"baks! magbabakasyon na! malapit na din graduation natin! pano ba yan? hindi na tayo masyadong magkikita, lilipat ka na para sa college diba"- malungkot na sabi sa akin ni joanna
"ano ka ba naman baks, marami namang paraan jan! through social media duh!" - sarcastic kong sagot
ilang araw na lang kasi mag ga graduate na kami ng grade 12, masaya dahil new chapter na ng buhay namin, yung parang papunta na kami sa mature stage, pero nakakalungkot din dahil hindi ko siya makakasama sa mature stage ko dahil lilipat na kami ng bahay para sa pag ka college ko,
hindi kasi ako nakakuha ng scholarship dito sa university na pinapasukan namin, pero since grade 7 ako, naging scholar na ako dito, gusto ko man ditong mag college kaso masyado namang mahal, hindi naamn ako mayaman tulad nina joanna at nung iba naming friends
"Naalala mo yung pinapanood ko sayo sa phone ko?" - masayang tanong niya sa akin
"GAGA! ALIN DUN? ISANG BESES KO LANG YUN NAPANOOD! PINILIT NIYO PA AKO, MGA BABOY!"- pag singhal ko sa kanya
gusto ko mang ikwento ang napanood ko pero... gusto ko nang makalimot.. utang na loob, iyon ang bagay na hindi dapat tinatandaan
"MAS GAGA KA! BUNGANGA MO! hindi yun yung OBO!"- paliwanag naman saakin ni Joanne, akala ko kung ano na!
"Ahhh! yung OBO, yung game from america right? yung ₱80,500 ang presyo!" - sabi ko habang pinapangalandakan ko ang presyo
"Ano ka ba! alam mong mas mataas pa diyan ang tuition fee namin diyan!"- sabi naman niya
"Oh? Ano naman ang kinalaman ko jan sa OBO na yan?"-
"naisip kong mag chi cheap in kami nina Mica para maka bili kami ng console para sa iyo, 1 week na lang i la launch na ang game dito sa pinas, FINALLY!" - masaya niyabg sabi
"EH! MAS GAGA PALA KAYO EH! MAGSASAYANG KAYO NG MAGKANO? TAG TU TWENTY ONE THOUSAND TWO HUNDRED FIFTY PARA LANG SA ISANG GAME COSOLE?" - eskandalosa kong sabi
"wow! galing sa math! kwentado parang planado!"- sabi naman ni joanna
"Naman!"- sabi ko naman sa kanya sabay kindat
"yan! diyan ka magaling!"- natatawa niyang sabi
of course like what joanna said, planado na talaga to... like una niyang pinakita sa akin ay isang guild war sa OBO or Olympian's Bloodline Online na nag originate sa U.S ang Globally Top Selling na game sa buong mundo... glabal nga diba?
napag usapan kasi namin nina Mica ang tungkol doon! bale ang friends ko pala dito ay sina Mica, Joanna, Joy at si Jerelyn, Girl Squad, hahaha, anyway alam naman namin na mag hihiwalay hiwalay na kami kaya nag hanap kami ng paraan then na found out namin ang OBO, mas maganda daw kasi dun magsamasama kesa sa chat lang or video calls, sabi nila para daw totoong mag kakasama kami,
naexcite naman ako sa mga kwento kwento tungkol sa OBO na yan, pero hindi naman ako magaling sa mga ganyan ganyan, hahaha, tsaka hindi ko talaga afford bes! pang malakasan eh!
pero sabi nina Mica gagagawan daw nilang paraan para mabilhan ako ng sarili kong console, mababait naman ang mga kaibigan ko, kaso nga lang halos itaboy ako ni mama pag nasa bahay sila, eh paano asikasong asikaso, yung lagi akong uutusan para bilhan si ganyan ng ganyan, sabihin niya kung ayaw niya ako sa bahay! ako kaya ang ipinunta ng kaibigan ko sa bahay hindi ikaw! grrr.
"BASTA BAKLA! IPAPADALA NAMIN SA BAHAY NIYO ANG CONSOLE! SIGURO GRADUATION GIFT NA NAMIN YUN SAYO!" -masayang sabi niya bago ako bumaba ng kotse nila,
nginitian ko naman siya para sabihing salamat, hindi kasi ako masyadong nag e express ng feeling verbally at alam naman nila joanna yun, hatid sundo kasi ako nina joanna, since malayo layo ang bahay namin sa school,
bago pa man ako makapasok sa bahay, nag message agad sa akin si joanna
'bakla! sa graduation pala ang launch ng OBO log in ka agad huh!'
napangite na lang ako, atat na atat ang bakla!
______________
kagagaling lang namin mula sa hotel, para sa graduation, doon ginanap, sosyalin! anyway, hindi kami inihatid ni joanna since kasama niya family niya at yung maliit lang na car ang nadala nila,
kahit nama yung van ang dalhin nila, hindi pa din ako sasama, kakahiya kaya, kahit sabihing close na close kami ni mamo, ang mama ni joanna
iniisip ko ang kaganapan kanina, parang minadali eh! parang ata! ganun! yung hindi pa ako tapos umawra sa stage may nakasunod na agad!
"Bat parang ang bilis? alam mo noong kabataan ko, naku ang graduation sa amin halos magdamag!!"- pag rereklamo ni mama
pinag titinginan kami ng tao dito sa jeep, paano ba naman ang lakas ng bunganga ni mama, binigyan ko naman si ma ng shhh! sign! para mabawas bawasan ang ingay ni mama
"HOY! VICTORIA! WAG NA WAG MO AKONG MA SHHHH! SHHHH! JAN! PAG AKO NAWALA NAKO! EWAN KO SAYO KUNG DI MO AKO MA MISS, DIBA? NAKU TALAGANG BATA KA KUNG HINDI MO NGAYON GRADUATION! NAKU! TALAGA!"- nang gigigil na sabi sa akin ni mama, habang kinakalabit ang katabi niya,
mas lalo tuloy kaming pinag titinginan at pinagtatwanan!,... huhuhu nakakahiya!
------
so walang pedicab, rampa ngayon ang mag ina, hahaha, grabe nanaman ang bunganga ni mama, kesho, nasaan daw yung mga pedicab kung kelan kailangan! bakit daw mabilis mawala, kesho diba nila alam na continuous ang gustong sumakay na pasahero atbp.
habang nag lalakad kami papuntang bahay, may nag message naman sa akin, tiningnan ko at si joanna ang naka register,
'Bakla! log in na ako, ready naman yung console mo isasaksak mo na lang at isusuot ang helm, whooo can't wait to play'
oo nga pala, 3 days before graduation namin, pinadala samin yung box ng game, wala si mama nun kaya walang isyu, though nakita narin naman niya, wala naman siyang reaction, himala!
bigla ko tuloy naisip... kaya ba minadali ang program dahil dito? sa game? grabe!
YOU ARE READING
Olympian's Bloodline Online
Science Fictionhave you felt complete freedom in online game? here in olympian's bloodline online we give you the most free world online role playing game you'll never experienced before, so... what are you waiting for, come and join us as we conquer the land of t...
