Kumuha ako ng isang envelope. Kinuha ko ang wallet ko at tumalikod muna sa lamesa kung nasan ang mga nag-aayos sa regalo. Binilang ko ang pera ko.. hayst...

Pangbayad ko to sa exam e.. pwede naman siguro ako manghingi kay mama..

Kinuha ko nalang ang 2k sa wallet ko at mabilis ng nilagay sa envelope. Since catering ang kasal ni Minnah, hihingi ka pa ng food coupon kung wala ka mang invitation na ipapakita. Regalo nalang o pera. Sinulat ko ang pangalan ko sa envelope at inabot sa tauhan ng hotel.

"Please give me a food coupon."

Habang kumakain ako ay naisip ko nanaman yung kanina. Lahat sila nandun. Even Ailee's there.. ako lang ang wala. Hayst.

"Ah it's hot.." kinagat ko ang dila ko ng mapaso sa soup. Tsk.. "ang tabang." Sabi ko habang nakadila pa. Pakiramdam ko nasunog dila ko aish.. puro nalang kamasalan buhay ko!

"Tsk.. tabang talaga." Kinuha ko ang chilli powder sa table at nilagyan ang soup ko. "Hmm. That's better." Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at binalewala nalang ang nangyare kanina.

"Hintayin lang nila. Makakapasa din ako sa exam. Ikakasal din ako at... aish.. paano ako ikakasal kung wala pa akong boyfriend? Tsk." Lalo akong nainis ng mapasok nanaman sa isip ko ang salitang boyfriend. Oo na! Nbsb ako! No boyfriend since birth. May nanligaw naman sa akin. Kaso ang panget kaya nag pabebe ako at sinabing study first. Ngayon graduate na yung nanligaw sa akin na yun at isa ng piloto. Ako naman nganga. Hayst...

"Aish!" Agad akong napatakip sa bunganga ko ng bigla akong mapasigaw. "Sorry po.." sabi ko sa ibang tao na nakaupo sa table na inuupuan ko. Hindi ko sila kilala at hindi din naman nila ako kilala. Pero nakakahiya padin yung biglaan pagsigaw ko.

"Hayst... nakakainggit si Minnah.." sabi ko nalang. Ano kaya pakiramdam ng kasal na? Sana naman makasal na din ako. Pero shempre una muna, magkaboyfriend ako. Teka....

Alam ko na!

"Sisiguraduhin kong ako ang makakasalo hahaha!" Narinig kong sabi ni Ailee. Nagkukumpulan na ang mga kababaihan sa likod ni Minnah kaya nakisingit na din ako. "Oh? Akala ko umalis ka na?" Tanong nya sa akin.

"Haha kaibigan ko din si Minnah kaya di na muna ako umalis.." sabi ko nalang. Tumango sya at nabaling kay Minnah ang atensyon namin ng inihagis na niya ang bridal bouquet. Nung mga oras na yun... bumagal ang oras. Pakiramdam ko nagslow-mo lahat sa akin. Napatingala kaming lahat at nasa bouquet lang ang atensyon namin. Umatras ako para habulin ang bouquet. Eto na... masasalo ko to. Ako ang makakakuha nito. Ikakasal ako. Magkakatotoo yung kasabihan. Sisiguraduhin ko!
.
.
.
Pero bakit.... parang lumalayo ang bridal bouquet sa akin..

"Oh my god!"

"Aahhhhh!"

"Dail!!"

Napalunok ako habang nararamdaman ang pagkabagsak ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize na hindi ang bouquet ang lumalayo sa akin kundi ako mismo.

Napatingin ako sa kamay na umaabot sa akin. Nang makita ko ang lalakeng yun ay parang may bell at napaka sweet na kanta ang tumugtog sa paligid ko. Sinubukan ko itong abutin pero hindi ko na nagawa dahil sa mabilisang pagkahulog ko mula sa 5 steps ng hagdan hanggang sa baba.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa mata ko.

"Ouch.." I whispered as I felt the hard impact of my body on the ground. Napatingin ako sa bridal bouquet na nahulog sa tabi ko at nabaling ang tingin ko sa lalakeng nakangiwing nakatingin sa akin.

~*~

"Mama dadat, hindi lang ako sa hagdan nahulog nung mga oras na iyun. Kundi pati na din sa lalakeng nakabunggo sa akin. Hindi ko man nasalo ang bridal bouquet, hindi man ako nasalo ng lalakeng yun, literal. Mama dadat, masasabi kong. I caught myself a man in that incident.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Big Where stories live. Discover now