mukhang marami na agad itong nakilala palibhasa ay maboka.

Maya-maya ay nakarinig na siya ng pagdoorbell.

"Ayy! Ayan na si Fafa!" tumitiling sabi ni Essy.

Halata ang excitement sa boses nito.

"Hi, Aivie.."

Nanlaki ang mata niya ng mapagsino ang bisita nito.

"H-harold?" 

Forever In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon