#1 Dalawang Salita

912 43 1
                                    


Dalawang Salita:
Magmahal at Magtiwala

Sa panulat
ni: Miss Brave J


Parati kong naririnig ang dalawang salita
Ang pagmamahal at ang pagtitiwala
Isa, dalawa, dalawang salita
Dalawang salitang binigyan kong halaga,
at dalawang salitang minsan ko nang ipinagkumpara
Ipinagkumpara sa isa't isa, dahil oo, aaminin ko
Aaminin ko na minsan na rin akong naguluhan
Naguluhan kung alin nga ba ang mas mahalaga
At hinanapan ko pa ng kahulugan, ang dalawang salitang minsan ko nang kinailangan
Kinailangan, Oo minsan ko nang kinailangan
At yung minsan na yun ay naging madalas
Madalas kung papaano ko pagmasdan ang mga bituin sa itaas
Nagniningning sa kalangitan kasabay ng pagliwanag ng buwan nang ang araw ay lumipas
Mga ngiting kumawala kasabay ng mga luhang naglalagaslas
Kasabay ng paghiling sa mga bulalakaw na sa sobrang bilis nga nito'y animo'y tumatakas
Isang kurap, isang pikit, sabay mulat at tingin sa 'taas
Wala na, naglaho na, naglaho na ng ganon kabilis
Sana ganon na lang din kabilis
Sana ganon na lang din kabilis takasan yung sakit na nararamdaman
Sana ganon na lang din kabilis mawala yung problemang dinaramdam
Sana ganon na lang din kabilis maghilom yung puso kong sugatan
Ganon kabilis, sana ganon na lang din kabilis
Pero hindi eh, magkaiba sila
Hindi ganon kadali maghilom yung sakit
Hindi ganon kadali ngunit patuloy parin akong kakapit
Kakapit hanggang sa maiangat ko ang sarili, maiahon yung sarili ko
Maiahon sa tubig kung saan nalulunod ako
Nalulunod sa masasakit na salitang natatanggap ko
Oo, minsan na 'kong nadapa, ngunit tumayo ako, nadapa at bumangon muli
Bumangon mula sa pagkakadapa ko

Isa, dalawa, Dalawang salita
Dalawang salitang minsan ng nagdulot ng sakit ngunit magkaiba

Ano nga ba ang mas masakit?
Ang magtiwala ka sa isang taong sisirain din pala yung tiwalang ibinigay mo sa kanya?
O ang magmahal ka ng isang taong iiwan ka rin pala, dahil nagsawa na
Parehas masakit ngunit magkaiba

Ano nga ba ang mas masakit?
Ang hindi ka pagkatiwalaan ng taong mahal mo?
O ang hindi ka magawang mahalin ng taong mahal mo?
Parehas masakit ngunit magkaiba

Isa, Dalawa, Dalawang salita
Dalawang salitang ninais ko laging maramdaman, dahil ang saya lang
Ang sarap sa pakiramdam
Nang magtiwala at ng pagkatiwalaan
Ang magmahal at ang mahalin

Isa, Dalawa, Dalawang Salita
Ang magmahal at ang magtiwala

_____

July 2018

Words Between Heart And Mind: Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now