Chapter 1

8.2K 100 2
                                        

Precious Heart Romances

KABABABA pa lamang ni Maye ng telepono nang muli iyong tumunog. Kaagad naman niyang sinagot.

"Hello?"

"Hello, Maye, "

Uh---oh, usal niya sa sarili. Kapiraso lang ang sinabi ng nasa kabilang linya pero nabosesan kaagad niya ito---Si Sam. Kaagad tuloy siyang kinabahan. Tuwing nsa paligid niya ito ay ninenerbiyos siya. Wala pa naman siyang kasama sa bahay dahil nagbakasyon ang mga magulang niya sa probinsiya nila.

Manliligaw niya ito at mag---iisang taon na ring nanunuyo sa kanya. He was Forty---Six years old and she was Twenty--Five. Diborsiyado ito pero walang anak. Sa amerika pa ito ikinasal at ayaw naman nitong sabihin ang dahilan ng paghihiwalay nito at ng naging asawa nito.

Mayaman si Sam, Negosyante, Maimpluwensiya, He knew people from high places. May pag--aari itong malalaking restaurants at nightclubs.

Nakilala siya nito nang minsan kumain siya at ang ilang kaibigan niya sa pag--aaring restaurant nito a Roxas Boulevard. At iyon ang isa sa nga araw na labis niyang pinagsisisihan.

Mula nang manligaw ito sa kanya ay isa---isa nang nawala ang iba pa niyang manliligaw pati na iyong mga nagpaparinig pa lang sa kanya.

Pero may hinala siyang may kinalaman ito roon pero gaya ng inaasahan ay hindi inaamin ni Sam ang mga akusasyong iyon.

Marami siyanh naririnig na usap---usapan na sangkot ito sa isang ilegal na gawain gaya ng pagtutulak ng bawal na gamot, Smuggling, at white slavery.

"I am a legitimate businessman, " iyon ang sagot nito nang minsang tanungin niya tungkol doon.

Sinisiraan lang daw ito ng mga kaaway nito lalo na ng mga kakompetensiya nito sa negosyo.

"Hindi nila ako kayang pabagsakin a parehas na laban kaya tinitira nila ako nang pailalim, " naalala pa niyang sabi nito. Pero hindi lang ang mga bali--balita tungkol dito ang kinakatakot niya. Physically, Sam was intimidating, too. Mataas na tao ito at mahigit ang pangangatawan nito pero hindi rin naman maskulado. Idagdag pang malaki ang boses nitopukod pa sa hindi ito lumalakad nang walang bodyguards, kaunti na ang tatlo kapag lumalakad ito, kaya naman lalo pang lumalakas ng ugong na sangkot ito sa mga ilegal na gawain. Kung wala itong ginagawang masama, bakit parang napaka raming kaaway nito at hindi ito makalakad nang walang umaalalay rito na walang dalang baril? Bukod pa sa bulletproof ang sasakyan nito.

But in fairness to Sam, hindi naman siya binabastos o hina--harass nito, pormal na nililigawan siya nito, tuwing linggo ng gabi ay dinadalaw siya nito sa bahay, siyempre, kasama ang mga bodyguards nito, at sa tuwina naman ay pinaaalahanan niya ito na palabasin n muna ang mga bodyguards nito.

Kung makaporma kasi ang mga ito ay animo laging bubunot ng baril.

Mabait naman sa kanya si Sam at may hitsura naman ito. Matapang nga lang ang dating ng mukha nito dahil madalas ay nakakunot ang noo. Bukod pa sa wala ito ni katiting na sense of humor, hindi rin ito palangiti, hindi rin siya natutuwa sa makapal na bigote nito sa animo isang batikang hairdresser pa ang nagmamantini. In short, she couldn't see herself being Sam's girlfriend.

"Excuse me! Hinding--hindi ko ipagpapalit 'tong luma naming bungalow sa palasyo niya, "

Ito ang madalaa na reaksiyon niya kapag may nagbibiro sa kanya na sagutin na si Sam at nang magbuhay---milyonaryo na raw siya.

"Palasyo" ang tawag niya sa bahay ng lalaki dahil sa sobrang laki niyon. Nafala na siya nito roon kasama ang ilang kapamilya niya nang imbitahan sila sa isang hapunan.

Make - Believe LoverWhere stories live. Discover now