#4 Pansamantala

422 33 2
                                    

Pansamantala
ni: Miss Brave J

This 'Spoken Word Poetry' was inspired on the shortstory entitled
'For A While'

As Jeanne..

Dedicated to Jared

Magsisimula ako sa simula
Sa simula kung saan ang lahat ay nagsimula

Nagsimula sa salitang 'liligawan kita'
Hanggang sa dinala ng bugso ng damdamin at sinabi ang mga katagang 'mahal kita'
Ngunit nakakalungkot isipin na mauuwi lang pala ang lahat sa salitang 'paalam na'

Sisimulan ko sa umpisa,
Sa umpisa kung paano nagkaroon ng salitang 'tayo'
..at kung paano ang relasyon natin ay tinapos mo

Kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko sa tuwing sinasabi mo na mahal mo ako
..at kung gaano ako kinabahan nung sinabi mo sakin na iba na ang mahal mo

Kung gaano ako naging masaya nung mga araw na kasama pa kita
..at kung gaano nabalot ng kalungkutan ang mundo ko nung hindi na kita kasama

Kung paano mo pinuno ang mga puwang sa puso ko hanggang tuluyang nabuo mo ito
..at kung paano mo rin dinurog ito

At kung gaano at papaano ako nasaktan at umiyak nung araw na ipinagtabuyan mo ako kasabay ng pagtalikod mo sakin at naglakad ka papalayo.. at iniwan ako
Iniwan mo ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ng dahil sayo

Naaalala ko pa noon,
Naaalala ko pa nung sinabi mo sa'kin na liligawan mo ako
Wala akong nagawa kaya napa 'oo' na lang ako

Naaalala ko pa yung mga oras kung paano mo 'ko pasayahin
Kasabay ng pagtugtog ng gitara sa himig ng 'yong damdamin

Naaalala ko pa lahat,
Masaya, malungkot, masakit, natatakot.. halo halong emosyon
Pighati, poot, umiiyak at nagmumokmok
Lahat, lahat naaalala ko pa
Na tila sariwa pa sa aking alaala

Naalala ko pa,
Naaalala ko pa nung araw na iniwan mo ako
Yumakap ako sayo ngunit kinalas mo ang kamay ko

'Paalam na' yan ang mga salitang binitawan mo
Kasabay ng pagbagsak ng mga luhang nagmula sa mata ko
Mugto na ang mata ko sa kakaiyak
Pati ang puso na parang binibiyak

Hindi ka lumingon sa huling pagkakataon

At heto..
Umuulan na naman
Tila ako'y dinadamayan
Sa pangalawang pagkakataon dulot nang ako'y iyong iniwan

'Pansamantala'.. yan ang salitang nabuo simula nang iwan mo ako

Na ang kasiyahan na ibinahagi mo sakin ay pansamantala lang

Na ang oras na ibinigay mo sakin ay pansamantala lang

Na ang pag aalaga mo sa akin na pansamantala lang
..tulad ng pag aalala mong pansamantala lang

Yung pagmamahal na ipinaramdam mo sakin na pansamantala lang

At ang salitang 'tayo' na pansamantala lang

'Pansamantala'..
Salamat sa pansamantala

Salamat sa pansamantala na minsan nang naging akin ka

Pero wag kang mag alala, hindi ako magpapakatanga
Makakalimutan din kita

..dahil ipinapangako ko na sa bawat pagdaan ng oras
Sa bawat panahon na lumilipas
Ang pag ibig ko sayo ay magwawakas
..dahil ngayon palang nagsisimula na itong kumupas

..dahil tulad ng pag ibig mo sa akin, ito'y pansamantala lang din.

_____

August 1, 2018

Words Between Heart And Mind: Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now