"Bakit hindi mo sinabi? I thought we're friends?" Paano ko sasabihin sayo na ipinagpalit ako ni Kervie sa iba at isinabay ako sa isang bakla?

I sigh at napatingin sakanya.

"Well, hindi kasi siya ganon kadaling sabihin. You know, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari," I tried to smile at him pero seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin.

"You can use my shoulder to cry on, may tissue din ako sa table ko if you want?" Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

Halatang hindi siya marunong mag-comfort.

Mahina ko siyang sinapak sa braso.
"No need. Hindi dapat iniiyakan ang ganong klase ng tao. Masyado akong maganda para iyakan ang tulad niya," natawa si Cortez sa sinabi ko atsaka niya ginulo ang buhok ko.

-----

Pagdating ko sa condo ay agad akong humilata sa sofa. Sobrang sakit ng batok ko dahil sa dami ng trabaho idagdag mo pa ang kakulitan ni SPO2 Diaz at ang nakakaasar na mukha ni Inspector Valdez. Nai-stress ang beauty ko sa dalawang 'yon.

Pumalak-pak ako ng tatlong beses at automatic na bumukas ang mga ilaw.  Napangiti ako ng makita kong malinis na ang buong condo.

Siguro pinapunta dito ni Okaasan (mom) 'yong katulong para maglinis—

Biglang nanlaki ang mata ko ng maalala ko 'yong calling card na ibinigay ni Reo. Dali-dali akong tumakbo papasok sa kwarto ko upang tignan ang laman ng basurahan pero wala na itong laman.

Yaya Hilda!

Dali kong kinuha ang phone ko at tumawag sa bahay at saktong si Yaya Hilda ang sumagot.

"Ya? Naglinis ka ba dito sa condo ko? May nakita ka ba'ng calling card sa basurahan?" Sunod-sunod na tanong ko.

[Wala akong napansin, iha. Kung nasa basurahan ngayon baka na itapon ko na]

Nang matapos ang tawag ay agad akong pumunta sa maintenance area nitong building at nagtanong kung saan nila inilalagay ang mga basura.

"Nako ma'am, kung hahanapin niyo po 'yong basura niyo mahihirapan na kayo, sa sobrang dami ng basura ng nakatira dito ay baka hindi niyo na makita 'yon," kakamot ulong sabi ng lalaking janitor na tinanong ko.

"Basura ba ang pinag-uusapan niyo?" Tanong ng isang mas may edad na janitor.

"Opo 'e, sa tingin ko po kasi may nalaglag ako don na importanteng bagay, mahahanap ko pa 'ho kaya 'yon?"

"Nako, miss. Kinuha na kanina ng mga basurero ang basura. Hindi kasi nila nakuha 'nong isang araw kaya ngayon na lang nila ginawa." Bigla akong nanlumo sa sinabi ni tatang.

No choice. Mukhang kailangan kong mag-halungkat ng basura sa dump site. Pero hindi 'yon kayang mag-isa ng ganda ko. Kailangan ko ng tulong.

Nanlulumo akong bumalik sa unit ko at agad kong tinawagan si Inspector Cortez.

[Anong problema, Inspector Tanaka?] Pambungad na tanong ni Inspector Cortez.

"Malaki. Tyler, saang dump site ba itinatapon ang mga basura dito sa q.c?" Ramdam ko ang pagtataka niya.

[Bakit? What's with the dump site? Balak mo ng maging basurera?] Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Naitapon ko 'yong nag-iisang contact natin kay Kang Reo," halos mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Samahan mo akong maghalukay ng basura, please! Kailan natin 'yong makita."

Rinig ko ang malakas niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Mamaya mo na ako tawanan, Tyler. Kailangan na nating magmadal—"

[Silly. You don't have to—]

"Pero paano—"

[Kasama sa nakuha naming information ay ang contact number niya. So you don't have to dig in the dump site. Minsan hindi ko alam kung nag-iisip ka ba o hindi.]

Ouch. Na hurt naman ako sa sinabi niya.

"Pasalamat ka at wala ka dito kundi bulagta ka na sa sahig." Natawa siya ng mahina.

[Thank you. Sige na, see you tomorrow. Wag kang maghalukay ng basura ha?]

"Ha-ha-ha, ipaalala mo bukas na dapat kitang sapakin ah?"
-----

"Please, distribute the handouts." Ng binuksan ko ang folder ay bumungad sa 'kin ang mukha ng modelong si Reo.

"Bakla 'to? Ang gwapo pa naman sayang," naiiling na sabi ni SPO2 Diaz.

"No wonder, mukha rin pa lang babae kaya pala nagustuhan ni Naval," mapang-asar naman na sabi ni Inspector Valdez.

Agad ko siyang tinitigan ng masama pero mas lalo lang ako nitong nginisihan.

Gosh, nakakaubos ng ganda ang isang 'to. Ang sarap talaga niyang itumba pang-habang buhay!

"Kang Reo is 24 years old, Born on May 27, 1994. A famous brand ambassador and a model, kada-buwan milyones ang pumapasok na pera sa bank account niya at bukod pa don his family are influential..." seryosong paliwanag ni Inspector Domingo sa harap.

"...He's the youngest son of Mr. Kang Dae-Ho, 58 years old. The director of Kang Group of companies, and Mrs. Ashley Cruz-Kang, 54 years old. A famous fashion designer and the owner of one of the famous clothing line. 'The H&R Clothing line'. He also has an older brother, Kang Dae-Hyun, 26 years old. The CEO of Kang Group of companies."

"As you can see, all the information about Mr. Kang Reo is in this folder. Pag-aralan niyong mabuti. Especially you, Inspector Tanaka," napatingin sa 'kin ang lahat ng banggitin ni Inspector Domingo ang pangalan ko.

"What's your decision, Inspector Tanaka?" Seryosong tanong ni Chief.

Napalunok ako a huminga ng malalim bago sumagot.

"Y-Yes, Chief. I accept this mission."

Wala namang mawawala sa 'kin diba?

"A wise decision, Hyun Jae. Kung maganda ang magiging outcome ng mission mo baka ma-promote ka rin," biglang nag-ningning ang mga mata ko sa sinabi ni Chief.

Promotion? Geez, kung kailangan kong makita ulit ang pagmumukha ni Kervie ay gagawin ko para sa promotion!

"Your mission will start tomorrow, goodluck." Napangiti ako sa sinabi ni Chief.

"Thanks, Chief."

Kang Reo, you're lucky dahil sasakyan ng magandang 'to ang trip mong paghihiganti kay Kervie-the-jerk.

Just so you, wait...

-----

In Between
* To be continue....

In Between Where stories live. Discover now