Chapter 4

625 18 0
                                    

Sienna's POV

Nakailang baso na ako ng tubig dahil sa nakita ko. Bakit sila magkasama??? Nakatayo ngayon si Xzander sa gilid at nakaupo naman kami ni colleen dito sa sofa. Alternately ko silang tinitignan, sana mali ang hinala ko.

"Kanina ka pa! Tutusukin ko na yang mata mo." sabi ni colleen, tinignan ko naman siya saka binaba na yung basong pinaginuman ko.

"Bakit kayo magkasama??? O.O anong ginawa niyo???" OA na sabi ko saka nilakihan pa siya ng mata. Hangga't hindi nila pinapaliwanag to talagang hindi ako titigil sa kakaisip na may namamagitan sa kanilang dalawa!

"Ang OA mo!" sabi ni colleen sakin saka tinuktukan yung ulo ko, napahawak naman ako sa ulo ko dahil ang sakit rin ng pagkakatuktok niya dun.

"May kasama ka na, aalis na ako." cold na sabi ni Xzander kaya napabaling ang tingin ko sa kanya, sobrang cold ng mukha niya. Tyaka this past week hindi niya ko inasar, ang saya ko na rin kasi parang nakalimutan niya na yung utot thing ko.

"Wait!" sabi ko pa pero nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad at tuluyan ng nakalabas ng bahay. -.- ganyang ganyan ang ginagawa niya sakin last week. Tyaka lumipat na rin siya ng upuan, hindi na siya sa harapan ko nakaupo. Nasa pinakaharap na siya.

"Hoy! Boyfriend mo??" medyo nagulantang siya sa sinabi ko. Uminom muna siya ng tubig saka hinarap ako ng diretso.

"Mandiri ka nga! Boyfriend ko??? yang pinsan ko??? Hahahaha"

.
Pinsan
.
Pinsan
.
Pinsan
.

"O.O PINSAN?" Napasigaw ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya! How come na naging pinsan sila?? Crush niya? Tapos pinsan niya? Pinaglololoko niya ba ako??

"Huminahon ka nga!" sabi niya sakin, napainom muli ako ng tubig saka tumingin nanaman sa kanya. Hindi ko na alam iisipin ko talaga!

"Huminahon??? Paano ako hihinahon?? Mababaliw ako sa kakaisip kung PAANO!" Medyo pasigaw ko ng sabi sa kanya.

"Matagal na kasi akong walang balita tungkol sa kapatid ni dad at maging kay dad mismo. Umuwi si dad dito kagabi, nagulat gulat pa nga ako dahil once in a blue moon ko lang makita yun. Tanong pa ako ng tanong tungkol sa kapatid niya kaso wala siyang sinabi sakin. Ang sabi niya lang samin ni mommy titira daw dito yung PINSAN ko! Gusto rin kasi ni dad na may kasama yung PINSAN ko, eh buong buhay daw kasi nun mag isa lang siya kaya nagdecide si dad na dito na rin makitira yun. Hindi ko naman alam na si XZANDER yung tinutukoy niya kaya broken ako ngayon! Napaka malas ko talaga eh. Pero tignan mo ah hahahahaha ang ganda ng lahi namin!!" sabi niya sakin. Nalinawan naman ako sa sinabi niya. Baka busy person ang mga magulang nung taong yun kaya nagiisa lang siya sa bahay nila.

"Dela Vega? Dela Vega rin siya?" tanong ko... Huh? Eh pero iba yung apelyidong binabanggit ng mga prof. namin... Ano na nga ulit yun? >_< PROBLEMA KO PA BA YAN??

"Aye! Xzander Maverick Dela Vega Alcaraza and he knows na pinsan niya ako." sabi niya. Jusko nakakasakit naman ng ulo!! Mababasag na ata tong ulo ko sa kakaisip.

"Pero bakit hindi ka niya pinapansin?" tanong ko pa. Hindi talaga ako titigil dito.

"Eh kasi ayaw niya, hindi naman yan sanay makipagusap sa tao." sabi niya saka kinuha na yung gamit niya sa tabi niya at inilagay yun sa table na kaharap namin. So? Hindi tak yung mga kaibigan niya? -.- ang gulo ng buhay ng lalaking yun ah!

Colleen's POV

Tama nga ako -.- hindi na niya ako titigilan sa mga tanong niya. Naintindihan ko naman yung activity kasi inexplain na ni sienna sakin kahapon pero kasi gusto kong ikwento sa kanya yung nangyari kagabi kaya pinapunta ko siya dito.

Catch Me, I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon