CHAPTER FOUR

3.4K 116 0
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi siya makapaniwala na magkasama si Harold at Danica na mag-aaral abroad. Hindi niya pero parang sinadya ng huli na sundan si Harold. Pero bakit? Para agawin sa kanya?

Umiling-iling siya. Hindi niya dapat pag-isipan ng masama si Danica. Kaibigan niya ito at naging malapit sila sa isa't isa. At malaki ang tiwala niya kay Harold. Alam niyang hinding-hindi siya nito lolokohin at ipagpapalit sa iba. Pareho nilang mahal ang isa't-isa.

Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula ng umalis si Harold. At hanggang ngayon, para siyang nababaliw kakaisip sa binata. Wala ring araw na hindi niya pinupunta ang falls na paborito nilang puntahan. 

Araw-araw naman siya nitong tinatawagan sa phone. At walang araw na sinabi nito na mahal na mahal siya. 

Iniisip na lang niyang ano ba naman ang pagtitiis ng ilang taon na paghihiwalay nila? Kaya niyang maghintay kay Harold. Ganyan niya ito kamahal.

Napangiti na lang siya habang pinamasdan niya ang picture nilang dalawa. The picture was taken five months ago sa garden ng mga Monteverde. Nakaakbay sa kanya si Harold pero hindi nakatingin sa camera. Sa halip sa kanya nakatuon ang atensyon nito. Habang siya ay nakapeace sign pa at ngiting-ngiti. For her, it was a perfect shot. Kaya nga pinaprint at inilagay pa niya iyon sa frame.

Kapag nalulungkot siya at namimiss ang binata, she just look at the picture. Automatic na napapangiti na lang siya.

Maya-maya ay nagring ang cellphone niya. Nagmamadali niyang sinagot ang tawag. Si Harold.

"Hi, Babe.." masiglang bati nito sa kabilang linya.

"Babe, kakatawag mo lang an hour ago. Baka naman malaki na yung bill mo nyan.."

"I don't care! Basta marinig ko lang ulit ang boses mo, handa kong ubusin lahat ng pera ko."

Napahagikgik siya sa tinuran nito. Imposibleng maubos ang kayamanan ng mga Monteverde.

"Para naman mauubos ang kayamanan niyo nu. Anyway, malapit na magstart ang klase niyo ha? Are you ready?"

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito.

"May problema ba?"

"Wala naman. Namiss lang kita. Matagal pa kasi tayo magkikita ulit."

Hindi siya nakakibo sa tinuran nito.

"Babe?"

"Po?"

"What if, dito ka na lang magstudy? Mas okey ang education dito and-"

"I want to, Harold. Lalo na at makakasama kita. Pero alam mo naman na hindi ko pwedeng iwanan sina Daddy dito."

Nag-iisang anak lang kasi siya ng parents niya. Ayaw naman niyang iwan ang mga ito.

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.

"I'm sorry. Masyado lang kasi kitang namimiss. And its been only two weeks, for god's sake! Two weeks pa lang and I miss you terribly, babe. Ano pa kaya ang ilang taon?" bakas sa boses nito ang paghihirap ng loob.

"Uuwi ka naman dito every vacation mo, diba? Isipin mo na lang na para satin yan, para sayo, sa pangarap mo."

Muli, narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito. 

"I love you, babe.."

"I love you more,babe."

"Mas mahal kita, Aivie. Kung alam mo lang kung gaano naghihirap ang loob ko.."

Sasagot sana siya ngunit narinig niyang biglang may nagsalita sa kabilang linya. Kung hindi siya nagkakamali, boses yun ni Danica. Tinatawag nito si Harold.

Forever In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon