Chapter 30

1.8K 42 20
                                    

"Matulog kana ha. Wag ka ng mag isip ng kung anu-ano" bilin ni Vhong sa kasintahan.

["Vhong.. p--"]

"Sabing wag ng mag isip isip ng kung anu ano e. Matulog kana ha. Bukas na lang tayo mag kita. I love you" putol ni Vhong kay Anne.

["okay.. I love you too. Good Night"] binaba ni Anne ang telepono. Napabuntong hininga na lang si Vhong dahil sa problemang pinagdadaanan niya ngayon.

"Vhong" tawag sa kanya ni Toni na kakapasok lang sa kanilang kwarto.

"Magpahinga kana. Doon na lang ako matutulog sa tabi ni Von" akmang lalabas na si Vhong ng magsalita si Toni.

"Vhong magpapaliwanag ako.." umiling si Vhong

"Wag muna ngayon. Di pa pumapasok sa utak ko yung pinagsasabi mo.." tuluyan ng lumabas ng kwarto si Vhong.

Sa panig naman ni Anne..

Hindi siya makatulog, iyak siya ng iyak. hindi niya alam kung totoo ba ang nakita niya kanina.

Mahal niya si Vhong, matagal niyang pinangarap na mahalin siya pabalik ng kanyang matalik na kaibigan. Kakasimula lang nila, may harang kaagad. Hindi niya kayang pakawalan ang ka-isa isang lalaking minahal niya.

Pero alam niya sa sarili mali kung itutuloy nila 'to dahil nandiyan na ang tunay na asawa.

*

"Good Morning!" masiglang bati ni Toni sa asawa na kabababa lang at buhat buhat ang anak.

"Morning" simpleng sagot ni Vhong.

"Morning Tita Toni!" bati ni Von at tumakbo sa Tita upang halikan ito sa pisnge.

"Baby, She's your Mom" pagtatama ni Vhong sa anak.

"Pero sabi niya po Tita ko po siya" Nakapout na sabi ni Von. "Saka po si Mommy Anne ang Mommy ko"

"It's Okay, Vhong. Yun naman ang totoo e. Tita niya lang ako" pag sang ayon ni Toni kay Von.

Habang kumakain, walang imikan ang dalawa. Nasasaktan si Toni dahil sa pagiging cold ni Vhong. Alam naman niyang kasalanan niya kung bakit ganon ang asawa.

"Let's go, Von!" aya ni Vhong sa anak at sinukbit ang bag ng anak.

"Bye, Tita Toni!" paalam ng bata at humalik sa pisnge niya bago tinungo ang pinto palabas.

"Bye, Von! Vhong.."

"Mag uusap tayo mamaya" sabi ni Vhong at lumabas na ng pinto.

*

"Hey! ba't ganyan itsura mo" tawag ni Vhong sa kasintahan.

"Wala. May iniisip lang ako" sagot ni Anne.

"Wag mo ng isipin yun. Maaayos ko rin yun" pagsisigurado ni Vhong. tinignan ni Anne ang kasintahan.

"nakapag usap na ba kayo?" umiling si Vhong.

"Gusto pag nag usap kami, kasama kita." saad ng binata.

" i love you, Vhong. Kahit ano maging desisyon mo, susuportahan kita dahil kaibigan kita" sincere na sabi ni Anne kahit sa loob niya ay labag ito sa kanya.

"fyi. Kai-bigan" nakangiting sagot ni Vhong

"Vhong naman e.." parang bata na sabi ni Anne

"sabi ko kasi sayo ' wag mo ng isipin yun' makulit ka rin 'no" inirapan na lang siya ni Anne at tumingin na lang sa bintana

*

Best friend Ko ang Asawa ko :D (Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon