“Ano ba ‘tong kaibigan niyo?!! Walang kwenta!” – sigaw nung babae sabay umalis.
“Dude ano ka ba! Nandito tayo para mag enjoy!” – sigaw ni Musni.
Fvck. Sila ang nag eenjoy hindi ako! Nandito lang naman kami sa Illusion Night Club, isa sa pinaka kilalang night club dito sa pinas, karamihan sa mga nagpupunta dito eh mga kilalang business man, last month dinala ako dito ng tito ko pero agad naman akong nakatakas sakanya. Fvck puro babae lang makikita mo dito! Minsan may mga nakahubad pa! sh*t dapat sa club na ‘to pinapasara! Isang politician kasi ang may ari kaya ang lakas ng loob!
“Tangna Musni wag niyo ko isama sa kagaguhan niyo!” – sigaw ko.
“Tss! Dude alam naman namin na may hinihintay ka! Pero ang tagal na! ni anino hindi mo nakita? Mag move on ka na! Para ka namang hindi lalaki! Tignan mo ‘tong si Cloyd sinama ko dito para magsaya!” – sigaw ni Musni habang may katabing dalawang babae!
Tinignan ko naman si Cloyd, mukha namang ayaw niya rin.
“Cloyd!!” – pero hindi niya ko tinignan.
Kasama din namin yung mga bago namin barkada ngayong college.
Malakas ang tugtog, uminom nalang ako. Kung tutuusin kaya ko ng umalis sa lugar na ‘to pero may pumipigil sakin na kung ano..
“Good Evening! Ladies & Gentlemen! Tonight we celebrate our 7th year anniversary!” – malakas na pag announce nung bakla dun sa stage. Tss, may celebration pang nalalaman puro kahalayan lang naman ang laman ng club na ‘to.
“Alam naman ng lahat na every anniversary ng club na ‘to ay may tinatawag tayong BID TO BIG!!” – pagmamalaki nung kasama nung bakla.
“Oi pare Masaya yan.” – sabi ni Mark bagong barkada namin.
“Pano naging Masaya?” – tanong naman ni Gelo.
“Tss, yung tito ko sumali dati sa ganyan, may babae jan mamaya na ibabalandra sa harapan, karamihan sa nilalagay jan magaganda at VIRGIN dude, kaya lang minsan kahit hindi na virgin sinasama parin sa bidding basta sexy!! tapos mag bibidding! Kung sino yung pinaka malaking pera ang ibibigay sakanya yung babae!”- paliwanag ni Mark.
YOU ARE READING
Numb is in
Teen FictionPaano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O kakalimutan mo na siya para sa isang taong alam mong palaging nanjan para sayo? Ito po ay kabaliwan...
CHAPTER 19: Priceless
Start from the beginning