Chapter 1 Radio

6 0 0
                                    

BIG

"Excuse me! Makikiraan! Sorry. Excuse me po.. Wait lang po wait lang!! Sorry!" Agad akong nagtatakbo papasok sa elevator ng makitang papasara na ang pinto nito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makapasok na ako sa loob. Kasya pa. Salamat naman. Haist!

"Sorry! Sorry po." Hinihingal kong sabi ng makapasok ako. Aish... nakakahiya. Kung sino-sino na ang nabubunggo ko.

"Mama.. bulaklak." Sabi ng bata na inaabot ang bridal bouquet na hawak ko.

"Wait be careful sorry baka masira.." sabi ko at itinaas ito. Agad naman nanlamig yung tyan ko kaya napatingin ako dito at nakitang litaw ang tyan ko dahil nakacroptop akong damit. Aish..

Wala akong nagawa kundi ang ibaba ito gamit ang isang kamay ko.

"Pakipindot naman po yung 4th floor, thank you." Pipindutin na nung babae kaso biglang may pumasok kaya mas naging siksikan pa. Napaatras ako kaya itinaas ko pa ang kamay ko. Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko pero hindi ko na pinansin dahil parang nasagi lang naman. Siguro nakataas din ang kamay nya at may importanteng bagay na hawak.

Nang bumukas na yung elevator ay nagtatakbo na ulit ako para pumunta sa room kung nasan ang pictorial.

"Shete. Naririnig ko na yung camera.." wala akong pake kung nabubunggo ko na ang ibang tao dahil sa pagmamadali ko at the same time na din ay pag-iingat ko sa bouquet. Mahirap na. Libo din ang katumbas ng bouquet na ito.

"Pasensya na kung nahuli ang—"

"Ano ba! Specia— Dail?" Natahimik ako sa kinatatayuan ko. Oh shit.. sya ba ang may kasal ngayon?

Natahimik ang lahat at puro lang sila nakayuko at hindi mapakali kung saan titingin. Lalo na si Minnah.

"Do— don't misunderstood, Dail.. naubusan lang kasi ng invitation... kaya hindi na umabot sayo. Pasensya na.." pahina ng pahina ang kanyang boses kaya naman ngumiti nalang ako.

"Ok lang. ah eto nga pala, Minnah congrats!" masigla kong bati sa kanya habang iniaabot ang bouquet.

"Hehe thank you." Agad nyang inabot yung bouquet at ngumiti lang pabalik sakin.

"Okay.. let's take a picture with the bride and friends.." sabi ng photographer. "Stand closer together please." Yumuko ako at umatras dahil baka masira ko ang pictorial nila. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Minnah.

"Sali ka picture tayo.." sumang-ayon din ang iba pa naming kaklase nung college. Napatingin ako sa suot ko. They are all wearing dresses. Wearing make up and all while me....

"Ah.. hahaha di na. A- ano kasi may mga dedeliver pa ako so I need to go.. now. Haha sorry. Congrats Minnah congratulation. Bye!" Masigla kong sabi at umalis na. Lahat naman sila ay nag wave ng bye sa akin.

Okay~ that's awkward...

Pasakay na ako ng elevator ng mapahinto ako. Aish.. nakakahiya talaga. Tsk! Tiningnan ko ang paligid at ng makitang walang tao. Lumapit ako sa pader at inuntog ang ulo ko.

"Ang tanga mo talaga Urei. Nakakahiya! Nakakahiya ka! Aish.. hindi ka na nga ininvite nag punta ka pa. Nakakahiya!!!" Kahit kasi sabihin ko pang nagdeliver lang talaga ako. Nakakahiya pa din na malaman na kasal nya at yung malala pa, hindi ako invited pero nandun ako. Sa harapan nilang mga kaklase ko ng college. Napabuntong hininga nalang ako ng may marinig akong mga naglalakad sa likod ko. Nagmumukha nanaman akong tanga sa iba. I cleared my throat and arrange my hair na nagulo kakauntog ko sa pader.

Nang makababa na ako sa lobby ng hotel slash venue ng kasal ni Minnah. Nakita ko ang isang part dun kung san magbibigay ka ng pera o regalo para sa mga kinasal. Napabuntong hininga ako at lumapit. Kahit papaano, kaibigan ko si Minnah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Big Where stories live. Discover now