Ako si Kat. Madami ako naging kaibigan and mostly they just come and go. But I have this one childhood friend of mine na palaging nandyan. At nangangalan siyang, Park Jimin.
Kung tatanungin mo kung paano ko idedefine ang friendship namin ni Jimin, #GOALS talaga. Nakilala ko si Jimin, nung lumipat yung pamilya niya sa neigbourhood namin. Ka-age ko siya, kaya madali kaming nag-kasundo, at siya din palagi kong kalaro.
Since then, we became the bestest friends! Umaga pa lang, nag-lalaro na kami, tagu-taguan, tumbang preso, langit lupa. Tapos sabay kaming bibili ng meryenda, at sa hapon naman, manunuod na kami ng pabirito naming kartoons.
Kami ni Jimin, we go waaaayyy back. Elementary.. hanggang sa nag-highschool, tapos college. Akala ko nga hanggang sa pang habang buhay na din yung friendship namin, kaso hindi pala.
************
(Elementary Days. Current Age: 12 years old)
"Mag teteenager na tayo next year" sabi ko kay Jimin
"Oo nga ano, ngayon ko lang na-realize yun"
Naka-upo kaming dalawa sa bubong ng bahay ni Jimin, nag papahangin lang, kwentuhan. Mag gagabi na din kasi, kayang ang sarap tignan yung sunset. Napaka relaxing.
Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Jimin.
"Ano nanaman yang pinoproblema mo?"
"Wala naman" sagot niya "Napaisip lang ako, kung ano kaya ang mang-yayari satin sa future, magiging successful kaya tayo? dito pa rin kaya tayo naka tira?"
"Nako naman min! Matagal pa yan!" sabay batok sa ulo niya. "Basta ako, gusto kong mag-travel. Gusto kong pumunta sa Disneyworld!"
"Hooyy! Isama mo ako dyan!" tuwang-tuwang sinabi ni Jimin
"Oo naman! Magiging travel buddies tayo! Sasakyan natin lahat ng rides sa Disney! Tapos pipicturan mo ako kasama si Cinderella! Tapos mag-fofood trip tayo" iniimagine ko pa lang, sobrang excited na ako
"Sige, basta dapat gawin din natin yung mga gusto ko. Katulad ng, sky diving! bungee jumping! yung mga nakakatakot pero enjoy!" sagot ni Jimin
"Oh sige! G ako dyan!"
************
(High School Days. Current Age: 17 years old)
Ang tagal naman ni Jimin, kanina pa ko naka-upo dito nag-aantay. Halos mag dadalawang oras na! Haayyy. Kaasar naman! Wala kasi akong pera pauwi eh. Asan na ba kasi yung mokong na yun!
Lumipas ang ilang minuto, at sa wakas nakita ko na din si Jimin. May mga bago siyang kasama, puro lalaki. Ang dami nila, tsaka sobrang haggard yung mga itsura nila.
Kumaway sa akin si Jimin nung nakita niya ako, tapos nag-paalam na siya sa mga kasama niya at lumapit sa akin. Hindi niya suot yung uniform niyang polo, naka sando na lang siya, at pawis na pawis.
"Bakit nandito ka pa?" tanong sa akin ni Jimin.
"Wala akong pamasahe pauwi" sagot ko.
"Edi kanina ka pa pala nag-iintay?" tanong niya
"Oo! Ang bagal mo nga eh!! San ka ba kasi galing?" Hindi agad siya sumagot.
"Dance club" mahina niyang sinabi
"Ano? Sabi mo ba, Dance club?" inulit ko, at umo-o siya. Napatawa ako ng malakas. Sumasayaw na pala tong lokong toh. Ano kayang napunta sa utak neto, at biglang suma-sali na sa dance club. Ni hindi ko nga alam na, may interest pala siya sa pagsasayaw. Akala ko, puro kalokohan lang alam neto.
"Anong ginagawa mo sa dance club?"
"Sumasayaw" sagot niya
"Gago! Bat ka sumali dun. Puro mga pakboy kaya mga lalaki dun! At gusto mong mabilang duon!? Ano na ba trip mo ngayon? Gusto mo na biglang maging chick magnet, ganern?" patawa at paasar kong sinabi kay Jimin. Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya.
"Para kasing ewan. Sasali ka ng dance club, eh hindi ka naman magaling sumayaw"
"Tara na nga. Umuwi na lang tayo" sabi ni Jimin
ESTÁS LEYENDO
Is It Meant To Be? (BTS Tagalog Fanfiction)
FanfictionPaano pag iniwan ka ng bestfriend mo? All this time simula pa lang ng bata pa kayo lagi na kayong magkasama. Nag simula sa mag-kalaro, magkasama hanggang sa elementary, high school, college. Umasa kang friendship goals talaga kayo, pero hindi pala...
