Aster Hechanova, Siya lang naman ang crush ko simula noong nasa elementary pa lang kami, hanggang ngayong nasa 2nd year college. Siya kasi ‘yung tipong sobrang antipatiko, mataas ang tingin sa sarili, medyo mayabang, totoo sa salita at tahimik, pero iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Sobrang perpekto niya kapag ginagawa ang mga iyon, at grabe! Hulog na hulog na ata ako sa Hechanovang 'yon!

"Oh, Bakit ang tagal mo?" Bungad sa akin ni Liam, Kibit balikat akong hindi sumagot at umupo sa tabi nila. "Asaan ang kinuha mo?" Tanong pa nito at iniabot sa akin ang isang burger at frappé.

"Hindi pa daw isinasauli ng nanghiram, Baka daw bukas." Palusot ko ulit, Mukha namang nakumbinsi sila sa aking sinabi kaya hindi na muling nag-tanong. I always lie to them whenever I want to meet Aster, Dahil bubuskahin lang nila ako. They will tell me na sobrang lokong loko na ako sa taong iyon. Eh, hindi nga man lang daw alam kung anong pangalan ko. Well, of course, paano niya nga malalaman kung hindi ako nagpapakilala.

They are my friends, I understand that. Alam ko naman na ayaw lang nila akong masaktan. But I really enjoy chasing Aster, I don't know why. But I really love it.

Nang matapos ang snack time ay pumasok na kami sa room at sa kabutihang palad ay wala pa naman ang aming susunod na Professor. Umupo ako at itinapat naman sa akin ni Camille ang electric fan na sana ay para sa lahat. Wala namang nag-rereklamo kaya ayos lang iyon. 

Nararamdaman ko pa rin ang ngiti sa aking labi at pamumula ng aking pisngi sa kadahilanang tinanggap niya ang ibinigay ko. Sa lahat nang ibinigay kong sulat, chocolates, frappés, damit, sapatos at kung ano-ano pa, wala akong nakitang itinapon niya. Pero hindi ko naman nakikitang isinusuot niya ang mga damit at sapatos, Ngunit ang mahalaga, tinatanggap niya.

Sa simpleng pag-tago niya, kahit sa ganoong paraan lang, Nakikita kong nag-bibigay siya ng halaga. Mayaman siya, alam kong kaya niyang bilhan ang sarili ng mga ganoon. Pero syempre, masarap sa pakiramdam na may nag-bibigay sa iyo.

Feeling ko nga, crush din ako ni Aster Hechanova! Ayaw niya lang umamin, O baka nag-fefeeling na naman ako dito?

"Woy!"

"Ay Aster ng nanay mo!" Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang sumulpot sa aking harapan si Camille. Tawang tawa ito sa aking naging reaksyon, Bumilis ang tibok ng aking puso at ramdam na ramdam ko iyon. Pilit kong pinapakalma ang sarili at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"You almost killed me!" I hissed, Habang siya ay sobrang natutuwa. Well, It's not funny. Pero hindi ko siya masisi, Hindi naman nila alam na may sakit ako. Na may bad monster sa aking puso na biglang bibilis ang tibok at nag-hahabol ng hininga. Living like this, having a heart failure, isn't pretty easy.

"Sus, Patay na patay ka talaga no? Alam mo, Vela, Kung ganyan ako kaganda sa iyo, hindi ako mag-hahabol sa lalaki." Bulalas niya, napa-irap naman ako. Sa lahat ng oras ata sinasabi niya sa akin iyan. Konti na lang at mabibingi na ako. Kaya ayaw na ayaw ko talagang ipinapaalam sa kanila lahat ng move ko kay Aster eh.

"Oh God! Tigilan mo ako, It wouldn't change the fact that I love Aster no." Wika ko naman. Mag-sasalita na naman sana siya ngunit biglang sumingit si Liam.

"Carina, Ang talino mo sa academics. Pero kung gaano kataas ang IQ mo sa pag-aaral, ganoon naman ang ibinaba nito pag-dating sa laro ng pagibig." Umiling ako at dumukdok. Oh, here they are again! Educating me, And telling me I'm stupid. Not that directly pero iyon naman ang meaning 'non. Nakakasawa sa pandinig, Nanatili akong nakadukdok hanggang dumating ang aming guro na nag-bigay ng maikling pag-susulit.

Ganoon ang naging takbo ng buhay ng isang mag-aaral na katulad ko, Bilang 2nd year college, medyo busy ang buhay ko. May mga research akong kailangang gawin, syempre, Future Doctor ako eh. Pero kahit ganoon ay hindi ko nakakalimutan ang aking mahal na Aster. Actually, mag-kikita kami ni Tyron ngayon para pag-usapan si Aster. Pumayag naman agad siya nang sabihan ko sa text.

Habang nag-lalalad ako sa hallway ay may mga nakita akong fangirls niya na nag-aabang sa labas ng cafeteria. Siguro ay kasalukuyan siyang kumakain ng lunch, Napangisi ako at nag-mamadaling lumakad patungo doon. Tama nga ako, Kumakain nga siya. Ang sarap niya, este, Iyong adobong ulam niya.

Hindi na ako nag-tagal sa pwesto na iyon at nag-patuloy sa paglalakad papunta sa napag-usapan naming lugar ni Tyron. Hindi pwedeng malaman ni Aster na ako ang nagpapadala ng mga iyon, Kilala niya lang ata ako sa codename kong "Star"

"Tyron," Bati ko, Nakaupo siya ngayon sa sanga ng isang puno, Habang sa baba 'non ay isang bench. Umupo ako ng desente habang siya ay kumakain pa ng manga. Ni hindi niya nga ata hinugasan 'yon at tuloy tuloy na kumain. Napangiwi ako habang tinitignan siya, Nang mapansin ang aking inakto ay agad siyang tumigil at seryosong tumingin sa akin.

"Hmm, What brings you here, Star?" Nakangisi niyang sabi at tumalon pababa. Teasing me, huh?

"Shhh!" Bawal ko kaagad sa kanya at tumingin sa paligid. Baka may radar pala si Aster, Baka mabuking ako nang tuluyan dahil sa lakas ng boses ng isang 'to.

"Ano ka ba, Carina? Sa tingin mo ba ay may pake talaga sa iyo ang manhid na 'yon?" Nag-iwas ako ng tingin habang siya ay nakaupo na sa akihng tabi. Pati siya, Kahit tinutulungan niya akong ipaabot kay Aster lahat ng ibinibigay ko ay pakiramdam ko na naawa lang siya sa akin.

And he keep on telling me these things, Para ma-realize na tangang tanga na ako kay Aster. Hindi naman nila ako mapipigilan, At hindi nila ako kayang patigilin. Even Aster himself, kahit sa mismong harap ko pa niya sabihin na ayaw niya sa akin, I will insist.

"How's Aster? What did he tell you?" Diretsong tanong ko. Ayaw ko nang magpa-ligoy ligoy pa, Iyon lang naman ang sadya ko dito. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya, Sabay hagis ng maliit na bato sa kawalan. I can feel his Sympathy right now, Ganito na talaga sila awang awa sa akin.

"Ang sabi niya, tigilan mo na raw siya. Dahil wala kang mapapala." Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Akala niya ba nasasaktan ako sa sinabi niyang iyon? I heard that, a million times! Sanay na sanay na ang puso ko at tila sarap na sarap pa nga ang aking tenga kapag naririnig iyon. "Introduce yourself to him, Kahit ako, Halimbawa'y Ilang taon na akong binibigyan ng taong hindi ko naman kilala at ang alam ko lang ay ang codename niya na "Star", Syempre mag-tataka ako."  He added.

"That's my point, I want him to feel curious too. Para siya mismo ang mag-hanap sa akin. You didn't get it, don't you?" Angil ko, Narinig ko ang kanyang kaunting paghalakhak nang marinig iyon.

"At sa tingin mo bibitawan niya ang mga libro para lang hanapin ang taong sobrang obsessed sa kanya?" Nag-iwas ako ng tingin. Fix yourself, Carina Vela. Huwag kang papatalo sa kung anong opinyon ng iba. Don't believe them until Aster himself said those words in front of you.

"I pity you, Learn to let go, My friend. Or wala ka namang i-lelet go dahil walang kayo?" Napatingin ako sa kanya, Naramdaman ko ang pag-iinit ng haligi ng aking mata at pumikit. "Carina, I want you to be fine. You'll be fine, without him. Stop chasing Aster, as if he'll chase you back." Mariin niyang sabi, naramdaman ko ang kanyang pag-tayo kaya naman nag-mulat ako nh mata.

"I thought you're on my side?" I whispered.

"Yes, I am. And that's one of my obligation since I'm on your side. I want to protect you from harm, ngayon ang duty mo... You have to help yourself. And never expect." He said, Tumayo ako at tatalikuran na sana siya ngunit bigla itong nag-salita muli na ikinatingin ko ulit sa kanya.

"High Expectations leads to deepest heartbreaks. Watch out, Carina."

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon