Prologue

15.2K 227 2
                                    

Prologue

"Where's Vexy? Papa and I got something for her."

Iyong ang narinig ko pagkatapos bumukas ng pinto ng bahay. Nilapag ko ang mga manika ko at tumakbo pababa. Nataranta si Manang dahil baka magdire-diretso daw ako.

"Kuya!" Tili ko. Kuya smiled at me.

Pinagpatuloy ko ang pagtakbo pababa sa hagdan. Agad akong sinalubong ni Kuya. Tuwang tuwa ako kasi finally tapos na ang bakasyon nila ni Papa.

"Miss you." Hinalikan nya ang noo ko at ginulo ang buhok ko. "Hindi mo ba pinasakit ang ulo ni Mommy?"

"Syempre, hindi. Love na love kaya ako ni Mommy." Proud kong sabi. Rinig ko ang pagtawa ni Papa sa tabi ni Mommy.

"Oh my precious baby." Tumatawang ani Papa. "Come here. Hug Papa para maibigay na namin ang regalo namin sayo."

Atubili akong yumakap kay Papa. Sinalo nya ako at natatawang hinalikan ang ulo ko. Hinawakan ko naman ang pisngi ni Papa at pinaliguan sya ng mga halik sa mukha.

"That's enough." Suway ni Mommy.

Binaba ako ni Papa at hinawakan ang kamay ko.

"Ready ka na ba sa regalo namin?" Tango tango ako.

Giniya nila ako sa grahe at doon sa likod ng van namin ay kitang kita ko ang bike na binili nila sa akin as for my birthday gift. I turned eleven last week.

"Surprise!" Ani Kuya.

Tumalon talon ako at hinila ng yakap sina Papa at Kuya. I've been longing for a bicycle but I don't know how to manuever that.

"Turuan mo na si Vexy, Erwan. Ingatan mo iyan ha." Bilin ni Mommy. Pabirong sumaludo si Kuya.

Binaba nya ang bike mula sa van at pinahawakan sa akin. Ngumuso ako sa kanya.

"B-bukas nalang, Kuya."

"Oh? Bakit?"

"I'm afraid."

Ginulo nya ang buhok ko at pinahawakan na sa akin ang bike.

"Don't be. Kuya's here. I will teach you, c'mon."

Tulad ng sabi ni Kuya ay inalalayan nya ako. Nawala ang pansamantalang kaba ko sa dibdib dahil may tiwala ako kay Kuya.

Thankful naman ako dahil madali akong natuto. Paminsan minsan ay binibitawan ako ng dahan dahan ni Kuya.

"Bibili lang ako ng icecream. What flavor you like?"

"Rocky road please. Thank you."

"Stay right here, okay. Wait for me or Mommy will kill me." Tumawa sya at tumakbo na doon sa tindahan.

Sumakay ako sa bike ko at pinatakbo iyon. I was smiling wide as I paddle. Hindi ko inalintana ang bilin ni Kuya, besides kaya ko na naman.

Hindi ako handa sa ginawa kong pagliko dahil para akong naestatewa nang businahan ako noong itim na sasakyan. Dahil sa nangyari, na-out of balance ako.

I tried not to cry, wala naman akong naging galos medyo nasaktan lang ako sa pagkakalaglag ko.

Nakita kong bumukas ang pinto ng itim na sasakyan at bumaba doon ang dalawang lalaki.

"Do you think she's hurt, kuya?" Rinig kong sabi noong lalaking mahaba ang buhok.

"I don't know. Mama will kill us. We almost hit the kid." Sa paglapit nil sa akin ay agad akong nag angat ng tingin.

"No. I'm okay. Don't touch me."

Pinilit kong tumayo pero agad akong tinulungan noong lalaki na isa-- iyong kasing edaran ni Kuya. Hinawakan nya ako sa baywang ko at maingat na tinayo.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Where stories live. Discover now