" 4 months! Tumagal ka ng 4 months sa ganong set up?" Tanong sakin ni Leanne habang nakaupo kami sa sofa dito sa isang Bar sa BGC. Sa halip na sumagot , kumuha na lang ako ng isang inumin na nasa mesa namin at nilagok yun. Gumuhit sa lalamunan ko yung alak pero di ko na ininda.
"Ang importante, tatapusin ko na." Sagot ko sa tanong nya.
" At tumagal ng 4 months pero di mo sinabi samin? Wow ang galling mo maglihim ah. Nakakairita." Angal naman ni Janna sakin.
"Eh kasi nga natakot ako. Alam ko naman na hindi kami magtatagal eh. Di ko nga inexpect na abot kaming 4 months eh."
"Kahit pa. Sana sinabi mo samin."
"Eh gusto ko nga kasi kami lang dalawa. Akala ko kasi mas magiging okay kung kami lang nakakaalam. Yung walang manghihimasok sa relasyon namin."
"Atleast, naging sayo sya sa loob ng apat buwan. Biruin mo yun!! Pangarap mo yung tao ever since God knows when. Feeling ko simula nalaman mo ang salitang paghanga, hinahangaan mo na sya eh. At least naman diba... Naka score ka sa kanya. Kaya okay na rin yun."
Di ko alam kung inaalo ako ni Janna sa sinasabi niya pero parang feeling ko mas naiinis ako. Dapat naman talaga magpasalamat pa ko kasi gustong gusto ko yung tao pero bakit parang di ko maalo yung sarili ko? Masakit talaga eh. Sayang 4 months na yun eh. Bakit di pa ginawang forever? Nakakaiyak!
Lumagok ulit ako ng alak. Gusto ko ng malasing! Pero ewan ko ba parang ang taas taas ng alcohol tolerance ko ngayon. Ang ending si Tricia pa at Leanne ang inakay naming pauwi. Kami na naman nila Tricia at Nadie ang problemado sa kung pano sila makakapasok sa mga bahay nila. Lagot na naman kami kila Tita.
Masaya naman ako sa buhay ko eh. Kontento naman ako sa buhay ko dati. Yung family ko and yung small circle of friends ko, yung trabaho ko, ako. Oo matagal ko ng hinangaan si Earvim. At kontento naman ako noon sa pa stalk stalk lang sa kanya. Aminado naman ako sa sarili ko na masyado syang mataas para sakin. Pero bat ngayon, parang hindi na? Parang hindi na okay. Parang pakiramdam ko dapat akin sya. Bakit parang ang unfair bigla. Sabi nila dapat nga maging Masaya ako dahil kahit paano may memories kami. Pero bakit parang hindi talaga? Bakit mas lumaki lalo yung desire ko na sana sya. Sana sya yung para sakin. Bakit naman ganun? Parang sana mas wala na lang memories. Sana di ko na lang naramdaman yung feeling ng kayakap siya. Yung hawak ko yung kamay niya. Yung kausap siya. Yung halik niya. Yung pagtugon niya sa I love you ko kahit pa ngayon na-realize ko na baka hindi naman niya mini-mean yung every I love you niya sakin noon. Kasi hinahanap hanap ko eh. Kasi feeling ko ayoko ng dumaan yung another day na walang ganun. Ang O.A ko ba?
" Rylene ang o.a mo! Apat na buwan lang yun. Di kayo umabot ng isang taon. Napaka o.a mo!" Pagalit ko sa sarili ko.
6 a.m na and gising pa ko. Iniisip kung ano na? Ano nang gagawin ko? Hmmnn... Ano na? Kasi di ko alam. Hanap ba ko ibang lalaki? Mag travel ba ko? Ano? Anong gagawin ko? Sa sobrang sakit ng puso ko, kasi pakiramdam ko literal na nahati ito, namanhid na yata. Di na umaabot sa utak ko na dapat umiyak ako kasi nasasaktan ako. Sa sobrang sakit, feeling ko di na gumagana yung puso ko. Kaya ayun wala ring nalabas na luha sa mata ko. So paano ako mag mo-move on? Di ako naiiyak. Tinatamad ako mag travel. Di ko naman trip manlalaki. Ano na life?
Nakatulog ako dahil sa pagod. Pero bago ako tuluyang hilahin ng antok, napagalitan ko pa ulit yung sarili ko.
"Ayan kasi Rylene eh! Sinabi na nga kasi diba, WAG MO GAWING MUNDO YUNG ALAM MO NA TAO LANG!"
Alam mo yan!
YOU ARE READING
The Chaser
General FictionInfinite Series - I Chaser - Something you drink right after taking a swig of hard alcohol.
