CHAPTER 3

68 3 0
                                    


"Ella, si Zian papalapit." Nakaupo kami sa student's lounge at kitang kita ko si Zian, yung super-hot na member ng dance club. Wala atang babae sa school ang hindi nagkacrush sa kanya. Magaling nang sumayaw, pogi pa. Tapos kapag ngumiti pa siya kita pa yung dimples niya. Hay naku, kelan kaya niya ako mapapansin?

"Mag-ayos ka bilis!" Mabilisang sinuklay ni Kristine yung buhok ko at inayos ang plaids ng palda ko. Kunyari nagbabasa ulit ako pero yung kabog ng dibdib ko, kulang nalang lumabas ang puso ko at tumalon papunta sa mga palad niya.

Ilang hakbang nalang ang layo ni Zian sa table namin, pero hindi siya ang nakarating.


"PATTY!!! ELLA!!! KRISTINE!!! UHMMM... HI MEG." Sabay sabay kaming bumusangot na apat. Dumating pa kasi ang mga kabarkada naming asungot. Kita ko ang pagsimangot ni Zian habang naglalakad siya papalayo sa amin.

"May DOTA tournament kami mamaya, sama kayo ha. Kailangan naming ng supporters." Paliwanag ni Chester sa amin. Hindi ko siya actually pinapakinggan dahil nga kay Zian na naglalakad papalayo.

"Sino bang tinatanaw mo Ella?" Tanong ni Lee pero alam ko naman nang-aasar lang siya dahil hinaharangan niya yung view ko kay Zian. Sinamaan ko lang siya ng tingin at naupo ulit.

"So, mamaya ha. Sabay-sabay na tayong lu-"

"Hindi ako sasama." Napatingin silang apat sa akin.

"ELLA! Bakit?? Best friends mo kami tapos di ka sasama?" Tumingin ako kay Carlo na nagpapaawa effect na naman.

"May meeting pa ang student council kasama si Principal Gapuz. Alam niyo namang malapit na ang Intramurals eh. Kailangan na naming magprepare." Paliwanag ko naman. At alam naman nilang kahit kelan hindi ako sumasama lalo na sa mga DOTA tournaments nila.

"Eh, di hihintayin nalang kita. Namin pala. Diba?" Well, hindi naman na nakasagot ang sinuman sa barkada dahil busy kaming nakatingin kay Ivan. I actually don't mind kung hihintayin nila ako.

Sa totoo lang hindi ako mapakali na nakatingin si Ivan sa akin. He is staring at me for quite some time now at feeling ko matutunaw na ako.

"Totoo ba?" Jusme, sana hindi nalang siya nagsalita. Parang mas hihimatayin pa ako nung nagsalita siya.

"Ang alin?" Tumingin siya dun sa bata sa lamesa, na kumakain ng cereal ko. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Mula kasi kanina sa eye-widening na self-introduction ng bata, aba di na siya nagsalita at nakipagtitigan nalang sa akin.

"Anuba, Ivan? Naniniwala ka sa bata? Kids have wild imaginations nowadays. Alam mo yan." At alam mo din bang namamawis na ang kamay ko sa kakasinungaling sayo?

"Then, kaninong anak siya?" uhmmm... kanino nga ba? Sabi niya diba sa atin? Pero imposible yun dahil di pa tayo marunong gumawa ng bata nung tayo pa.

"Uhmmm... Remember my cousin? Anak niya yan. Naglayas kasi yang batang yan sa kanila. Iiwan ko nalang ang number nila kuya sayo and please do contact him. Sabi niya nasa Singapore daw ang dad niya." Paliwanag ko. Sorry na po. Pero, in the first place, hindi ko naman alam kung nagsasabi ng totoo ang bata so, hindi parin ako nagsisinungaling.

"O-ok. Sige. Ihahatid ka na namin sa airport." Ivan offered me a ride at halos walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi parin maalis ang tingin niya sa bata and keeps on muttering something.

"Aira Ivanna..."

"Huh?"

"Ahhhh wala... Naalala ko lang nung high school. Sabi mo if magkakaanak tayo gusto mo yung name na yun para sa baby girl mo. Hindi ko alam pinahiram mo pala sa pamangkin mo." You know how awkward that is? Ang sarap niyang batukan para matauhan siya.

MY EX, A BABY AND IWhere stories live. Discover now