Chapter 23

2.5K 42 3
                                    


Anne's Pov



Pagkatapos ng klase ko ay agad akong sa opisina ni Vhong, kasama ko ang one and only girl bestfriend ko.Dianne.

Pagkarating namin ay agad kaming pumuntang 11th floor.
Papasok na sana kami ng opisina ni Vhong ng may pumigil sa amin

"Excuse me, ma'am. Bawal po kayong pumasok" tinaasan ko siya ng kilay.

Mukhang bago lang ito..

"Hi, Bago ka ba dito?" tanong ko.


"Yes, ma'am.. I'm Dianne, secretary of Sir Vhong" so... Bago nga siya.

"Wow! Dianne! Kapangalan ko pa!" singit naman ni Dianne.

"Okay." papasok na sana kami ulit ng pigilan ulit kami ni Dianne 2

"Kakausapin ko lang si Vhong.."


"Wala po kayong appointment sa kanya kaya, bawal po kayong pumasok. Bumalik na lang po kayo sa susunod. i-schedule ko na lang po kayo" sabi niya at kinuha ang ballpen at papel niya.


"Excuse me, Di mo ba siya kilala?" mataray na tanong ni Dianne 1


"Iwan niyo na lang po yung pangalan niyo para mai-schedule ko kayo.." Umiinit na ang dugo ko sa babaeng ito ha.

Pigilan niyo ako..

Ayokong gumawa ng eksena dito..

Nako!!


"Papasok kami sa ayaw't sa gusto mo" sabi ni Dianne 1 at hinatak ako, agad namang humarang sa harap namin si Dianne 2.


"Ma'am di po talaga!" Si Dianne 1 naman ay hinahatak parin ako.


"Anong nangyayari dito?!" natigil kami ng bumukas ang pinto ng opisina ni Vhong.


"Sir, nagpupumilit po sila--"



"Best?!" Sabi niya at hinalikan ako sa pisnge "Dianne" ganon din si Dianne 1

"Sir, k-kilala mo sila?" tumango si Vhong



"Oo naman. Bestfriend ko to e" sabi niya at inakbayan ako.

"Pahiya ka ngayon" sabi ni Dianne 1 at inirapan si Dianne 2




"Sorry, Ma'am" sabi niya at yumuko.


"Okay lang" sabi ko

"What?! Okay lang yun? hindi ka niya pinapasok agad! ta--" tinakpan ko na ang bunganga ni Dianne para tumahimik siya.



"Sa susunod, kahit wala siya appointment sa akin, papasukin mo na ha" tumango si Dianne at bumalik sa pwesto niya.

"Pasok kayo" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.


"Hindi na. hinatid ko lang si Anne." Bumeso siya sa akin. "Paaminin mo siya, Anne" bulong pa niya bago umalis

Pumasok kami sa loob at pinaupo niya ako sa couch.


"Coffee, tea.. or Me?" sabi niya at tumingin sa akin ng makahulugan.

Best friend Ko ang Asawa ko :D (Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon